Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 13


Heto na yun.. Isang linggo nlng bakasyon na at wala na halos gagawin.. Wala ng Project. Wala ng assignments.Wala ng Lessons .
Inaantay naming tatlo ang Librarian dito sa Library habang nagbabasa ngPocketbooks (opo.nagbabasa na po akoneto ngayon) .wala pa kase si Maam Rose(Librarian) nagmeryenda pa daw sabi ng ibang studyanteng kagaya namin ay hinihintay din sya. Magpapa sign kse kme ng CLEARANCE sa kanya patunay na wala kameng atraso sa Library. Ibig pong sabihin.. Di kame nanghiram o di kayay nanghiram pero naibalik.
Lahat kase sa Clearance na nakaprint dun na pangalan ay hahanapin mo..
Mga teachers mo per Subjects..Sa Guidance. Sa Canteen. At kapag natapos mo. Na yang papermahan lahat ay pwede ng pumerma ang Principal at ipapakita mo sa Adviser mo bilang patunay na approved na ng principaL at pwede nya ng ibigay ang Card mo na gagamitin. Mo para makapag enroLL ka sa sunod na pasukan..
Andito kame sa Classroom at Lastday na namin ngayon.
Nanjan din ang teacher naming si Sir DoDo..
“Students?? Since Lastday na natin ngayon.. Pwede bang magbonding namn tayo… ” sabi pa neto…
Tumango kame lahat. Pwede na po kameng magtagalog ngayon kse tapos na rin nman ang Klase.
Todo speech si Sir.. Hahaha 😂 Nagpapasalamat daw sya at naging mabait kameng lahat sa kanya.. Eh hindi ka ba babait kung aaraw araw kang bibili mg floorwax dahiL nagkapagsalita ka ng tagalog? Kaya nga tahimik namin e hahaha. Sana daw wag kaming magbago at pag igihan pa lalo ang aming pag aaral. Sa part na to medyo naging Emotional kame ditong Lahat. Na sana daw ay dumating ang araw na isa sa amin ay makita at makakasalubong nya sa holwey na nakauniform.. Uniform ng isang guro at hindi isang studyante. Na sana daw masabi nyang si Ganito si Ganyan studyante ko yan dati ..
Tagos na tagos yun sa puso ko.. Ang bawat katagang sinabi nya. Habang sinasabi nya yun ay di ko mapigilang ma imagine na ako yung sinasabi nyang Estudyante nyang makakasalubong nyang may Uniform Pangguro..
Mejo naiyak sya habang nagsasalita .tahimik lng kameng Lahat na nakikinig.
Blaaah Blaaah bLaaaa..
Hanggang sa tapusin nya ito sa salitang SALAMAT AT ISA AKO SA MGA TAONG NAKATULONG SA PANGARAP NYONG MAGING PAGDATING NG PANAHON.
Di na namin napigiLan ang...


Emosyon at nagsi iyakan na kame.
May ganitong Side din pala si Sir DoDo.. Akala kse namin masungit sya at pahirap sa amin. Akala lang pala namin yun.. Pero ang totoo gusto nya lang talaga kameng tuLungan mahubog ng husto kong sino kame para sa aming mga pangarap.
Pagkatapos nyang mag speech ay sinabi nyang kakanta daw ang bawat isa sa amin.
Wala akong paki sa may magandang boses basta ang boses na gusto kong marinig ay ang boses ni Jino..
Nagpalakpakan na ang Lahat ng tumayo si Jino sa gitna at humarap sa amin nsa likod nya ang blackboard.
Pwde naman daw sabi ni sir na sa kuros na mag umpisa para maka perform ang Lahat.
🎶Kung sakaling ikaw ay lalayo..
🎶Dalhin mo na rin pati ang puso ko..
Para sa akin ay napakaganda ng kanyang boses. Nangalumbaba pa ko habang mapupungay ang matang nakaharap sa kanya.
Tititigan ko sya ng matagal At ito na ang huling araw na masusulyapan ko ang gwapo nyang mukha .At sa susunod na Pasukan pa ulit kame magkikita..
Nabalik ako sa uLirat ko ng magtawanan ang mga clasmeyt ko.
” Sanchez napatulo mo ata ang Laway ni Rasu. “sabi ni Sir.
Napayuko ako sa hiya. Di ko kase namalayang nakatulala na pala ako’t nakanganga.
“Oh sge ikaw na Sunod Rasu pagtapos ni Sanchez..”
” Owww ‘ tukso ng mga clasmeyt ko.
Tumayo na ko at pumunta sa gitna .
🎶Kahit Sandali.. Pag ibig ko sana’y
🎶maramdaman Man Lang..
🎶Mayakap ako at mahagkan kahit di mo mahal
Feel na Feel ko yung kanta.. Nakapikit pa ko. Nako ha. Pangit lang ako aa pero magaling to sumayaw at kumanta no..
Natapos ko na ang kanta ko at dumilat na ko. Tahimik silang lahat at maya maya Pa’y Pumalakpak sila.
“Wow Ganda Boseng Esang.. ”
“Ang galing mo Esang.
Sigawan ng mga klasmeyt ko..
“KRAS NA KITA PANGO ”
May isang Sumigaw galing sa bintana..
Si Moymoy..
Andami na palang Estudyante ang nakasilip sa bintana ng room namin. Nagtataka siguro Sila bakit ang ingay namin.
“AYEEEEEEHHHHHH “tukso ng mga Klasmeyt ko.
“AKIN NA SLUM NOTES MO.. SUSULATAN KO “dagdag pa neto.
Di ko sya pinansin at umupo na ko.
Kahit kelan Panira talaga ng Moment to si Moymoy ..
-ItutuLoy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top