Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 15


TuLad ng nakaraang taon ay Aligaga si Tita sa pagtatanong sakin kung ayus na ba ang Lahat.. Kung naihanda na ba ang Lahat para sa pag alis namin mamaya papuntang bayan ni Long.
Di tulad nung nakaraang taon na iisang kaldero lang kame nina kuya Ron at Ate Liza sa pagkain kaya di ko na prinoblema ang kaldero at iba pamg gamit sa kusina pero dahiL college na sila ate ay di na sila dito pa magboboarding house. Nasa kabiLang panig ng isla ang paaralan para sa mga magkokolehiyo na may kalayuan dito sa bayan na pinapasukan namin kaya kailangan na ng KambaL na lumipat mas malapit sa paaralan na papasukan nila. Pero tulad ng dati ay sagot parin ni ante Ligaya ang boarding house namin ni Long at doon parin kela Lolo Noy.
” Anjan na ba yung uLing nyo?? Yung tuyo para pang uLam..? Mga gamit nyo sa paaralan.. Asan na ba ito si Long..bkit parang ayaw nyang mag asikaso.. Di ba sya excited pumasok para bukas? ” si Tita
“Sus. Si tita sisa. Nasa Laot si Lomg diba sumama kay tito mangisda para may pambaon sila mamaya. ” sabi ni Marya
“Ay oo nga pla. ” nakalimutan pala nito na nangisda sila tito at Long .”Oh yung kaldero nyo? Anjan na ba? Pinggan,baso,kutsara nyo anjan na ba?? “dagdag pa neto..
“Opo, ok na po ang lahat.. “sagot ko dito .
Maya maya pa’y dumating na sila tito..
May nahuLi silang malaking tangigi (uri ng isda) at 3 ito. May mga maliliit ding tangigi.. Namana kase sila tito. Mahal ang kilo ng tangigi kaya tiyak makakabiLi na kame ng bigas neto..
“Ipakilo nyo muna itong tatlong malalaking tangigi at yung dalawang maliit ay iwan nyo na jan. Pang ulam natin mamayang tanghali ang isa at ang isa ay baon nila Esang “,sabi ni tito..
Tumango si tita bilang pagsang ayon..
” magdala ka ng galon para sa gasolina ..umutang ka at bumali na rin ng pera kela Kap para may allowance tong dalawang anak ko mamaya “,dagdag pa neto habang kausap padin si tita..
Si kapitan kase ay may negosyong pag aangkat ng isda. Sa kanya namin pinapakilo ang mga huLing isda ni tito sa pamamana. Pero di mo agad makukuha ang benta mo.. Kung gusto mo para malaki laki o buuan mo makukuha ang kita mo ay mga isang linggo muna bago mo ipatotaL at syempre ibabawas na dun ang inutang mong mga langis na ginamit mo para sa panlalaot at perang kinuha mo para sa panggastos sa mga nasabing araw na di mo pa pinapatotaL ang kita mo..
Naalala ko pa nun..uutang muna kame ng Langis bago makapaghanap buhay.. Bali wala ka pang kita pero may utang ka na. Madalas nga pagsinasama ako ni tita kela kap para magpatotaL ng benta ay abunado pa si tita. Ang siste uutang na nman muna para may maiuwe sa bahay kahit papano..mabait nman si Kap at pwede mong pakiusapang iLista nlng muna ang balance na utang. Pumapayag naman ito..
“hoy Esang tara na.Kunin mo na yung bayawan (mahabang kawayan) dun sa likod at...


ng maihatid na to kay kap ng makabali tayo ng pang allowance nyo.. “sabi ni tita.
Masaya naming inihatid ang isda kela Kap 🙂
“Anak yung biLin namin hah? Mag aral ng mabuti at wag magbubuLakboL. “si tita
“ikaw Long wag kang papasaway sa ate mo.,baka mapabarkada ka hah? Pag aaral ang atupagin wag paglalakwatsa. “si tito.
Sabay kameng tumango ni Long.
“Oh allowance nyo 300 yan. Ikaw na ang humawak ng pera Esang at ikaw Long manghingi ka nlng sa ate mo kapag may bibilhin ka. “si tita
“ang laki nman po neto tita “.sabi ko
” Ano ka ba.. Swerte kse ngayon ang tito mo sa pamamana kaya syempre mejo malaki din ang allowance nyo pero dpat magtipid parin kayo aa kase baka mamaya biglang wala akong makuhanan ng pera ay ng may mahugot kau “si tita
“Sge po ..alis na po kame “, sabay ng pagsampa ko at ni Long sa bangka na maghahatid sa amin sa bayan.
Di tulad ng dati na EmotionaL akong umalis sa amin noon… Ngayon ay nakangiti na kong nilisan ang baryo namin.. Simulyapan ko si Long at yung Emosyon ko ng una akong nahiwalay sa pamilya ko nung nakaraang taon ay ang emosyong nakita ko sa mga mata ni Long…
Masaya ako ngayon at kasama ko na si Long..
Dalawa naming tutuparin ang mga pangarap namin para sa pamiLya..
Pagdating namin sa Boarding house ay agad naming inayos ang mga gamit nmin ni Long ..mejo nahihiya pa si Long sa mga kasama namin sa boarding house. Naiintindihan ko sya kse ganyan din ako nung una.
Kinabukasan ay maaga kameng nagising ni Long at naligo na ko habang sya yung magbabantay ng sinaing namin na nakasalang sa uLingan..
At pagkatapos kong maligo ay sya naman ang papalit sa cr.
Maayos naman ang Lahat.. Nandun. Parin kameng magkapatid sa GoaL namin.
Section C na ako ngayong 2nd year ako. Mejo tumaas na yung section ko. At si Long ay Section C din.. Tinulungan ko syang maghanap ng classroom nya kanina kaya di na sya nahirapan pang hanapin di tulad ko dati..
Pagkapasok ko ay nakita ko si ApriL sa isang tabi. At natuwa ako kse klasmeyt padin kame.
“Esang.. Dito ka. Tabi tayo.. “,sabi nya habang kumakaway sa akin.
Agad akong lumapit sa kanya..
Ang daldal nya at ang dami nyang kwento about sa mga karanasan nya nung bakasyon.
“Nga pla asan na si Mariz? ” tanong ko dito..
“Ayun klasmeyt ng kras mong si Jino 😂” sagot agad nito “Anjan lang sa kabilang klasrom”turo pa neto sa katabi naming klasrom na tanging plywood lang ang pagitan.
Section B si Jino. Nanghinayang ako kase di na pla kame klasmeyt pero siguro mas ok na yun para walang distraksyon sa pag aaral ko.
Pero may mga pagbabagong di ko inaasahan..
-itutuloy
Mga Ka’Esang ..Mamahalin nyo parin kaya si Esang sa mga susunod na kabanata ☚ī¸ ? ABANGAN.!
Baka di po muna ako makpag update ngayong linggo
Next monday nalang po ulit .
Sana Wag po kayong Magsawang sumubaybay sa buhay ni Esang






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top