Meant to be? Chapter 31


“Oh bat ang tagal mo bro?”
Bulong ni George nang makalapit si Ace sa mesa.
Ngumiti lang ito ng tipid tsaka tuluyang tinapos ang meeting sa kaharap. Ngunit ilang sandali muna silang nanatili habang binabasa na ni Ace ang messages ng babae kanina.
Nakikipag kita uli ito sa kanya na nasa hotel lang ding iyon.
Nais na nyang maging malinaw ang lahat sa kanila ngayong gabi, nang minsanan na at wala nang gugulo pa sa kanyang isipan.
Ang babaeng yon ang pina kauna nyang naging girlfriend. Pero hindi sila nagkahiwalay, nagkalabuan lang ng komunikasyon. Dahil lage sya nitong iniiwan sa ere!
Isa rin ito sa rason kung bakit sya naging playboy. Akala nya kasi marami din silang nakapila sa buhay ng babae. At ninais nyang maranasan din kung ano ang pakiramdam nito sa ginagawa sa kanya. Inaamin nya ito ang unang babaeng binigyan nya ng atensyon at pagpapahalaga.
Maganda si Alodia, maamo ang mukha at di akalain ni Ace dati na mabait pala ito sa kabila ng katotohanang galing ito sa sobrang yamang pamilya.
Hindi ito maarte dati, nong di pa umaalis papuntang states. Nong nandito pa sya sa Manila kung saan sila unang nagkasalamuha.
Hindi nya alam kung first love nya ba si Alodia. Pero siguro dahil sa walang closure kaya ito lang ang babaeng may pagkakataong sumasagi pa rin sa isip nya.
At kelan ba sila huling nagkita at nagkasama? 6 months ago? Mga panahong hindi pa dumarating si Nice sa buhay nya. Kung saan.. Hindi nya maayawan ang mga babaeng kusang lumalapit.
Papunta na sya sa sinabi nitong area. Iniwanan na muna nya si George at sinabing may mahalagang tao pa syang kakausapin. Kung maaari ayaw nyang ipaalam muna dito. Tatapusin na rin naman nya ito ngayon.
Malayo pa lang kita na nya ang matamis na ngiti ng dalaga. O kung dalaga pa rin ba ito hanggang ngayon? Ang alam nya kasi marami itong suitors.
“Hi! ” mas lumapad ang ngiti nito ng ilang hakbang na lang ang pagitan nila.
Ngumiti lang ng tipid si Ace.
“Ayokong magtagal Jang, you know may mahalaga pa akong lakad” pagkukunwari nya.
” The way you speak hurts me. ” naging seryoso na ito at nawala ang ngiti sa labi.
“Please lend an ear for every words that I’ll say”
Nagkibit balikat lang sya bilang pag tugon.
Medyo private yong area actually sila lang ang naroon, at di masyadong maliwanag.
“I prefer to talk to you here, para na rin iwas sa chismis.. ”
Umupo na rin silang dalawa.
Pansin ni Ace na parang walang nabago kay Alodia. She’s still the same her back when he first mingled with her. Yong napakasimple lang but seems to be daring kapag natitigan sa malapitan.
” I don’t expect this. But I feel awkward now sitting here in front of...


you. It was just 6 months ago when we had our last bonding together. Why a sudden change Ace. I just realized it right after we separated from that comfort rooms a while ago.”
Napayuko si Ace.. Kahit kailan ang lambing pa rin nitong magsalita. Sh*t! I already have my Nice..
” Normal lang siguro yon. Marami ang nababago sa isang iglap lang, meron ding hindi nababago kahit sa tinagal tagal pa na panahon ang nagdaan. Nakadepende lang yan.”
“Yeah right.. 100% I agree.
And for now I will admit this to you. That what we had for past few years, nothing had changed.
It’s still here inside me. It didn’t leave me. It stayed,
My love for you has never changed.
Napayuko ito dahil namumuo ang luha.
“Damn it! I still love you. And I miss you so much!”
Naramdaman ni Ace ang biglang pagkabog ng dibdib. He’s about to ask for closure and tell this girl that he’s trying to clear everything between them.
Nang di na nya ito maiisip pa.
Why she’s telling this right now.
“Jang.. Matagal na tayong malabo at siguro wala na ring tayong babalikan pa. Kaya nga ok na rin at nagkita tayo para tuluyan ng linawin na talagang wala na tayo. ”
“I’m sorry.. I’m sorry for being so stubborn.
Pero kung alam mo lang, ikaw lang ang lalaking bumihag sakin. At ikaw pa rin hanggang ngayon!”
” Yeah I choose to obey my parents and leave you for states. Pero sobra ko yong pinagsisisihan. Because no matter what I do, no matter how hard I try. Ikaw pa rin ang weakness ko, I’m so damn weak when you’re not around and you just don’t know how much I suffered how many years that I lived with all those tears.”
” For I’m just so inlove with you.”
“That even we’re miles away..andito ka lang lagi.
” Damn Ace! Mahal na mahal pa rin kita😭
“Damn this! .” . Napaluha na rin si Ace.. Di sya makapaniwala sa mga narinig. Taliwas ksi yon sa iniisip nya dati tungkol sa babaeng ito. But now he can see her sincerity.
Humagulgol na ito, kaya di nya napigilang lumapit at patahanin ito. Sabihin pa nang makakakita, inaway at pinaiyak nya ang kaharap.
Pinahid nya ang kanyang luha, tsaka Tinabihan ito at hinagod ang likod.
“Siguro may mahal ka nang iba, kaya ka ganyan na ngayon. But it was just 6 months ago? And you know what.. Hindi na ako mahahadlangan ng parents ko sa kagustuhan kong makasama ka.
Muling sumilay ang ngiti sa labi nito at hinaplos ang pisngi ni Ace..
“I love you. Mahal na mahal kita at ng magiging baby natin. ”
Napamaang si Ace. Biglang namanhid ang buo nyang sistema. Habang nakatulala pang nakatingin sa mukha ng babae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top