🥀CHAPTER 14:Last Chapter🥀
🥀Carla POV🥀
Siguro nga nasa huli ang pagsisi. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang mga kasalanang nagawa ko kung kailan wala na sakin at di ko n makakasama si Nanay. Pero masaya ako dahil nahuli na si Mike
Noong araw na iyon hindi kami basta sumugod ni Marco. Pumunta muna kami sa mga pulis para humingi ng tulong.
Ang sabi ko non papatayin ko si Mike pero hindi ko naman ginawa kahit nagkaroon ako ng pagkakataon. Ayokong ilagay sa kamay ko ang batas.
“Oyy bakla. Tuleley ka diyan?” Napabalik ako sa wisyo dahil sa boses ni Christy ang kaibigan kong bakla at dating nag-aalaga kay Nanay.
“Wag ka ngang nanggugulat diyan!” inis kong sabi. “Ano sasama ka ba ha? Birthday ngayon nong anak ni Alliyah iniimbita tayo ehh.” sabi ko pa.
“Ikaw na lang wag lang magbabantay ng bahay mo!” Napatawa na lamang ako. Naging magkaibigan na ulit kami ni Alliyah at naging maayos na talaga ang lahat sa amin, napatawad niya ko.
🥀Mike POV🥀
“May bisita ka.” sabi ng pulis sa akin at pinalabas ako. Hindi ko akalain na may bibisita pa pala sa akin pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko.
“Alliyah.” tawag ko sa pangalan niya. Ang dilim ng awra niya at halata talagang galit siya sa amin. Siguro nga nabulag ako ng pera at pagmamahal.
“Kamusta ka dito? Ano masaya ba?” sarkastiko niyang sabi. “Mabuti at di ka napagtitripan ng mga preso.” dagdag niya pa.
“Kayo ni Kuya kamusta?” Tanong ko. Oo alam ko, na ang kapal ng mukha ko para itanong ko pa yon. “Maayos, ayos lang kami.” walang emosyon niyang sabi.
“Salamat sa lahat ng ginawa mo. Marami akong natutunan katulad na wag agad magtiwala sa mga katulad mo.” sabi niya sa akin at may tumutulong luha sa kanyang mata.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero agad niyang inalis ang kamay niya sa mesa. “Sana magbago ka dito ha.” sabi niya.
Mabilis siyang umalis at iniwan ako. Oo nga pala birthday ni Charlene ngayon. Napatingin na lang ako paper bag na iniwan niya may dala siya para sa akin.
“Oyy Ano yan?” sabi sa akin ng isang preso. Pero di ko ito pinansin. Nagulat ako ng kunin nito sa akin ang paper bag.
“Pare akin yan.”sabi ko. Bigla niya akong sinuntok kaya natumba ako. Sanay na akong napagtutulungan.
Siguro nga ito na ang parusa ko para sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Wala na akong magagawa kundi ang harapin ito.
Masaya ako dahil si Carla nagawa niya pang magbago bago mahuli ang lahat at tahimik na ang buhay niya ngayon.
Ngunit hindi ko pa rin makakalimutan na ako ang dahilan kung bakit hindi niya na makakasama ang Nanay niya.
Siguro nga dapat hindi na lang ako nabuhay sa mundo dahil ang daming nasaktan ng dahil sa akin na muntik pang masira ang buhay.
Sana dumating pa ang pagkakataon na makahingi ako ng tawad sa kanila. Naramdaman ko na lang ang dugong tumatagas sa mula sa aking bewang.
🥀Alliyah POV🥀
“I still don’t know kung bakit kailangan mo pa siyang dalawin.” sabi ni Marco sa aking habang nagdadrive.
“Hon, last na yon. Hindi na tayo pupunta pa doon.” sabi...