MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 2


❤️MARRIED TO A HEARTLESS MAN❤️
CHAPTER 2
Maagang nagising si Clara. Kailangan niyang makausap do Tyron. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang nakita niya noong isang gabi. Ang pag-iyak nito na kailanman ay di nakita ng iba.
“Naandiyan na po pala Ma’am, kumain na po kayo bilin po kasi ni sir baka magalit na naman yun” sabi sa kanya ng isang katulong.
“Asan siya?” Hindi alam ni Clara kung bakit naisipan niyang magtanong kung nasaan ito but still mag-asawa pa rin sila.
“Nasa kompanya niya na po iyon, maaga po siyang umalis hindi nga po nag-umagahan ehh” usal ng katulong ng Clara.
“Matagal na ba kayong katulong rito?” Hindi naman masamang mag-usisa siya tungkol sa asawa niya kahit na napilitan lang siya magpakasal dito dahil sa utang ng mga magulang niya.
“Hindi po bago lang po, noong una nga po ay natatakot kay sir pero sabi ni Manang ay wala daw akong dapat katakutan kay sir Tyron, mabait naman daw po ito hindi lang halata” pagkukuwento ng katulong. Si Manang na lang ang tatanungin niya mamaya.
Kumain na si Clara kahit wala siyang kasabay .Naisip niya Lagi bang Umaalis si Tyron ng mansion na hindi kumakain? Hindi naman masamang mag-alala siya dito.
“Manang may itatanong po sana ako sa inyo” nakita ni Clara ang mayordoma ng mansion, ka close niya naman ito sa katunayan.
“Ano yon iha? Kumain ka na ba? Baka mapagalitan kami ng asawa mo. Huwag mo na ring tangkain lumabas dahil ang daming bantay.” makahulugang sabi sa kanya ni Manang.
“May alam po ba kayo sa nakaraan ni Tyron?” di naman agad ito nakasagot kaya may napansin si Clara kakaiba.Mukhang may alam ito.
“Iha mas mabuti pang kay Tyron mo na lang malaman yan, wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang mga bagay bagay. At sana wag mo siyang galitin. Alam mo bang kapag ikaw ang kaharap niya ay kalmado siya. Ikaw lang ang nakakagawa noon. Alam naman nating dahil sa utang kaya ka nagpakasal sa kanya. Pero sana bigyan mo ng halaga ang kasal niyo. Dahil may halaga ito sa kanya. Kilalang kilala ko na ang batang iyon kaya ko sinasabi sayo ang mga ito. “sabi ni Manang Cely sa kanya at Umalis na.
Inilibot niya ang mata sa hardin ng Mansion. Napakaganda nito. Naisip kung dadalan niya ba ng lunch si Tyron sa kompanya matutuwa kaya ito?
” Am I being rude to him?Dapat ba ay maging mabuti ako kay Tyron? “pagtatanong ni Clara sa kanyang sarili. Bago siya naglakad paalis sa hardin at Pumunta sa may sala para hanapin si Manang Cely.
” Manang pwede niyo po ba akong tulungan? ”
” Saan naman iha, kung tatakas ka at lalabas na naman ay hindi kita matutulungan”agad na sagot ni Manang sa kanya.
” Magpapatulong po sana ako sa inyo na magluto, ano po bang paborito ni Tyron, marunong naman po ako magluto ngunit di gaanong masarap.” napangiti naman si Manang sa sinabi niya.
“Babawi ka ba sa asawa mo? Isang taon na kayong kasal pero ngayon mo lang siya ipagluluto, mabuti at naisipan mo. Sige tutulungan kita.”
“Ako na rin po ang magdadala nito sa kompanya niya”...


usal ni Clara.
“Sigurado ka ba?” paninigurado ni Manang sa kanya.
“Hindi naman po siya siguro magagalit dahil sa paglabas ko tutal sa kanya naman ako pupunta.”tumango lang naman ito sa kanya.
” Sinigang na baboy ang paborito niya”
“Ahh okay po manang, simulan na po nating magluto.”Nagluto na nga sila ni Manang. Dapat ay maging masarap ito dahil baka mabulyawan lang siya ni Tyron at hindi niya gugustuhin yun.
” Ayos na Iha ikaw ang Nagluto niyan hindi ako, siguradong matutuwa ang asawa mo nito “nakangiting sabi ni Manang Cely kay Clara. Ngumiti rin siya pabalik.
Dali dali siyang Pumunta sa kwarto niya. Naligo. Nagbihis.Dadalan niya ng pagkain si Tyron sa kompanya.
” Ohh Iha ito na ang dadalin mo sa asawa mo, siguradong masasarapan siya sa niluto mo.”inabot naman ni Clara ang isang Black na paper bag kung saan nakalagay ang pagkain dadalhin niya.
” Ihatid niyo ako sa asawa ko”sabi NI Clara sa nakita niyang men in black /bantay ng niya na rin.
“Alam po ba ito ni Sir Tyron?”
“Hindi niya kailanman malaman dahil isosorpresa ko siya, kaya ihatid niyo na lang ako at wag na kayong magtanong. Lumabas siya ng mansion at sumakay sa kotse na nakaparada. Agad naman sumunod ang dalawang men in Black na tauhan ng asawa niya. Binabantayan pa rin siya ng mga ito.
“in my husbands company” sabi niya sa driver at pinaandar na nito ang sasakyan.
Mabilis nilang narating ang komapanya. Inalalayan siya ng dalawang bantay sa pagbaba niya. Mukhang walang balak ang mga ito na lubayan siya. Malamang utos ng asawa niya.
Habang naglalakad papasok sa kompanya. Nakatingin kay Clara ang mga empleyado. Hindi ba alam ng mga ito na siya ang asawa ng boss nila?
Pumunta sila sa elevator. Na tandaan niya na kung saan ang opisina nito.
Habang papalapit sa opisina nito. Rinig niya ang galit nitong sigaw na di gugustuhing marinig ng sino man.
“Get out of my office!!!Do your fucking job well!!! OR ELSE I WILL FIRE YOU ALL!!! GET OUT Now!!!” naglabasan sa opisina ang tatlong empleyado na mukhang takot na takot.
Parang gusto ng umuwi ni Clara natatakot siya na siya ang mapagbuntunan pa ng galit nito pero kailangan.
” I said get —di na natuloy ng asawa niyang si Tyron ang sasabihin dahil nakita siya nito.
” Wife what are you doing here? “tanong ni Tyron kay Clara.
” Dinalhan kitang pagkain pero mukhang masama ang mood kaya aalis na ako baka sakin mo pa maibunton yang galit mo. “sabi Clara kay Tyron. Nilapag niya ang paper bag sa may lamesa nito.
Maglalakad na Sana siya palabas sa opisina. Pero may yumakap sa kanya ng patalikod and she knows kung sino ito. Walang iba kung hindi si Tyron ang asawa niya.
” Sabayan mo kung kumain” sabi nito, ang ulo nito ay nasa leeg niya Pagkatapos ay hinalikan ang braso niya na nagdulot ng milyong milyong boltahe ng kuryente sa katawan niya.
Humarap siya dito at tumango.
“I’m glad you came here” sabi nito at hinalikan ang labi niya.
Napapikit nalang si Clara dahil sa paghalik sa kanya ng asawa niyang si Tyron.
Salamat po sa patuloy na pagbabasa😍❤️






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. Bakit po hindi sunod sunod ang chapter?

  2. exciting strories

  3. sender ituloy mo na pls pakibilisan mo namn next chapter ganda ng story nakaka intense sge na pls

  4. Espera.jonah@yahoo.com

    Maganda

Leave a Reply


top