My ❤ is Landing on You


Genre: Love story,Slight Action
Age Gap
Auhor; Myself
Chapter 1
Kalalabas lang niya ng kanyang eskwelahan at papunta na siya ng MRT Terminal kung saan araw-araw siyang sumasakay para umuwi. Tumingin muna siya sa magkabilang lane bago siya maglakad sa may Pedestrian.
Patawid na siya ng bigla siyang mapahinto ng mapansin ang humahagibis na kotseng paparating at tinutumbok ang kinaroroonan niya. Napapikit siya sabay sigaw ng malakas dahil siguradong pag nasagasaan siya ng sasakyang iyo’y in a blink of an eye ay makakaharap niya ng maaga si San Pedro.
Naituon pa niya ang kanyang mga kamay sa hood ng kotseng nasa kanya nang harapan bago tuluyang magdilim ang kanyang kapaligiran at malakas na pagbusina ng mga sasakyan ang huli niyang narinig.
Nagising siyang nakahiga sa isang malambot na kama sa silid na iyon at isang lalaking nakasuot ng kulay black na sumbrero na nakatayo sa kanyang harapan ang una niyang nakita. Hindi niya...


alam kung ilang oras siya tulog at parang wala siyang natatandaan sa mga nangyari.
Ipinikit niya sng kanyang mga mata at pilit inaalala kung bakit siya napunta roon. Nahintakutan siya kaya napabalikwas siya ng bangon. Kinapa-kapa niya ang sarili at pinisil-pisil ang pisngi ng may bigla siyang may maalala.
“Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?” tanong niya habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan.
Bago pa nasagot ang tanong niya’y biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya at iniluwa noon ang isang babaeng nakasuot ng puting lab gown at may stetoscope na nakasabit sa leeg. Noon niya napagtanto na nasa isang ospital siya dahil maliwanag na doktor ang noo’y palapit sa kanya.
“Mabuti naman at nagising ka na,” nakangiti nitong sabi ng makalapit. “I’m doctor Mauricio,” pagpapakilala nito. “According to the test ng ginawa ko sayo wala naman akong nakitang damage sa katawan mo. Na-shock ka lang kaya nawalan ka ng malay,”
cont. kung gusto n’yo po ng update.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top