MY BOSS IS SECRET Chapter 1


MY BOSS IS SECRET 🎗️
Romanciana Writes
[Chapter 1]
“Madam Sermons, pakiusap pagbigyan nyo pa po ako ng isang chance. Pangako po, mag-iingat na po ako”.pakiusap ko. Ngunit sinamaan lang ako nito ng tingin.
“Pagbigyan? Seryoso ka Karen, eh halos pang-ilan na ng chance na ibinigay ko sa iyo. At ilan na rin ba ang mga nabasag mong gamit saakin? Huh aber, kung tutuusin ay magbabayad ka”.ani nito.
“At dahil mabait ako, ay hindi mo na kailangan magbayad pa. At umalis ka dahil tanggal ka na!”.dagdag nito. Napaiyak ako. Hindi ako maaring matanggal. Kaya halos lumuhod na ako sa tuhod niya para magmakaawa.
“Please, madam Sermons. Pagbigyan nyo na po ako. Kailangang kailangan ko po talaga itong trabaho”. naiiyak na pakiusap ko. Nagulat ako ng itulak ako nito kaya nadapa ako.
Nagtawanan naman ang mga kasama nitong kaibigan. Nandito kami sa labas ng bahay ni madam Sermons. At ayun she’s fired me. At malala pa ay itinapon niya ang mga gamit ko kaya nagmukha ako ritong palaboy.
“Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi ko your fired! At wag ka nang babalik dito dahil hindi ko kailangan ng isang katulong na magaslaw kung gumalaw kaya maraming nababasag na gamit!”.bulyaw nito. Wala akong nagawa kundi pulutin isa isa ang mga damit ko na nagkalat rito sa labas ng bahay.
” ‘Di ba siya yung anak nung Frangco Wang na Chinese. Yung dating may ari ng supermarket sa bayan”.rinig kong sabi ng isa sa kaibigan ni madam Sermons.
“Oo nga noh. Balita ko rin na nabaon sa utang ang ama ng babaeng yan kaya napilitan sila na ibenta ang supermarket na negosyo nila,nakakawa naman Sila”.sabi pa isa. Napakuyom nalang ako ng kamay.
Ayoko talaga sa lahat ay yung pinagtsi-tsismisan ang pamilya ko lalo na ang buhay namin dati. Pinunasan ko ang mga luha ko at isinara ang zipper ng bag ko.
“May nasagap rin akong tsimis na, na-stroke daw ang ama niya dahil na rin sa pagkalubog ng utang”.rinig kong tsismisan ng mga ito. Dahil sa inis ko ay tumayo ako at hinarap ang mga ito.
“Walang galang na ho pero wag nyo naman po pagtsismisan ang pamilya ko lalo na nung nangyari saamin. Galangin nyo naman ang papa ko”.matigas na sabi ko.
“Hoy! Karen! ‘Wag mong pangaralan ang mga bisita ko. At tsaka tama naman ang sabi nila ha. Na ang ama mo ay na-is-stroke dahil sa pagkautang niya!”.sumbat ni madam Sermons. Bigla naman uminit ang ulo ko.
Laitin na nila ako wag lang ang pamilya ko dahil kapag sila na ang pinag-uusapan ay ibang usapan na yon. Isinabit ko ang bag ko sa likod ko. At taas noong hinarap si Madam Sermons.
Sa totoo lang matagal nang nang-iinit ang ulo ko dahil sa lakas ng panlalait niya sa kapwa tao niya. Hindi porket mayaman sila at nasa taas ay pwede na nila tapak-tapakan ang mga katulad naming mahirap.
“You know what, madam Sermons. Your so bad person. Wala kayong ugali sa mga katulad namin. Tsaka in the truth lang po. Gusto ko na talaga umalis sa bahay nyo dahil nakakasuka ang pag-uugali nyo!”.galit na sabi ko rito. Nakita kong napasinghapan ang mga kasama nitong bisita pati na rin ang mga kapwa kong katulong.
Halos hindi na rin maipinta ang itsura ni madam Sermons dahil sa insulto na sinabi ko.
Insulto? Well sinabi ko lang naman ang totoo.
“You! How d*re you?! Wala kang utang na loob! Pinakain kita sa bahay ko tapos may gana ka pang mang-insulto!”. nangangalaiting sigaw nito saakin. At pinagsingkitan pa ako ng mata.
“Pwes salamat po sa pagpapakain saakin. At sinusuklian ko rin naman ang mga iyun hah! Nagtratrabaho ako kahit kung makabulyaw kayo ay parang nakalunok kayo ng microphone. At wala rin akong pake kung may utang na loob ako sainyo. Dahil kung tutuusin kayo ang magkaroon ng utang na loob saamin dahil napagtiyatiyagaan ka namin!”.bwelta ko rito. Lalo nagulat...


ang mga kasama nito.
“At tsaka yang bahay nyo, madam Sermons. Ay isang haunted house. Maniwala kayo o hindi ay may aswang diyan sa bahay niya”.pananakot ko. Bakas ang takot sa mga itsura ng mga bisita ni madam Sermons.
At wala akong pakialam roon. Sobra na ang panglalait niya. Tutal na-sisante na ako ay lulubos-lubusin ko na.
“Totoo ba Yun?”.
“Grabe nakakatakot naman pala sa bahay na ito”.
“Alis na tayo rito dahil tumatayo na ang mga balahibo ko,ehh”.rinig kong mga bulungan nito.
Nakita ko rin ang inis na inis na mukha ni madam Sermons na ngayon ay nagpapaliwanag sa bisita nito. Sinulyapan ako nito na akmang magsasalita at dinuraan ko ang lupa nasa harapan nito bago ko.
Ini-wave ang kamay ko sa taas sinyales na ba-bye na ako. At nagsimula na ako maglakad paalis na hindi nagkaimikan ang mga tao roon.
________
Gabi na ako nakauwi. Pagod kung binuksan ang pinto ng bahay namin. As usual ay maingay at magulo ang loob.
“Yehey! Nandito na si ate Karen!”.masayang sabi ni Carla -anak ni ate Kaye na kapatid ko, pitong taon na gulang na ito at nag-aaral na.
Agad ito lumapit saakin at niyakap ako. Kinarga ko ito at hinal*kan sa pisngi.
“How’s your study?”.malambing kong tanong at naglakad na ako patungo sa kusina. Inilapag ko ang plastik na dala ko na ibinili kong ulam sa labas.
“Ayos naman po, ate Karen. Wow! Ito po ba ang ulam natin?!”.masayang tanong nito. Umalis ito sa pagkakarga ko at umupo sa upuan at kinalkal Ang laman ng plastik.
“Oo, paborito mo yung isang ulam na binili ko giyan. Kumain ka nalang ha”.sabi ko. Tumango naman ito.
Iniwan ko na ito roon at tinungo ang sala. Nakita ko dun si ate Kaye na panganay saaming magkakapatid. May Asawa na ito na ngayon ay nagtratrabaho sa Saudi. Online business ang trabaho nito. Nandun rin si Gio -bunsong anak ni ate Kaye. Mahimbing itong natutulog sa foam.
“Sinisante ka sa trabaho mo?”.tanong nito na hindi tumingin saakin. Nakafocus lang ito sa calculator nito.
Marami rin na nagkalat na mga make-up kit na ibinibenta niya. Umupo ako sa tapat nito at isinandal ang ulo sa head ng sofa.
“Oo, at saka ok na yun. Sawa na rin ako sa trabaho na pinagagawa ng bruhang Sermons na Yun”.sagot ko. Narinig kong tumawa ito.
“Buti at naisipan mo rin. Alam mo namang iyang aling Sermons. Masyadong mapanglait”. komento nito. Tumango ako.
“May pinag-aralan ka naman, Karen. Bakit hindi mo subukang pumasok sa kumpaniya at mag-apply bilang secretary?”.alok nito. Bumuntong hininga ako.
Sa totoo lang ay sinubukan ko nang maghanap ng trabaho sa mga kumpaniya pero marami na sila naipasok.
“Susubukan ko nalang ulit”. kibi’t balikat na sabi ko. Sinulyapan lang ako nito tapos ay bumaling rin sa ginagawa nito.
“Dalhan mo nalang si mama at papa ng pagkain sa hospital. Ibinilin niya iyun”.sabi nito. Bumuntong hinga ako. Nakalimutan ko pala na pupuntahan ko pa sila mama sa hospital.
“Teka nasa’n si Karlo. Uwian niya na dapat ‘di ba?”.taka ko. Si Karlo ang bunso naming kapatid nag-aaral pa ito sa highschool. Ako rin ang nagpapaaral rito.
“Tinatanong mo pa, alam mo namang nasa barkada iyun”.tugon nito. Tumayo nalang ako at dumiretso sa kwarto para maligo at magpalit ng damit. Gusto ko rin makita ngayon si mama at makunsulta ang kalagayan ngayon ni papa.
_____________
Kyahhh!(◠‿・)—☆
Nakapag-ud rin hehehe. Hope you enjoy (•‿•)
Paaprove Admin (✿^‿^)






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top