MY BOYFRIEND CHOOSE HIS BESTFRIEND THAN ME


*/Errors ahead.
Dedicated to: Ynnah Amber Strophius
“Baby‚ where are you going?” tanong ko.
“May pupuntahan lang‚” sagot naman nya saakin.
Tumayo ako at lumapit sakanya at hinalikan sya sa pisnge‚ at sa mga labi nya.
“Ingat ka‚ I loveyou‚” saad ko
Niyakap naman nya ako at hinalikan sa noo.
“I love you too‚ baby‚” saad nya bago lumabas ng bahay.
Peter has been a good boyfriend for me for over 5 years‚ nagbabalak na kaming ikasal ngayung taon ngunit dahil sa pandemya ay hindi namin magawa dahil baka hindi makadalo ang lahat ng kaibigan at buong angkan namin kaya pagkatapos nalang siguro ng pandemya ay dun na mismo kami magpapakasal‚ for now mag pla-plano muna kami.
We own a house and we have our own bussines which is the reason why our parents want us together dahil sa pagkakaintindihan naming dalawa sa usapang negosyo.
Nagkakilala kaming dalawa noong collage palamang kami at ang nakakatawa ay sya ang bully ko noon dahil sa pandak ako at sya naman ay feeling badboy.
Di ko rin inaasahan kung bakit ko ngaba naging boyfriend si peter dahil ang alam ko lang noon ay inis na inis ako sakanya.
After an hour he came back with a flowers and chocolate.
Anong meron bakit may dala dala sya?
“What’s with this baby?” i asked.
“Para sa’yo malamang sino pa ba ang tao rito? ‘diba ikaw lang?” saad nya.
Lumapit ako sakanya at hinampas sya sa braso‚ kahit kailan hindi nya talaga maiiwasan ang kabaliwan nya. hindi ko lang yalaga alm kong anong pumasok sa isip nito at bakit nagdala ng bulaklak at tsokolate pero tanggapin ko nalang kesa sa aarte pa ako.
“I know you’re still confused why i brought you some flowers and cholates‚” saad nya at nahiga mula sa mga hita ko.
“Buti nalang at napapansin mo‚” sagot ko agad sakanya.
“Because baby it’s your birthday‚” saad nya.
Damn.
Nakalimutan ko ngang kaarawan ko nga pala ngayun.
“Nahuli ako sa bake shop ng paborito mong taga gawa ng cake that’s why i brought you some flowers and masyado na ring late if lalabas pa tayo that’s why i prepared everything just for you‚” saad nya
Prepare something ‘e wala naman syang inihanda saakin.
“Check your flowers‚” saad nya at tumayo sa pagkakahiga mula sa mga hita ko.
Kinuha ko ang bulaklak and there i saw a small box with a message on it.
“WILL. YOU. MARRY. ME‚” pagbabasa ko.
Binuksan ko ang maliit na kahon at nakita ko ang isang napaganda at kumikinang na dyamanteng singsing.
“So‚ Miss Strophius‚ will you be marry me?” he asked while kissing my neck.
“I can’t disagree with that‚ my love‚” sagot ko.
Ngumiti sya ng napakatamis at binigyan ako ng isang halik sa noo‚ sa pisnge‚ sa ilong at pang huli ang mga labi ko.
I found it romantic kahit na hindi sa harap ng maraming tao o kaya hindi sya lumuhod sa harap ko para ayayain akong pakasalan‚ it may be simple but damn for me it’s so special na parang ako na ata ang pinaka swerteng babae sa mundo.
I was so happy to the point na gusto ko na syang pakasalan bukas‚ pero masyadong mabilis.
This is the best birthday gift na naibigay saakin.
_________________________
“Where are you going again?” i asked. lagi nalang syang umaalis lagi nalang nya akong iniiwanan at uuwi nalang pag hating gabi na.
Hindi nya ako pinansin at daling umalis na ng bahay.
After the proposal he became like this‚ i found it strange.
Hindi naman sya aalis dahil sa trabaho nya dahil may sarili kaming negosyo at pansin ko na lagi syang may dala-dalang paper bags na parang may pagbibigyan sya.
That’s weird and strange.
And there someone came up in my head kung para kanino yung mga yun.
Maybe para sa bestfriend nyang si Trisha.
Bestfriend nyang hindi nya kayang iwan at mas girlfriend pa nya saakin.
I always hate her guts and everything about her‚ she’s been seducing my boyfriend since we become official pero para sa boyfriend ko ay normal lang yun pero para saakin hindi.
Hindi ko alam kung sadyang gusto ba talaga ng boyfriend ko ang ginagawa ng ‘bestfriend’ nya sakanya o sadyang may pagtingin o may relasyon talaga silang dalawa.
Kasi hindi naman aalis yun at aastang parang kasintahan pa nya ang bestfriend nya kung wala ‘e.
Maya-maya pa ay biglang nag ring ang cellphone ko.
Walang name ang caller kaya baka isa siguro sa mga costumer namin at baka gustong bumili uli.
“Hello?” tanong ko ng sinagot ko ito.
“Ynnah‚ si Tres ito‚ andyan ba si petter sainyo?” tanong nya saakin.
“Wala sya rito‚ umalis at hindi manlang nagpaalam saakin.”
“K-kasi nakita ko syang kasama si Trisha t-tapos a-ano dito sa park ahm tsaka buntis sya‚” saad ni Tres.
Natahimik ako.
“Y-ynnah?” tanong nya sa kabilang linya.
“Salamat tres‚” saad ko na lamang at ibinaba na ang tawag.
Sa tawag na yun ay halos gumuho ang mundo ko.
Tama nga siguro ang mga hinala ko sakanila.
Hindi ako nagkamali sa paghihinala.
Hindi ko alam pero wala pang dalawang buwan bago nya ako alukin ng kasal perl bakit naman ganto? malalaman ko lang na nabuntis nya pala ang bestfriend nya habang kami pa.
Hindi ko alam kung anong gagawin at anong sasabihin ko.
Mahal na mahal ko di peter dahil sya ang naging buhay ko at naging inspirasyon ko sa buhay pero di ko inaakalang sya rin mismo ang sisira saakin.
_____________________________
“What are you doing?” nagtatakang tanong ni Peter.
Tama na siguro ang desisyon ko.
Ito na siguro ang tamang gawin.
Ang papiliin sya at kung hindi man ako ang piliin nya ay papakawalan ko ma sya kahit na hindi ko kaya ay gagawin ko.
“Fixing your things dahil hindi ka na dito titira! Duon ka sa bestfriend mong inanakan mo!” saad ko.
“Hindi ko anak ang dinada—” hindi natuloy ang sasabihin nya ng biglang may tumawag sakanya.
“Oo‚ papunta na ako dyan sa apartment mo! Anong gusto mo?” sunod sunod na saad nya sa kabilang linya.
Kinuha ko ang cellphone nya at pinatay ang tawag.
“Mamili ka peter! Ako o ang bestfriend mo!?” tanong ko sakanya.
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.
Kita ko...


sa mata nya ang kaba.
Wala syang magawa kundi ang talikuran ako at iwan sa bahay naming dalawa.
Napangisi ako sabay ng pag-hagulhol ko.
Gustong gusto ko syang patawarin kapag ako ang pinili nya ngunit hindi ko inaasahan na kaya nya akong talikuran at kaya nyang magpaka lalaki sa bestfriend nya kesa saakin na kasintahan nya.
Tama na siguro ang desisyon kong iwan sya.
Tama na siguro ito para sa ikakabuti naming dalawa.
“I’m going to raise you without his support and love‚ my soon to be baby‚” saad ko at hinaplos ang tyan ko at hinalikan ang ultrasound picture na ibinigay saakin ng doctor ko.
I’ve been pregnant this whole time pero di ko inaasahan na gagawin ito ng magiging ama ng anak ko.
Hindi ko man gustong maging madamot pero kailangan nyang piliin ang nauna kesa saakin na huli.
Hindi man ito deserve ng magiging anak naming dalawa ngunit ito na ang desisyon ng ama nya na sumama sa iba at tinalikuran ako without knowing na may dinadala rin ako sa sinapupunan ko.
_____________________________
Andito ako ngayun sa may hospital at halos maihi na.
Manganganak na ako.
“Saan po ang asawa nyo misis?” tanong saakin ng doctor.
“W-wala akong asawa‚ doc please manganganak na ako h-hindi ko na kaya.”
Maya maya pa ay nakita ang mga magulang kong kinakabahan rin.
“Anak‚ andito na si mama please kayanin mo‚” naluluhang saad nya saakin.
“Kayanin mo anak ko‚” saad naman ni Papa.
Pinasok na nila ako sa paanakan at ramdam ko ang sakit dahil sa pag gupit ng nurse sa bandang ibaba ko.
Umiyak nalang ako dahil sa sakit.
Maya maya pa ay umere na ako.
“Push ynnah! Kaya mo yan!” sigaw ni mommy saakin.
Umere uli ako.
Halos hindi na ako makahinga sa sakit.
Hindi ko na kaya pang umere.
“Push ma’am nakikita na namin ang ulo ng bata‚” sigaw ng doctor saakin.
Umere uli ako sa huling pagkakataon kahit hindi ko na kaya pa.
Ngayun ay medyo nahahabol ko na ang hininga ko dahil sa oxygen na inilagay nila.
Wala akong marining na iyak ng bata.
Nakita ko ang kaba sa mga mukha ng mga nurse at doctor.
Hindi ko alam pero nakaramdam rin ako ng pangamba at takot dahil alam kong hindi ko nanaman inaasahan ang sasabihin saakin nito.
“B-bakit?” nauutal na tanong ko sakanila.
“H-hindi umiiyak ang bata‚” saad ni Mommy.
Halos magpanic ang lahat ng tao sa loob ng kwarto lalo na ako.
N-no.
Hindi pwede ‘to!
Hindi maaaring mawala saakin ang anak ko‚ hindi ko kaya.
Sa di inaasahan ay nandilim ang paligid ko dahil sa pagod.
_____________________________
“Mommy!” malakas na sigaw ng anak ko.
“Yes‚ darling?” tanong ko.
“Mommy gusto ko ng ice-cream” saad ng anak ko.
Napangiti ako.
Kahit papaano meron syang lakas ko kahit pumanaw na ang Mama ko.
Hindi ko alam na meron pala syang sakit at hindi man lang sinabi saakin.
Sa sobrang pagmamahal nya sa Papa ko ay sinundan nya agad ito.
Sobrang sakit ngunit yun ang desisyon nya kaya wala akong magagawa kundi respetuhin yun.
Lumabas na ako at sinundan ang anak ko papuntang pabilihan ng ice cream.
Parehong pareho kami na mahilig sa ice cream noong bata pa.
Ngunit hindi inaakalang makikita ko ang lalaking halos sumira saakin at iniwan na lamang kami para sa ibang babae.
Si peter.
“Y-ynnah‚ long time no see how are you?” tanong nya saakin.
May galit parin akong nararamdaman ngunit hindi ko ipinapahalata.
“Ayus lang naman ako‚ ikaw ba?” tanong ko pabalik sakanya.
“Ito binubuhay ang pamilya” saad nya.
So sila nga talaga ang nagkatuluyan.
Sabagay…
“Mommy gusto ko na ng ice cream‚” saad ng anak ko
“Sige anak susunod ako may kausap lang si mommy‚” saad ko sakanya at kita ko naman ang pagtango nya.
Apaka masunurin na bata.
“Aalis na ako‚” saad ko naman kay peter.
Akmang aalis na ako ng hilain nya ang kamay ko
“A-anak ko ba ang batang yun?” tanong nya saakin.
“Hindi.” malamig na saad ko sakanya.
“Wag mo akong pinagloloko‚ Ynnah!”saad nya saakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
“Hindi mo nga sya anak‚ ano ba! Matagal ng wala ang anak natin dahil sa katarantaduhan na ginawa mo. At ako pinagloloko ka? Sorry ha di kasi ako katulad mo!” saad ko
“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal na tanong nya
“Matagal ng pumanaw ang anak batang dinadala ko sa sinapupunan ko. Matagal ng wala saakin ang anak mo na ipinagpalit mo sa anak mo sa ibang babae‚”
“Hindi ko anak ang nasa sinapupunan ni Trisha noon‚ wala akong magawa kundi ang kunin ang responsibiladad ng kuya ko dahil sa tinakbuhan nya ang anak nila‚”
“Kaya naman pala ‘e! Nagpakatatay ka sa anak ng iba! Hindi mo ako masisisi sa ginawa ko dahil andyan ka nagpapakatatay sa anak ng iba at inaako ang responsibiladad ng iba habang meron ka ring responsibiladad bilang magiging asawa ko at magiging ama ng magiging anak nating dalawa!” saad ko na lamang.
Ramdam ko ang pag bitaw nya sa kamay ko.
“P-patawad‚” saad nya
Ngayun ay umiiyak na sya.
“Huli na ang lahat peter sana huwag mong gawin sa mag-ina mo ang ginawa mo saakin.”
Saad ko at umalis.
Hindi ko anak ang batang ngayun ay inaako kong akin.
Namatay ang anak ko dahil sa leukemia‚ masakit saakin ang nangyari at hindi ko matanggap na tatlong tao ang mawawala saakin kaya napagdesisyunan kong mag ampon nalang at duon ko ibuhos ang atensyon at pagmamahal ko.
Masaya na ako kung anong meron ako ngayun kahit na umalis na sa buhay ko ang lalaking inaakala kong sasamahan ako hanggang sa pagtanda.
Apaka daya ng tadhana saakin.
“I love you‚ Mommy!” saad ng anak ko.
Napangiti na lamang ako at niyakap sya.
Peter’s pov.
Hindi ko inaasahan ito ngunit siguro ito na ang karma ko sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko.
Mahal na mahal ko sya ngunit mas pinili kong akuin ang responsibilidad ng kuya ko noon.
Sa totoo lang ay mag-isa na lamang ako dahil bumalik ang kuya ko at pinili ni trisha ang balikan ito.
Nagsinungaling ako sa babaeng mahal ko ngunit tama na siguro ito dahil hindi nya deserve ang isang tulad ko kaya hahayaan ko nalang syang sumaya at hindi na muling gagambalain pa.
End.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top