MY ALMOST Part 2


Author: BINIBINING_MARIEL
Mag-bestfriend nga talaga kayong dalawa,” komento ng isa pa naming kaklase.
Tahimik ko lang na dinamdam sa sulok ang panghahapdi ng dibdib ko.
Damn, how many more months and years do I have to keep everything? How many more attempts do I have to waste before I say my true feelings?!
Ang hirap!
Nagsimulang mamuo ang mga luha sa sulok ng mga mata ko habang patuloy sa paninikip ang aking dibdib.
Agad akong nagpaalam sa kanila na pupunta lang ako ng comfort room at nang makarating ako sa cr ay doon na nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Isang oras din akong iyak nang iyak sa loob at nang mahimasmasan ako ay naabutan ko na lang si Migs na kahalikan ang isa kong kaklase, si Beatrice.
Since College, patay na patay na talaga ang babaeng ‘to kay...


Migs.
My hands started shaking and my knees are badly buckling. Parang anytime ay matutumba ako.
Napatingin ako sa mga kaklase ko at hinayaan lang nilang maglaplapan ang dalawa.
Well, I couldn’t blame them. They’ve been shipping these two since then. Siguro, plano na nila ‘to. At isa pa, both of them are single, so there’s nothing to worry about.
My vision started to blur, not because of the alcohol but because of tears.
Mas lalong bumigat ang paghinga ko habang nakikita si Migs na may kahalikang iba.
Hindi ko na kaya ang mga nasaksikan ko kaya dire-diretso kong kinuha ang bag ko atsaka umalis ng bar.
Narinig ko pa ang pagtanong ng kaklase ko kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya pinansin.
All I want is to disappear out of this fucking place and out of Mig’s sight!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top