MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 19


MARRIED TO A HEARTLESS MAN❤️
CHAPTER 19
Nagising si Clara na nakatali siya ang kamay at paa niya. May busal rin ang bibig niya. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan niya lang ay ang lalaking huli niyang nasilayan bago siya mawalan ng malay.
“BOSS!!! Gising na siya!” sigaw ng isang lalaki at sigurado siyang binabantayan siya nito. Nakarinig siya ng yabag ng mga yabag ng papalapit na bulto.
“Clara, ang reyna ni Tyron Baltazar. Malas mo lang at naging asawa ka niya. Tskkkk kawawa ka naman nakapag-asawa ka ng mamamatay tao ng hindi mo nalalaman” sigurado ito ang anak ni Chua na sinasabi ng asawa niya sa kanya. “Hayop ka!! Pakawalan mo ko dito” ngunit tinawanan lamang siya nito.
“Hindi pa nga ako nakakaganti sa asawa mo dahil sa ginawa niyang pagpatay sa ama ko. Sigurado mas sasaya ako kung makikita ka niyang nasasaktan at wala man lang siyang pwedeng gawin para maligtas ka” nag-aalala siya para sa asawa niya. Kung hindi lang sana naging maging ang...


ulo niya. Hindi mangyayari ang lahat ng iyon.”Mamamatay kang Hayop ka!!!!” lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mukha pagkatapos at sinampal siya ng napakalakas. Ang sakit non.
“Mas Hayop ang asawa mo, Hayop ang pamilya niya,mabuti na lang ay namatay ang mga magulang at kapatid siya at susunod ka na!!!” sigaw nito sa kanya.Pinipilit niyang tanggalin ang nakatali sa kanya ngunit hindi niya magawa. Hindi niya kaya.
“Wala kang mapapala sa ginagawa mo. Sa tingin mo ba kung gagawin mo to mabubuhay mo ang tatay mo!!! Wala kang mapapala!!! Sigaw niya rito pero Hindi ito umimik.
” Siguro nga wala pero ang makita kong nasasaktan ang asawa mo ay sapat na, ang mapatay siya ay sapat na. Hahaha wala akong pake sa sinasabi mo!” sabi nito at naglakad papalayo sa kanya.
“Pakawalan mo ko rito!!!” sigaw niya pero hindi siya nito pinakinggan at tuluyan ng umalis.
“Boss,pwede ba namin galawin ang babae?” sabi ng isa dahilan para kabahan siya. “Tanga pare hindi pwede saka buntis yan, baka mapatay tayo ni boss!






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. jemela b. lumen

    ay ang ganda nito may kadugtong pa ba nito?

Leave a Reply


top