MY BESTFRIEND, MY HUSBAND PART 3


🌺🌺🌺🌺CHAPTER THREE🌺🌺🌺🌺
Minsan isang babae ang nadatnan ni Crizelah Lily sa bahay na tinutuluyan nila ni Calvin, galing siya non sa Supermarket. Naka-hilig pa ito sa balikat ni Calvin, umalis lang nang makita siya.
“Crizzy si Lulu classmate ko noong college,” pakilala ni Calvin.
“Hi” napilitan siyang batiin ang babae.
“Binibisita ko lang si Calvin, nabalitaan ko kasi na ikinasal na siya. Hindi lang ako makapaniwala kaya pinuntahan ko. O sige aalis na rin ako eh.” Nakangiting wika ni Lulu. Pilipina ito ngunit tulad ni Calvin ay dito ito nagtapos ng pag-aaral at dito na rin nagka-trabaho.
“Dito ka na mag-lunch,” alok ni Calvin.
“Naku thank you, congratulation ulit.” Humalik pa ito sa pisngi ni Calvin bago tuluytang umalis.
Tinalikuran naman agad ni Crizelah Lily ang dalawa Biglang nawala siya sa mood.
Makalipas ang ilang minuto at sinundan ni Calvin sa kitchen ang asawa.
“O mukhang bad mood ka,” nakangiting puna nito.
Hindi siya umimik. Inayos niya ang grocery na pinamili sa Supermarket. Inilagay sa refregerator ang mga prutas at gulay na dala. Matapos iyon ay ipinasya niyang iwan ang lalaki. Akma siyang lalabas nang hawakan ni Calvin ang braso niya.
“Bakit?”
“Wala bitiwan mo na ako,” malumanay niyang sabi sa kabila ng pagkadisgusto sa nadatnang ayos nito at ng babaeng nagngangalang Lulu. Sa halip na bitiwan siya nito ay niyakap pa siya nito. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon.
“Calvin ano ba?” Piksi niya.
Bumangon na naman ang kaba sa dibdib niya dahil sa inasal ng lalaki. Wala namang nagawa si Calvin kundi bitiwan ang babae.
Minsan dumalo sa isang party si Calvin at isinama siya nito.
Nagulat siya nang isang babae ang sumalubong sa kanila at halikan nito sa labi si Calvin.
“Calvin natutuwa akong makita ka rito,” wika nito na umabresiete pa sa bisig ng lalaki.
“Sue siya si Crizzy wife ko, Crizzy si Sue.” Wika ni Calvin.
Nang malam nito na asawa siya ni Calvin ay agad itong bumitaw sa” bisig ng lalaki.
“Ex-girlfriend ni Calvin, “ dugtong nito sa pakilala ng lalaki sa kanya.
Naisip ni Crizelah Lily na heto na naman ang kontrabida sa buhay niya. Minabuti niya na humiwalay muna sa dalawa dahil baka hindi siya makapag-pigil ay makapag-eskandalo siya. Hindi niya kayang tanggapin na ganoon ka-sweet ang dalawa. Ilang tugtog na rin ang hindi pinalampas ng dalawa. Parating nasa dance floor at kapwa masaya.
Isang lalaki naman ang lumapit noon kay Crizelah Lily at nagyayang sumayaw sila. Pinaunlakan niya iyon. Palabiro ang lalaki at higit sa lahat gwapo. Nalaman niyang classmate din ito ni Calvin noong college. Pilipino rin.
“Napaka-swerte ni Calvin dahil nagkaroon siya ng asawa na tulad mo na napakaganda,” puri nito.
“Martin binobola mo naman ako,” natatwang tugon niya.
“Ok lang sa iyo ang ginagawa nila?” Tanong ni Martin na ang tinutukoy ay ang halos magkayakap na sina Calvin at Sue. Kanina pa kasi ang mga ito sa dance floor. Hindi naman halos gumagalaw nagyayakapan lang at naglalandian.
“Ok lang,” pinilit niyang ngumiti para ipakitang hindi siya apektado.
“Alam mo kung ako si Calvin hindi kita iiwan mag-isa sa isang tabi at kunin ng iba.”
“Talaga? Ang sweet mo naman.”
Sinadya ni Crizelah Lily na e-enjoy ang company ni Martin nang sandaling iyon.
Si Calvin naman ay hindi nagugustuhan ang pagiging malapit ng asawa kay Martin.
“Calvin hayaan mo na muna ang asawa mo kay Martin beside hindi ka rin naman niya pinakikialaman sa ginagawa mong pag-entertain sa akin,” wika ni Sue.
Hindi na pinakinggan ni Calvin ang iba pang sasabihin ni Sue, iniwan na niya ang babae at tinungo ang kinaroroonan ng asawa at ni Martin.
“O Calvin ikaw pala,” wika ni Martin nang biglang sumulpot si Calvin.
“Excuse tol pero uuwi na kami,” kinuha ni Calvin ang kamay ng asawa para umuwi.
“Pero Calvin…”
Wala ng nagawa si Crizelah Lily nang hilahin na siya ni Calvin patungong parking lot. Noon din ay nilisan nila ang lugar at bumalik sa bahay.
Pagdating doon ay akay pa rin siya ni Calvin patungo sa silid. Itinulak na ito na niya ito dahil hindi na niya nagugustuhan ang asal ng lalaki. Nabitawan naman siya nito.
“Ano bang problema mo?” tanong ni Crizzy sa asawa.
“Hindi ko gusto ang ginagawa mo kanina sa party,” tugon ni Calvin.
“Ganoon? Ano ba ang ginagawa ko na ikinagagalit mo? Teka naisip mo ba iyong mga ginagawa mo kung gusto ko rin? Calvin kung alam ko lang na hindi tayo magkakasundo sana hindi ako pumayag na pakasal sa iyo. Nasasakal ako!”
“Gusto ko lang ipaunawa sa iyo na kasal na tayo. Asawa kita Crizzy at nagsi-selos ako,” amin ni Calvin.
Natawa bigla si Crizelah Lily.
“Selos? Siguro nga noong mga bata pa tayo kaya nating unawain ang isa’t-isa pero sa totoo lang hindi tayo compatible. Itigil na natin ito. Ayaw ko ng…”
Hindi na naituloy ni Crizelah Lily ang iba pang mga sasabihin nang bigla siyang hapitin ni Calvin at siilin ng halik sa labi.
Napakamakapangyarihan ng halik na iyon. Bigla noong napawi ang lahat ng hinanakit niya sa lalaki. Napalitan iyon ng mabilis na tibok ng kanyang puso. My god kakaiba ang damdaming iyon sa lahat ng ,mga nararamdaman niya sa tuwing hinahalikan ng isang lalaki. Nang lumapat ang likod niya sa kama at magpasimulang maglakbay ang kamay ng lalaki ay saka nagbalik sa katinuan ang isip niya. Tinangka niyang itulak ito pero hindi ito natinag.
“Calvin please,” nanginginig ang tinig niya.
“What’s wrong?”
Hindi niya malaman ang isasagot sa tanong ng lalaki. Ang kaba at pagkalito ay hindi niya namalayang naging pagtugon at pagpapaubaya.
Kinabukasan tila ayaw magmulat ng mata ni Crizelah Lily. Naalala pa niya ang nangyari sa kanila ni Calvin nang nagdaang gabi.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Wala na sa tabi niya si Calvin. Tumingin siya sa wall clock, alas otso na ng umaga. Bumangon siya at nag-shower. Matapos mag-shower ay nagtungo siya sa dining room. Nadatnan niya roon ang lalaki.
“Mabuti gising ka na, kumain na tayo,” alok ni Calvin sa kanya.
Ipinaghain siya ng lalaki. Pinakiramdaman niya ang lalaki. Naisip niyang balewala rito ang nangyari sa kanila. Hindi ba nito nagustuhan ang nangyari? Ito naman ang una sa buhay niya ah, balewala ba rito iyon?
Ngumiti ito nang makitang nakatingin siya.
Nahihiyang binawi niya ang tingin.
Minsan hindi agad...


nakahakbang si Crizelah Lily nang makita sa loob ng isang mall si Calvin na may kasamang ibang babae. Ang saya ng mga ito. Nakaramdam siya ng selos. Minabuti niyang magtungo na lang sa park. Sinadya niyang magpagabi. Nadatnan niya sa sala ang lalaki nang umuwi ng bahay.
“Kumain ka na ba?” Tanong nito sa kanya.
“Oo kumain na ako,” tugon niya kahit ang totoo ay isang burger lang ang kiinain niya at kanina pa iyon.
Nasaktan talaga siya lalo pa at nauna pa itong pumasok sa silid nila at natulog. Wala talagang pakialam sa kanya.
Isang gabi ay umuwi ang lalaki na may kasamang babae. Ayon dito ay Tanya Gwenyth ang pangalan nito at makikitulog doon sa kanila.
“Ok lang ba sa iyo?” tanong ni Calvin sa asawa.
“Ok naman,” tugon niya kahit hindi. Talagang nananadya na ang lalaki.
Doon na rin nag-dinner ang babae. Hindi siya makakain ng mabuti dahil sa selos na nadarama. Batid niyang hindi iyon ordinaryong selos. Dahil iyon sa natutunan na nga niyang mahalin si Calvin hindi bilang bestfriend kung hindi bilang asawa.
Matapos ang dinner nila ay nag-tungo pa ang mga ito sa terrace at masayang nag-kwentuhan. Siya naman ay lihim na nagmamaktol ang kalooban habang nasa silid.
Nakatulog na nga siya na hindi nalaman kung pumasok pa ba roon ang lalaki.
Kinabukasan ay nagkasabay na naman silang nag-breakfast.
“Calvin pwedi bang magluto ka ng paborito ko, hindi ako sanay ng basta bread and friend egg eh. Gusto kong mag fried rice at bacon,” malambing na wika ni Tanya Gwenyth sa lalaki.
“Ganoon ba? Crizzy favor naman baka naman pweding ipagluto mo si Gwen ng gusto niya,” baling ni Calvin sa asawa.
Napuno na ng husto si Crizelah Lily.
“Teka nga, asawa mo ako at hindi cook. Kung ayaw niya hindi siya pinipilit, maraming restaurant diyan sa labas,” asar na tugon ni Crizelah sa asawa.
“Crizzy…”
“Nakakaasar na kayo ha! Nananadya ka ba Calvin? “ bakas sa tinig ni Crizelah ang galit sa dalawa. “ Tanya Gwenyth alam mo naman siguro na Calvin is a married man. Ang ginagawa mo ay paglalandi!” baling niya sa babae. Hindi na niya napigil ang emosyon niya.
Nagulat si Tanya Gwenyth sa binitiwang salita ni Crizelah Lily. Maging si Calvin ay hindi inaasahan na masasabi iyon ng babae.
“Sorry pero nananadya kayo,” galit na iniwan niya ang dalawa.
Lingid sa kaalaman ni Crizelah Lily ay kapwa napangiti ang dalawa nang tumalikod siya.
“O paano effective iyong mga plano mo.
Nagsi-selos na siya,” wika ni Tanya Gwenyth sa pinsan.
“Thanks Gwen.”
“Aalis na ako, sa labas na lang ako magbi-breakfast at baka maisipang bumalik ng asawa mo at kaladkarin na lang ako palabas ng bahay n’yo.”
Sa silid puno ng selos ang kalooban ni Crizelah Lily. Lalo pa siyang naasar nang pagpasok ni Calvin ay makitang nakangiti ito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
“Bakit ka ba nagagalit?” Tanong ng lalaki.
Kumawala siya sa pagkakayakap ng asawa.
“Nagsiselos ka ba?” Tanong ulit nito sa kanya.
Hindi siya umimik.
“Hindi ka dapat mag-selos dahil hindi mo naman ako mahal diba?” wika ni Calvin.
“Pero asawa mo ako kaya hindi mo dapat ginagawa iyon. Sobra ka na! kapag ako ang nakikita mong nakikipag-usap sa ibang lalaki nagagalit ka tapos kapag ikaw, ako walang karapatan magalit sa mga babae mo,” punung-puno ng sama ng loob ang tinig na iyon ni Crizelah Lily.
Natawa si Calvin.
“Hindi ko babae si Gwen.”
“Tama na huwag ka ng magpaliwanag.”
“Crizzy mahal mo ba ako?” seryosong tanong ni calvin sa kanya.
Nabigla siya sa tanong na iyon ng lalaki.
“Calvin…” Hindi niya alam kung paano sasabihin kung ano talagang nararamdaman niya para rito.
Isang mariing halik sa labi ang iginawad ni Calvin sa labi niya. Heto na naman! She can’t resist the power of his kiss!
“Aminin mo, mahal mo ako,” wika ni Calvin.
“Calvin, oo bilang bestfriend.”
“Hindi ako naniniwala. Crizzy aminin mong mahal mo ako ng higit pa roon.” Muli na naman siya nitong hinagkan sa mga labi ngunit sa pagkakataong iyon ay mapusok ito. Pero saglit lang iyon at binitiwan na siya. “Ok sige kung hindi mo talaga ako mahal siguro pwedi tayong maghiwalay kung nanaisin mo.”
Bigla siyang natakot sa sinabi nito. Lalo lang siyang masasaktran kapag nangyari iyon.
“Calvin ganoon lang ba sa iyo kadali ang lahat?”
“Gusto mong lumaya diba? Heto na iyon.”
No! Sigaw ng utak niya. Ayaw niyang lumaya sa piling ni Calvin at mas lalong ayaw niyang palayain ito.
“Hindi na tayo magkasundo Crizzy tama ka nga. Imagine wala pa tayong one year na nakakasal pero heto tayo.”
“Manhid ka kasi,” naiiyak na wika niya sa lalaki.
“Ako manhid?”
“Oo manhid ka! Hindi mo alam na masakit sa akin ang ginagawa mo.”
“Mahal mo lang ba ako talaga bilang kaibigan lang?”
Napahawak sa ulo si Crizelah Lily.
“Torpe ka talaga! Mahal kita bilang ikaw. I love you Calvin,” nagawa na rin niyang aminin ang tunay na nararamdaman sa lalaki.
“Hindi ako naniniwala sa iyo,” tugon ni Calvin.
Hindi batid ni Crizelah Lily na kanina pa siya kinukulit ng asawa.
“Ano ka ba? Diba iyon ang gusto mong marinig? Oo na aaminin ko na, selos na selos ako sa tuwing makikita kong napaka-sweet mo sa ibang babae, pero kung ayaw mo eh di huwag!”
Nagtatampong tinalikuran niya ang lalaki.
Akma siyang lalabas ng silid nang bigla siyang yakapin ng lalaki ng napakahigpit.
“Alam ko iyon matagal na. Ang mga babaeng nakita mo ay mga taong concern sa kaligayahan ko. Hindi kasi ako sanay na sumasakit ang ulo dahil sa babae tapos sa iyo pa.” Nakangiting wika ni calvin.
“Ibig mong sabihin sinadya mo ang lahat ng iyon para mag-selos ako?”
Isang halik ang tanging itinugon ni calvin sa tanong na iyon ng asawa.
“Ang sama mo talaga kaya ako naman ang pinasakit mo ang puso.”
“Ang importante naramdaman kong mahal mo rin ako,” nangingiting wika ni Calvin.
“Kung alam ko lang na…”
Hindi na siya hinayaan ni Calvin na mag-salita pa. Pinigil ng isang mariing halik ang lahat ng sasabihin niya. Buong pagmamahal na tinugon niya iyon.
Naging maligaya ang naging buhay nila sa piling ng isa’t-isa.
Nagkaroon sila ng mga anak. Wala na silamng mahihiling pa. Ang pagmamahal ang tanging nagbuklod sa kanilang mga puso.
🌺🌺🌺🌺🌺THE END🌺🌺🌺🌺🌺
Thank you for reading!






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. prncess samanthaYour Name

    grabi ang ganda ng story😢 buong mag damag kung binasa ito💓💓

Leave a Reply


top