MISS RULE BREAKER DEAL WITH THE FEARLESS, MAFIA PRINCE KABANATA IKALAWA


HAYASEIN
Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pag piga ni Yana sa palad kong kasalikop din ng palad nya, pilit nyang itinatago ang sarili sa likod ko mukhang natatakot sya.
“Rank….in… trouble.”sambit muli ng lalake, wari’y iniisa-isa ang mga salita at inilalarawan ang babaeng pinapatungkulan tulad kanina ay malamig parin ang bawat bitaw nya sa salitang sinabi.
“E-Eight?”utal na saad ng babae na kanina lang ay napaka sarkastika pero tila nabalot sya sa takot sa di ko malamang dahilan kapalit noon ang pag ngisi ng lalaki sa kanya na tinawag nyang Eyt pero nanatili ang malamig nyang presensya pakiramdam ko nga ay nabalutan ng katahimikan ang buong paligid.
“SAY IT AGAIN.” pinapaulit nya yung salitang EIGHT. kalmado ma’y bakas parin ang pag babanta sa boses nya na tila kung uulitin ng babae ang salitang iyon ay pinapahiwatig na malalagot ito.
“Eight!” masiglang saad ng panibagong boses ng lalaki mula sa likuran, nilingon namin ito bumungad ang presko nitong ngiti, blonde pa ang buhok nya na lalong nakadagdag para pagkamalan syang PLAYBOY! “hahaha- – – -” umugong ang malakas nitong tawa pero kalaunay natigil din nang lingunin sya nang lalakeng tinatawag nilang Eight.
“did you find it.” naroon na naman ang maawtoridad nyang boses.
Dahilan kaya’t ang lalake kaninang tumatawa, ngayon ay nasa seryosong mukha at hindi umiimik.
“hangga’t walang nag babalik ng Badge ID nya ay ibigay nyo ang karampatang parusa na na-aayon sa patakaran bilang ranngo at dahil sa kapabayaan nya.” saad pa nito bago tuluyang umalis.
“Eight naman si Primotivo yun!” dipensa ng lalakeng playboy nang habulin nya iyong Eight.
“hwag mong tangkain na sumalungat sa utos ko RAizen.” sa pangalawang pagkakataon ay muling nag banta ang boses nya pero mas nakakatakot ito kaysa kanina tsaka nag patuloy sa paghakbang.
Naalala ko si Yana
.”okay ka lang?”alalang tanong ko rito.
tumango naman sya bilang sagot kahit ang totoo ay halatang hindi sya okay dahil sa butil-butil na pawis sa noo nya.
aray…bahagyang lumukot ang mukha ko matapos kong maramdaman ang kakaibang pakiramdam sa tyan ko.
“pupunta muna ko sa comfort room.”paalam ko, hindi ko na hinintay pa na sumagot si yana sa halip ay mabilis akong humakbang.
~
*SPLASH!
Tunog nang flash sa loob ng cuble matapos kong gumamit.
“ang tanga lang ng mga Rank Student sa University na’to hahahaha.”
“Yeah,..lalo na yung ika anim, isipin mong ganun lang natin kadaling nakuha ang Badge ID nya..ngayon ay paniguradong parurusahan sya ni Eight at malaking pilay ang mangyayare sa kanila kapag nawala si Primotivo sa grupo nila.” sagot ng panibagong boses.
sikat ba talaga yung EIGHT?
Pero….natigilan ako kasabay nang panlalaki ng mata matapos rumehistro sakin ang pag uusap nila.
BADGE ID!
malamang na ang pinag uusapan nila ay iyon ding tinutukoy nung lalake kanina..kung gayon, hindi iyon nawala.
Ninakaw!
Iyon siguro yung primotivo na sinasabi nung Raizen..teka?ano kayang klaseng parusa?kawawa naman sya kung luluhod sya sa munggo o baka ibilad sya sa gitna nang arawan.
“sshhh…don’t mention his name!mamaya marinig ka dyan sa labas.”
“excuse me?”nakaka suya ang bawata tonong pinapakawalan nito. “they are all...


busy for that stupid newbies.”
Isa ako sa stupid newbies na tunutukoy mo Ulol
“ilagay mo muna sa bag mo baka masama yan sa flash.”
“e’ di mas maganda.”ang tagal naman nilang mag usap!.
“o-e’ pano tayong magiging ranggo sa university natin kung na-i-flash mo?”outsider sila.”iwan mo na sa labas.”
*click!
*click!
Tunog ng lock.
Senyales na nakapasok na sila sa loob nang cubicle, iyon na ang pagkakataon ko para makalabas.
isang hakbang na lang sana ang gagawin ko upang makarating sa pinto palabas ngunit natigilan ako.
“hangga’t walang nag babalik ng Badge ID nya ay ibigay nyo ang karampatang parusa na na-aayon sa kapabayaan nya.”
Feeling ko ay sinasadya nang kunsensya ko na ulit-ulitin iyon sa tainga ko.
kung hindi ko maibabalik ang Id nya malamang na maparusahan pa sya!
Kung mahuli ka aber?…tsaka wala ka naman pakialam don!
Sige ka KARGO DE KUNSENSYA mo yan!
Bat kayo nag tatalo!tulungan nyo na lang ako!
“naku,..nababaliw na yata ako”bulong ko.
*SPLASH
*SPLASH
WatTheFLu!napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. sabay ulit?magkarugtong ba ang puson nila?
Ano bang ginagawa ko! nagawa ko pang makapag isip ng ganian!
*click!
Nanlaki ang mata ko kasabay ng matinding kabog sa dibdib .
‘Sh*t! palabas na yata sila.’
taranta kong kinalkal ang bag na naroon mabuti na lamang at mabilis kong natanaw iyong nakasuksok sa maliit na pocket ng bag tsaka ako mabilis na tumakbo palabas.
“hey B*TCH !”
sigaw nang babae mula sa likuran ko. alam kong ako ang tinutukoy nya kaya’t pinilit kong hwag silang pakinggan sa halip ay mas bilisan pa ang pag takbo.
Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil sa gusot na pinasok ko, Kung saan-saan nako lumilinga pero ni isa ma’y wala akong mahanap na maaaring pag taguan.
Lalo kong nilakihan ang mga hakbang ko dahil sa sandaling segundo ay liliko na- – -patay!
sobrang lakas na nang kaba ko dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko kasabay ang pag pikit nang dalawang mata ko matapos maramdamang
may humatak sa braso ko!
“f*ck you!”
anang babae na humahabol sa’kin dahilan nang pag dilat ko nasa gilid ko sya at gigil na gigil sa akin ngunit kalauna’y nag lakad din palayo nang hindi nya ako matanaw.
Ibinalik ko ang paningin ko sa taong nasa harapan ko, nakataas ang kilay nya at nakasimangot, ang mata nya ay walang pinag bago mula kanina sa line up.
“what are you doing here?”tanong nya na tila ba ubligado akong sumagot.
palibhasa’y salamin ang pinto nang abandonadong kwarto kung saan kami naroroon kaya kampante akong sumagot.
“nag CR..a-ako.”nauutal na saad ko.
Naniningkit ang mata nya na para ba’ng inaalam kung nag sasabi ako nang totoo.ang gwap- – -umiling iling ako kasabay nang pag pikit muli dahil sa kahihiyang iniisip ko.
“tell me, did we met before? “nakasimangot na saad nya habang naka lukot ang parehong kilay.
“O-oo..kanina” saad ko.
“Stupid..” bulong nya ngunit narinig ko naman iyon, inirapan nya’ko tsaka mabilis na hinablot ang door knob para buksan ang pinto pero hinawi ko sya tsaka mabilis na tumakbo palayo.
PLEASE COMMENT FOR THE NEXT UPDATE






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top