DahiL sa taas ng Lagnat ko at subra subrang emosyong naramdaman ko at sakit ng katawan ko ay bigLa akong nahimatay pagkatapos kong marinig ang kapatawaran ni tito at tita na matagaL ko ding inasam..
DahiL sa nangyari..sa taas ng Lagnat ay nakombuLsyon ako.. Naghahalucinate ako.. Pakiramdam ko may mga nakikita ako o napapanaginipan na ang mga bilis ng pangyayare… Di ko na alam ang totoong at hindi.. . Subrang taas ng lagnat ko kaya nangingig na ko.. Pakiramdam ko subrang lamig.. Ang lamig lamig talaga..
“Kiko..?? Ano na bang nangyayare kay Esang??? baka nagdugo ang utak nya kanina nung nasipa mo sya. Diba tumama kanina sa kahoy ang uLo nya… “pag aalalang sabi ni tita.
“Tara.! Dalhin na natin sya sa bayan… “natatarantang sabi ni tito… Bunuhatin ko na si Esang.. Sumunod ka agad sa tabing dagat. !”
Di pa nakasagot si tita ay agad na kung kinarga ni tito patakbo sa kinaroroonan ng bangka..
Pagkadating ni tita sa bangka ay agad pinasakay ni tito si tita.. Saka mabilis na sinagwan ang bangka papunta sa pinakamalalim na bahagi ng sagat saka pinaandar ang makina at mabilis na pinaharurot ito…
Yakap yakap ako ni tita at nakabalot ako ng kumot…
Naramdaman kong may tubig na pumapatak sa pisngi ko… Di ko alam kung dagat ba yun…pero parang hindi ee. Sa palagay ko’y Luha yun kase mainit e.. Mainit yung tubig na pumapatak sa mukha ko..
Kahit hinang hina ako ay pinilit kong idilat ang mga mata ko.
Nakita ko si titang umiiyak habang yakap ako..
Yung pag aalala na matagal ko ng di nakita.. Yung pagmamahal sa mga mata na matagal ko ng inasam na sana makita ko ulit ..Ngayon nasasaksihan at nasilayan na mismo ng dalawang mata ko..
Mabilis na umagos ang mga luha ko. Ang lahatnng pagtitis ko ..Nagbunga na.! Oo.. Nagkaroon na ng saysay..
“Esang anak?? Matulog ka lang.. Malapit na tayo sa bayan..”si tita na patuloy sa pag iyak...