Meant to be? Chapter 44


Buti naman at di na sinusuway ni Nice si Ace. Hindi na rin sya pumupunta ng ganon kaaga sa pwesto.
At marami na ring naidagdag na tauhan si Ace.
Ngayon ay nasa isa pang coffee shop sila na under construction pa. Magkakrus ang mga braso nila sa likod ng mga beywang. Habang naglalakad na palabas.
Nang makalapit sa kotse, narinig ni Nice ang pagtawag ni Rica.
Humingi ito ng tawad sa mga nagawa sa kanya at nakipagbiso2.
Malambot ang puso nya kay Rica dahil sa sweetness nito at tagal ng pinagsamahan nila at ito lang ang kasundo nya sa mansyon mula pagka bata.
Naging ok na rin sila at sumabay pa ito papuntang pwesto buti nagkataong linggo.
Hapon na iyon kaya fresh ang
hanging pumapasok sa kotse.
Binati silang mag asawa ni Rica sa pag iisang dibdib nila. Na masaya ito para sa kanila.
Pero duda si Ace don. Awkward nga sila ni Rica pero pilit nyang pinakikitunguhan para kay Nice.
Pagkarating sa pwesto andon din si Alvin, may pinopormahan na kasi itong tindera doon.
At ilang sandali pa habang nagmemeryenda silang apat kasama si Rica. Sa isa sa mga mesang nakahilera na may malaking payong. Ay dumating si Bryan.. Diretso sa pwesto nila.
Malayo pa lang ito kita na ni Ace ang sigla ng mukha ng asawa. Dagling nangunot ang kanyang noo .
Di na nya inalis ang tingin sa dalawa ng makalapit ang lalaki. Masayang nagkamustahan ang dalawa, binati pa ni Bryan si Nice sa patok na business nya. Nagkukwentuhan na silang tatlo kasama ni Rica.. Habang si Ace ay kunot noong nakakrus ang mga braso sa may dibdib na nakasandal sa upuan katabi ng asawa.
Akala ko don ka din samin mag eenroll ” wika ni Bryan” hinanap nga kita e, nalaman ko na lang kay Rica. ”
Napatingin ito kay Ace.. Nang makitang busy ito sa cp. O nag bubusy busy han..” namiss kita” mahinang sambit nya.
Pero dinig na dinig iyon ni Ace, kaya napaayos ng upo si Bryan ng marinig ang malakas na pagtikhim niya. Tsaka niya inakbayan ang asawa.. Napatingin naman si Nice dito.
Tinataas taas lang ni Ace ang kilay kay Nice.
Kinagabihan. Naging topic nila si Bryan.
Habang nakayakap sa isat isa.
“Ayos din yong Bryan mo huh? Mukhang di pa nakakamove on ah. Huwag mo nang palapitin sayo. Baka di mo magustuhan gagawin ko.”
“At bakit!, igagaya mo kay Charlie?” nagtitigan sila
“Huwag mong hayaang masira nila tayo. Kung wala akong napapansin sa Bryan na yon di naman ako magrereact. “tatango tango lang si Nice at muli nilang pinadama ang pagmamahal
sa isat isa.
Kinabukasan nagising uli si Ace na wala si Nice sa tabi. Bad trip talaga sya pag ganon.
Bumangon sya at diretso sya sa cook dahil ito ang maayos kausap.
Pero nagulat sya na ibang cook ang kanyang nadatnan pagpakapasok. Walang iba kung di ang kanyang asawa . Nakashort lang ito ng maiksi at polo nya na kulay pink na binigay na nya dito.
Nakapusod ang buhok nito..kay sexy nito sa kanyang paningin . Natukso na naman sya.
Habang abala ito sa pagtikim bigla nya itong niyakap mula sa likod. Walang kasing sarap sa pakiramdam, sobrang saya nya at biniyayaan sya ng asawa na mahal ng puso nya.. At gusto ng isip nya.
Akala nya kakarmahin na sya sa mga babaeng nasaktan.. Ngunit natatakot sya sa mga nasaktan nya dahil sa asawa.
“Days from now.. May magtatakbuhan na dito kasama natin. May mga munting tinig na tayong maririnig. May makakalaro na tayo sa pool.”
“Sana nga noh.. Tatlo talaga, ang saya siguro nilang pagmasdan. Halimbawa tatlo ano anong gusto mong ipangalan..”
“Hmm? Nicolai.then Nick, Casey, Pwedeng name ko din jr… Ahm
Nica, hmm ano pa ba pwede .. Ikaw pag iisipan na lang natin.”
Matapos pinatikman kay Ace, akma nang maghahanda si Nice para sa mga plato
Pero Mabilis syang binuhat uli ni ACE,. pabalik ng kwarto.
Hindi sila nagpunta ng pwesto, o sa coffee shop. Natulog lang sila at nagharutan buong hapon… Rest day nila para sa mga sarili.
Hanggang tawag na lang sila sa mga manager ng business nila.. at pinaghusay na ang pag aaral. Hindi na sila uli nagbabangayan at nagtatampuhan. Dahil kasama lang lagi ang
isat isa.
Napakaseloso na kasi ni Ace.
At gusto nya nasa kanya lang ang atensyon ni Nice. At hindi sila nagkulang sa isat isa. Halos araw araw na nga silang nag lalampungan.
Mula paggising, sa University, hanggang sa paguwi diretso sa piling ng isat isa. Pero di pa rin nabubuntis si Nice.
Minsan di rin maiwasan di sya magselos kapag pumupunta ng Manila si Ace para dalawin ang anak nila ni Alodia. Hanggang isang hapon nagulat silang dalawa habang nagmemeryenda ng bumungad ang mag ina sa gate. Kasama ng yaya ng bata.
Nag bakasyon...


si Alodia sa lugar nila kasama ang anak nila. Sinuway sya ni Ace pero mapilit ito. Sa penthouse ang mga ito tumuloy. Pero pagsapit ng araw at pag uwi galing sa paaralan, andon na ang mga ito sa bahay nila. Dahil nais ni Alodia maramdaman ng anak nya ang pag aaruga ni Ace bilang ama nito.
Kaya ang ginagawa ni Nice mas lalo syang ginaganahan sa harutan nila ng asawa. Lalo na kapag naroon si Alodia. Naghahalikan sila sa harap nito at nagkukunwaring di ito nakita.
Minsan habang kumakain sila sa isang fast food chain ay bigla itong sumulpot kasama ng yaya at ng bata.
Nasanay nang maglambingan sa hapag ang dalawa kaya.. Lihim na nanggagalaiti na ito sa galit. Pero yon lang ang paraan nya para makita ang lalaking di nya pa kayang bitawan. At di nya pa sinusukuan.
Nang biglang mabilaukan si Nice.. Mabilis na aabutan na sana ng drinks ni Ace pero mula sa likod ni Nice nagkunwaring napatid di Alodia at napadagan ito sa likod ni Nice, nahulog ang basong iinumin na nya sana. Nabasa pa ang damit nya.
Buti nakahanap ng water dispenser si Ace at dali daling pinainom uli ang asawang namumulA na ang mga mata. Tsaka nya ito niyakap pagkatapos. Habang sapo sapo ang dibdib..
Tsaka sila nag paalam na uuwi na
Maraming beses na palihim na sinasabotahe ni Alodia si Nice.. Minsan may nawawala syang gamit.. At nakikita nya na lang kung saan, kung pumasok din ito sa bahay nila akala mo asawa ni Ace.. At sinasadya talaga na lumingkis o tsumantsing kay Ace pag di sya nakabantay.
Kunwari alam ang gustong pagkain ni Ace. O nagkukwento ng mga pinagdaanan nila dati na nakakatawa. Siya lang naman ang natatawa.
Ewan ni Nice pero napupuno na rin sya lalo na pag pinaparinggan sya na baka nabaog na daw sya. At di daw kaya magsawa si Ace at isang araw bigla na lang syang iwan nito.
Pag nangyari daw yon, alam na daw ni Nice kung saan hahanapin ang asawa. Malamang daw sa kanya!
Sinasabayan nya na lang ito.. At mas lalo nyang inaasar.. At iniinis.
Minsan patalbugan sila sa suot na swim suit
Pasexyhan, di naman sya patatalo
Mas natutuwa si Ace pag ganon mas lalong nagiging extra sweet ang asawa kasi nagpapaselosan ang dalawa. Ginagamit lang naman ni Alodia ang anak nya.
Isa lang ang nilinaw niya kay Nice. Babawiin nya ang kanya. At mabubuo ang kanyang pinangarap na pamilya bago pa sila makabuong dalawa.
Isang hapon nakita ni Nice sina Khate at Alodia sa isang farlor ng mall, habang pumipili ng sapatos.. Na malapit lang sa farlor booth. Kasama nya non si Mitch. .
Naalala nyang nasabi din ni Ace na doon na daw muna mananatili si Alodia sa lugar nila para maasikaso ang collab nito sa kompanya ng papa nya.
Pero binigyan ng schedule ni Ace si Alodia kung kelan nya pwedeng makasama ang anak
Dahil ayaw nyang nagugulo silang mag asawa.
Buti at sumunod naman ito sa kasunduan. At di na masyadong nagkukrus ang landas nila. Ipinagtapat kasi ni Nice kay Ace ang nakita nya.
Yong kaso ni Khate ay nakapending pa rin.. Pero di iyon ipagwawalang bahala ni Ace.
Bumalik uli silang mag asawa sa dating bonding na sila lang dalawa. Kung saan saan sila namamasyal.
At dahil medyo na stress si Nice kay Alodia kaya nong nag invite ang friends nilang magbonding “girls night out”kunoh kasama nina Mitch at Rica at iba nya pang kaklase. Napapayag na rin sya. Ngunit di kasama si Ace.. Dahil puros lang sila babae.
Mitch thank you sa lahat ah, sa hindi pag iwan sa akin.
Ayy.. Best friend nga diba. At sobrang saya ko sa naging buhay mo ngayon. Sana nga mag kababy ka na para may inaanak na ako.
Hehe.. Pero salamat at iniwan moko.
Huh!
Iniwan moko don sa Cr nong gabing yon, kung di dahil don di kami magtatagpo ni Ace. Dahil kung nandon ka lang di rin ako lalabas ng cubicle.”
Meant to be kasi daw sabi nya.
Nag uusap din kayo?
Oo, kinukuha nga nya akong manager ng Coffee shop nyo, pagka graduate ko agad daw ha… Hehe. Ang swerte mo sa kanya best..
Swerte din sya sayo syempre.
Oo, wala na akong hihilingin pa sa pagmamahal nya at pag aaruga sa akin. Hindi sya nagkulang. Maswete nga ako.. Dahil sa dinadami ng nagkakandarapa sa kanya. Sa akin sya naligaw. Mahal na mahal ko sya Mitch
Sobra.
Ikaw lang din ang nag iisa sa kanya. Alam yon ng lahat kahit ng mga karibal mo sa kanya.
At ako lagi lang akong susuporta sa inyo
Asahan mo yan. ”
Habang nagkakasayahan na sila.. Nakiusap si Rica kay Nice na magpunta ng Cr. Kaya sinamahan na rin nya.
Walang kaalam alam si Nice na ang pagsama nya kay Rica ang simula ng pagkawasak nilang mag asawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top