Meant to be? Chapter 37


Di na mapakali si Ace.. Parang masama ang kutob nya.
Nagpaalam na syang aalis ng pigilan ni Alodia dahil gusto pa daw makipag usap ng papa nito. While he still there in the city at kasama pa sya.
Kaso busy pa ang papa nito dahil may kameeting din. Bale via skype lang sila mag uusap. .
Nauubos na ang oras nya.. Lalabas uupo sya uli sa mesa nila. Tapos lalabas na naman para tawagan si Nice. .
Ala una ng hapon ang schedule ng kasal nila at naroon na nga ang mga kaibigan nya, ang dalawang witnesses. Papa ni Nice, mama ni Ace at kanyang mga pinsan. Naroon din sina Mitch at ng mga malalapit na kaklase ni Nice.
Naroon na rin ang ninong Mayor ni Ace
Siya na lang ang hinihintay. Ang akala ni Ace walang kaalam alam ang papa nya dahil inilihim nila iyon ng mama nya mula dito.
May kutob na rin si Ace na nagsumbong na si Alodia sa papa nya patungkol sa pagbubuntis nito.
Hanggang sa na lowbat na ang cp nya..nai charge muna nya ito sa powerbank nyang dala.. Gustong gusto na nyang umuwi agad. Kanina pa rin nag aabang ang private jet ng pinsan niyang ubod din ng yaman. Iyon ang sasakyan nya pauwi.
Hanggang sa di na sya nakatiis.. Aalis na talaga sya dahil alas 3 na, umusok na sya sa galit at inip ng kahihintay. Pinaglalaruan na ata sya ni Alodia.
Wala din itong nagawa. Sa susunod na lang sya makikipag usap sa papa nito.
Pagdating nya.. Ang tamlay na ng mga nadatnan nya, mag aalas 5 na kasi.. At ang masama.. Wala na syang Nice na naabutan.
Agad nyang hinanap ito, pwede pa naman ma extend ng ilang oras dahil ninong nya yon. “Bakit di sya nakahintay.”
Hanggang nakita niya ito sa may resort na dati nilang napuntahan.. Doon sya inutusan ng mga paa sa kasusuyod ng lugar nila.
Nakatalikod ito .
Sikip na sikip ang dibdib nya, habang papalapit dito.
Pagyakap nya mula sa likod , nagpumiglas ito. Humingi sya ng paumanhin at palugit.. Kinukumbinsi nyang bumalik para ituloy na ang kasal.
Pagharap nito sa kanya itinapon ang cp nito sa dibdib nya.
Dinampot nya ito.. At nakita ang tag ni Alodia. Nanlaki ang mga mata nya. Nakihiram lang kasi...


sya ng phone ng pinsan nya kanina at di na sya nag open pa ng fb.
Di nya tuloy alam pano sisimulan ang pagpapaliwanag.
Pero ipinaintindi nya ng maayos dito. At di sya sumuko hanggat di ito naibabalik sa Mayor upang magkasal sa kanila.
Sa wakas.. Nahimasmasan din ito.. Dahil tinawagan na rin ng papa nito.
Nagdadalawang isip kasi si Nice dahil pakiramdam nya. Si Alodia talaga ang bagay kay Ace at nararapat nitong pakasalan.
Masigabong palakpakan naman ng makita na silang dalawa ng mga nag aantay lang doon sa loob ng opisina ng Mayor.
Sa wakas naikasal din sila kahit sa huwes lang.
Halos di na lubayan ni Ace ang labi nya nong nag kiss the bride na. May tumulo pang luha, tears of joy na sa wakas mag asawa na sila ng mahal nya. Hiyawan ang mga tropa at kaibigan nila.
At nong nakipagkamay na sila sa mga kasama, di na mapawi ang ngiti ni Ace maging si Nice..
Walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Ace. Nasa tabi lang nya ang asawa, nakapulupot ang kamay nya sa beywang nito.
Matapos don nagpunta sila sa isang resort para sa reception. Lagi na lang syang nag nanakaw ng smack sa asawa. Kinikilig sya na di nya mawari, na parang maiiyak
Todo kantyaw naman ang mga tropa at masayang masaya para sa kanilang pag iisang dibdib. Alam na rin ng mga ito ang kwento nila. Na akala ng mga ito sa contest lang talaga sila nag umpisa sa kanilang kwentong pag ibig.
Habang nagpupuyos naman sa galit si Alodia. Nang makita ang mga posts ni Ace sa kasal nila ni Nice.
Wala nang paki si Ace kung makita man ng papa nya, at least tapos na. Wala ng sibi pang kumontra.
Matapos sa reception ay nagpaalam na sila na mauuna nang umalis. Yumakap muna sila sa dalawang magulang na syang tanging nakaattend.
Papunta sila sa Palawan.. Planado na yon ni Ace. Sakay pa rin ng private jet ng pinsan nya.
Pagdating nila don.. Binuhat sya ng pang bridal ni Ace.
Nagpapalunod na lang sya sa lahat ng nagaganap. Bahala na si Ace. Bahala na talaga sya. “sa isip ng dalaga. Kita nyang ang saya saya ng kumag..
Ganon din naman sya. Sadyang Masarap ang pakiramdam kapag naikasal ka sa taong syang nilalaman ng iyong puso.
Kinabukasan..
Knockdown silang dalawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top