My Bestfriends Husband Chapter 34


#Mystery_Thriller_Romantic_Drama
💚Vencent POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. . Paano nangyari magkamukha sila ni Stephanie. Sino ang pasenting ito at sino yung babaing nakakasalamuha ko?
“Anong ibig sabihin nito? Bakit sila mag kamukha ng kapated ko? sino ang babaing ito? Sino sa kanila ang totoo kung kapated? Kailangan kung malaman ang katutuhanan. ”
Nagmadali akong kumuha sa buhok ng pasenting ito. at pumonta sa mga DDNA test kung sya ba talaga ang kapated ko..
Kailangan ko pang maghintay ng mga ilang araw para malaman ang resulta.
Bumalik ako sa Restawran at minamanmanan lahat ng galaw ni Stephanie. Normal naman sya.
Wala akong nakikitang iba sa kinikilos ni Stephanie. Alam na alam ko ang kilos at ugali ni Stephanie kaya ang kaharap ko ngayon ay ang totoong Stephanie pero ang tanong sino yung nakaratay sa hospital? Bakit kamukhang kamukha nya si Stephanie?
Bakit binibisita ni Stephanie ang kamukha nya? Yun ang kailangan kong malaman.
Nang sumunod na araw ay may kakaiba nanaman akong napapansin kay Stephanie. Minsan nakaka usap ko sya ng matino hindi iyon ugali ni Stephanie iba ang pakikitungo saakin ni Stephanie minsan naman normal lang ang kilos . . Naguguluhan ako pakiramdam ko nag iiba ng personality si Stephanie. Yun ang napapansin ko sa mga nagdaang araw na kasama ko sya.
Nang sumunod na araw ay malalaman ko na ang resulta ng DNA test malalaman ko na kung sino sa kanila ang totoo kung kapatid.
Sinundo ko mona si Stephanie para di ako pag hinalaan na pinag iimbestigahan ko sya. Pagka hated ko sa kanya sa Restawran ay umalis na ako agad para pumunta sa Hospital.
Para malaman kona ang Resulta.
Pagkakuha ko sa envelope ay nakaramdam ako ng kaba.
Kinakabahan ako sa nilalaman ng DNa Test na ito.
Hindi ako nag atubiling na buksan iyon at binasa. Laking gulat ko ng makita kong positive ang Resulta. Ibig sabihin ang nakaratay sa silid na iyon ay walang iba kundi ang totoo kung kapatid.
“Kung ganon sino ang babaing nakakasalamuha namin sa bahay? Sino ang babaing iyon?”
Pumasok ako sa silid kung saan nakaratay ang kapatid kong si Stephanie.
Ano ba ang nangyari sa kanya? Bakit sya nagkaganito? Kailangan kong alamin kong ano ba talaga ang boung nangyari sa kapatid ko.
” Kung hindi si Stephanie ang babaing nasa restawran, sino sya? bakit nya alam ang lahat tungkol saamin ni Stephanie? Kailangan kung alamin iyon sa kanya. ”
Nagmadali na akong bumalik sa Restawran para kausapin ang impostor na nagpapanggap na stephanie.
Nagmadali akong lumapit sa kanya at hinila ang kamay nya para mapaharap saakin.
“Who are you!” Seryuso kung sabi at kita ko sa mga mata nya ang pagka gulat nya.
**********
🌺Tiffany POV
Habang hinihintay ko na bumalik si Kuya Vincent ay inabala ko nalang ang sarili ko na mag linis ng office nya.
Pero bigla bigla nalang may humatak saakin at napaharap ako sa kanya.
Laking gulat ko ng magtanong na si Kuya Vincent kong sino ako.
“Sino ka? Alam kung hindi ikaw ang Kapatid kung si Stephanie”.
Hindi ako makapaniwala na itatanong yun sa akin ni Kuya.
Ito na ba ang katapusan ko, ano na ang sasabihin ko? Sasabihin kona ba sa kanya ang totoo?
“Ano ba ang pinagsasabi mo jan kuya. Sempre ako to si Stephanie ang kapatid mo. ?
Pagpapaliwanag ko kay kuya Vincent kabado ako paano nya nalaman na nagpapanggap ako.
” sigurado kaba na ikaw nga talaga ang kapatid ko?
Paniniguro nya sa akin.
“Oo naman kuya.. Bakit nagdududa kaba sa akin. Gusto mo na patunayan ko sayo na ako talaga ang kapatid mo. Gusto mo isa isahin ko pang banggitin sayo ang…… ”
Napatigil ako sa sinasabi ko dahil nagsalita ulit si Kuya Vincent
“Kung talagang ikaw ang kapatid kong si Stephanie. hinding hindi ka papatol kay Andrew dahil alamo na magkapatid kayo diba? Kaya siguradong sigurado na ako na hindi talaga ikaw ang kapatid kong si Stephanie. Sigi nga paano mo ako mapapaniwala na ikaw ang kapatid ko , kung nakita kona ang totoo kung kapatid.. kung talagang ikaw ang totoong Stephanie ! sino ang nakaratay sa hospital? Sigi mag paliwanag ka!”
Galit nyang sabi.
Paano nya nalaman na nandoon ang totoo kung katWan. Hindi kaya sinundan nya ako noong bumisita ako . Ano na ang idadahilan ko? Ano ang gagawin ko. Magdidinay parin ba ako?
” what do you mean?” Sabi ko kunwari hindi ko alam ang mga pinagsasabi nya.
“Nag mamaang maangan kapa alam kong Nagpapanggap ka na ikaw si Stephanie. Isang kang impostor. sabihin mo ang totoo bakit ka nagpapanggap bilang Stephanie?”
Nagkabokuhan na ang lahat. . Kailangan ko na atang umamin.
“Gusto mong malaman ang totoo?”
Taas kilay kong sabi kay Kuya Vincent.
“Oo tama ka. .itong kaharap mo ngayon hindi ang kapatid mo . Ang katawang to nakikihati lang ako. Alamo kung bakit? Dahil gusto kong pagbayaran nyo ang lahat ng ginawa nyo sa akin. ”
” Ano ba ang pinagsasabi mo jan. Sabihin mo kung sino ka ba talaga?” Inis nyang sabi saakin.
” Ako talaga si Stephanie pero nakikihati lang ako sa katawang ito. pinagtangkaan nyo kasi ang buhay ko. Kaya hanggang ngayon hindi parin ako nagigising kaya ang katawang ito ang ginamit ko para ipaghiganti ang ginawa nyo sa akin.”


/> “What do you mean? Na ikaw ang kapatid ko?”
“Ang nakita mo sa hospital katawan ko iyon. Ang kaluluwa ko nakikihati sa katawan na ito. sa tingin mo magigising pa ba ako sa kalagayang yun. Isang taon na akong hindi nagigising. isang taon na akong nakikihati sa katawang ito. Kaya sabihin mo mabubuhay pa ba ang katawan kong yun? Kaya ang katawang ito ang magiging kapatid mona ngayon.”
“Kalokuhan. Hindi mo ako mapapaniwala.”
“Sigi kung ayaw mong maniwala. Wag kanang maniwala. Pero ito ang tatandaan mo Kuya wag na wag kang makiki alam sa paghihiganti ko.”
” Mapapasaya kaba ng konsensya mo pag nakapag higanti kana? At isang babaing innosenti ang ipapahamak mo. Dahil lang sa paghihiganti mo? Kasali din ba ako sa taong pinag hihigantihan mo kaya. . Pinapahirapan mo ang isip ko ngayon?”
“Oo naman kasali ka sa taong gusto kung paghigantihan? No Exempted.”
Galit kong sabi.
“Anong ginawa ko para magalit ka ng ganyan sa akin? Sabihin mo? ”
” wala kang alam Sa pinagdaanan namin ni megan. Nasaan ka noong kailangan ka namin? Nasaan ka noong kailangan namin ng tulong. . Wala ka sa tabi namin. Nangako ka saamin na hindi mo kami pababayaan pero wala ka! Ng kailangan ka ni Megan.”
” Bakit nasali sa usapan dito si Megan.. Anong ginawa nila kay megan. ”
Galit na galit na sabi ni Vincent
“Hindi moba alam na pinagtangkaan din nila ang buhay ni Megan. baka nga kasabwat ka din dahil hindi ikaw ang pinili nya.”
“Wala akong alam sa ibinibintang mo sa akin. Nasaan si megan. Sabihin mo nasaan sya?”
“Bakit mo naman sya tinatanong? Mahal mo parin ba sya kahit pinili nya si kuya Andrew?”
“Alam kung Napilitan lang syang magpakasal kay Andrew, alam kong ako ang mahal ni Megan.”
Pinagtawanan ko nalang si Kuya Vincent
“Bakit? sigurado kaba na ikaw talga ang mahal ni Megan? ”
“Oo ako ang mahal ni Megan”
“Mali ka! Si Kuya Andrew ang mahal nya. Hindi ikaw. ”
” Hindi yan totoo. Sinasaktan mo lang ang puso ko. Nasaan si megan. Sabihin mo kung nasaan sya! ”
(Pasigaw nyang sabi)
“Sasabihin ko sayo kung nasaan si Megan pero mangako ka na pag nalaman mo ..mag kunwari kang walang alam. ”
“Bakit? ”
“Pag ginawa mo yun mabubunyag lahat ang baho ng pamilyang iniingatan mo.” Pagbabanta ko sa kanya.
“Sabihin mo nalang kung nasaan sya?”
” Nasa harap mona si megan. Dahil ang babaing ito ang kaibigan ko. At wala syang maalala sa mga nakaraan nya dahil ang bou akala nya ay sya ako. Ipina ubaya ko kay Megan ang mukha at Pangalan ko pati pagkatao pinahiram ko sa kanya para maprotektahan sya sa taong nagtatangka sa buhay nya. . Pareho kaming ipinapatay. Kung wala ako malamang pinag luluksa nyo na sya. ”
“Sino ang gustong pumatay sa kanya?”
“Sino pa ba ang obsesses sa Mana . . Sempre ang pinakamamahal nating Daddy at ang mahal mong Ina.”
“Hindi nila yun magagawa? Kaya wag mo silang pagbintangan.”
“Sila ang ang sumira sa buhay ko? At sisirain din nila ang buhay mo. At ang mga kapatid natin. Akalain mo nababaliw na ang papa natin dahil alam naman nya na anak ka nya pero ipapa kasal ka nya sa kapatid nating si hena. Dahil patay na patay sayo ang walang kamuang muang na kapated natin. ”
“Tumigil kana! Walang magaganap na ksal sa pagitan namin ni Hena. Kaya tumigil kana baka may makarinig sayo. ”
” Ano bang klaseng pamilya ang mayroon tayo. Ngayong alamo na kung nasaan si megan siguro naman mananahimik kana! At wag monang balakin pa na sabihin ang katutuhanan kay Megan. Kundi magkakagulo ang lahat.”
“Bakit ibinalik mo sya kay Andrew. Bakit hindi sa akin.”
“Bakit pag ibinalik ko ba sya si Megan. Papatulan mo ako? Kahit kamukha na nya ako? Iisa na kami ngayon ni Megan iisang katawan ngunit magkaiba ng katauhan. Ano makikipag relasyon ka parin ba kahit iisa na kami ng mukha. ”
Kita ko ang katahimikan ni Kuya Vincent
“Si Andrew hindi nya alam na magkapatid kami. Kaya Pweding pwedi ko syang paikutin sa kamay ko. At saka kasal din naman sila ni kuya Andrew kaya pwedi silang magkaanak.”
“Nababal*w kana.!” Sigaw saakin ni Kuya Vincent
“Siguro nga bal*w ako hindi lang ako ang nababal*w dito. Malamang baliw ka din dahil iisa lang ang pinanggalingan natin. ”
Inis na sabi ko dahil hindi ko napigilan ng sarili kong sigawan sya. Pero laking gulat ko ng bigla akong sinampal ni Kuya. Ito ang unang bisis na sinaktan ako ni kuya Vincent.
Nagagawa na nya akong saktan.
Napahawak ako sa pisngi ko kung saan nya ako sinampal ng malakas. Biglang pumatak ang mga luha ko hindi ako makapaniwala na sinampal ako ni kuya
“I’m sorry hindi ko sinasadya.”
Hahawakan sana ako ni Kuya pero umantras ako dahil galit ako sa kanya
“Wag mo akong hahawakan.( Pasigaw na kung sabi hanggang ngayon tumutulo parin ang mga luha ko.) Nagagawa mona akong saktan ngayon. ”
“Nabigla lang ako kaya ko yun nagawa. ”
Naninikip ang dibdib ko sa ginawa ni Kuya sa pagsampal saakin. Habang umaamtras ako para lumayo kay kuya bigla nalang akong nawalan ng malay dahil siguro subra akong na Stress sa nangyayari ngayon.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top