MY DEAREST ENEMY CHAPTER 3


GENRE:ROMCOM
WRITTEN BY: SKYLINE
“Nicole!, anak kW na ba yan? Yakap na salubong ni Nanay Emy.
” Opo, nanay emy ako nga ‘to,” nakangiting ani niya sa kanyang nanay emy. Ang kanilang kusinera at taga pag alaga ng mansion dito sa batangas.
Maliit pa lamang si Nicole nang mamasukan ito bilang isang kusinera. “I miss you nanay,” bulong niya dto habang yakap nila ng isa’t-isa.
“Anak lalo kang gumanda ngayon, kamukha mo tuloy si Maine Mendoza.” Nakangiting wika nito sa kanya.
“Nanay, mas maganda pa po siya kaysa sa akin,” natatawang wika ko kay nanay emy. Fans din pala nito si Maine Mendoza.
“Pinagluto kita ng iyong favoritong ginataang monggo at pritong tilapya.”
“Talaga ‘nay namiss ko po iyon ng sobra.” Nakangiting wika niya. Alam na alam ng kanyang nanay emy ang kanyang mga gusto at hindi gusto.
Dahil mula mamatay ang kanyang magulang ay ito na ang nag alaga sa kanya. Itinuring siyang parang tunay na anak,mas anak nga ang turing sa kanya kaysa sa sarili nitong anak na si Red.
Habang naglalakad sila papuntang kusina, palinga-linga si Nicole. Wala pa ding pinagbago sa loob ng mansion. Nandon parin ang malaking picture ng kanyang mga magulang habang kalong ang isang taong bata.
Napangiti siya nag muling makita ang picture frame na yon. Siguro kung buhay lang ang kanyang mga magulang masaya sila ngayon.
Hanggang makarating sila sa kusina, nakita niya ang mga pagkaing nakahain. Naghugas muna siya ng kamay bago umupo sa hapag kainan.
“Wow my favorite!” bulalas niya. Agad siyang nagsandok ng kunting kanin at nilagyan ng ginataang monggo halos mapuno na ang kanyang plato ng monggo at agad na sumubo.
“Nay, da best talaga ang ginataang monggo ninyo. Alam ninyo talaga ang gusto ko at ang panlasa ko. Sobrang namiss ko po ‘to.” Nakangiting wika niya sa kanyang nanay emy.
Tuwang tuwa naman ang matandang nakamasid sa kanya. Kahit kaylan hindi talaga nagbago ang kanyang alaga. Napakasimple pa rin ito lalo na sa pagkain.
“Alam mo nay nagtry akong magluto nito sa London pero hindi successful kasi hindi masarap, hindi kasing sarap nitong luto ninyo.” Ani niya habang nakain. Kumuha siya ng pritong tilapya at sinawsaw niya sa tuyo-mansi with sili. Isa din ito sa gusto niyang pagkain.
Habang kumakain siya madami pa silang napagkwentohan ni nanay emy. Nalaman niya din dito na lubhang nalungkot ang kanyang lolo, dahil hindi siya umuwe one year na ang nakakaraan. Ayaw niya talagang umuwe dito sa Pilipinas lalong lalo dito sa batangas.
“Anak, nagkita na ba kayo ng lolo mo?” tanong nito sa kanya. Agad namn siyang tumango.
“Opo, nay kanina sa opisina niya.” Pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain, halos naubos niya ang ginatang monggo at ang pritong tilapya. Nang matapos siyang kumain umakyat na siya sa kanyang kwarto.
Hanggang nasa loob na siya ng kanyang kwarto. Wala pa rin itong pinagbago. Bagong pintura lang ito dahil medyo amoy pintura pa. Humiga siya sa kanyang kama at tumitig sa kisame kung saan makikita ang maliit na chandelier na napapalibutan ng maliliit na ilaw.
Maya maya napagpasyahan niyang maligo dahil feeling niya ang lagkit lagkit ng buong katawan niya. Itinapat niya ang kanyang hubad na katawan sa rumaragasang tubig galing sa shower. Matapos niyang maligo ay agad niyang pinatuyo ang kanyang buhok. Habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok.
Napatingin siya sa kanyang drawer.
Binuksan niya ito at kinuha ang jewelry box, pagkakuha niya agad niya itong binuksan at kinuha niya ang isang bagay na pilit niyang iniwan dito sa Pilipinas. Inangat niya ang kwentas at tinitigan, hindi niya namamalayan na unti unti na palang pumapatak ang kanyang luha.
“Love,” tawag sa kanya ni Red. Nandito kami ngayon sa isang puno ng mangga. Tinawag niya ako kanina at sinabing magkita kami dito. Sa manggang ito nakaukit ang aming pangalan, na siya mismo ang nag ukit.
Nakangiting tumingin siya sa kanya sabay yakap. Hindi kasi namin magawa ang ganito sa loob ng mansyon kasi baka malaman ni lolo. Kapag nasa loob kami ng mansyon, normal ang aming galaw para hindi nila kami mahalata.
Agad na gumanti ng yakap sa kanya si Red. “Kanina ka pa ba? nakangiting tanong ni Red sa kanya.
” Kararating ko lang din love, teka bakit mo ako pinapunta dito. Baka makita tayo nina lolo at nanay emy.” Nag aalalang tanong niya dito.
“Huwag kang mag alala love at umalis si Don Pelipe. Si nanay naman, ay alam na niya na girlfriend kita,” nakangiting tugon niya dito. Na siyang ikinagulat ko
“Bakit alam ni nanay?
sinabi mo...


ba? nag aalalang tanong niya. Baka kasi anong sabihin ni nanay emy at baka magsumbong ito sa kanyang lolo.
” Hey, love, huwag kang mag alala at hindi galit si nanay. Natuwa pa nga pero pinag iingat tayo kay Don Pelipe. Baka daw pagnalaman ng lolo mo, paghiwalayin tayo at baka daw paalisin ako dito sa mansion.” Hinawakan siya ni Red sa kanyang baba at pilit na pinagtama ang kanilang mata.
“Love may ibibigay ako sayo,” wika niya habang may kinukuha sa kanyang bulsa. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Isang kwentas na hugis puso, at sa loob nito ay naka-ukit ang letrang
” N&R” Nilagay niya iyon sa aking leeg.
“Ano ito? bakit may ganito love? Nagtatakang tanong niya kay Red.
Tinitigan siya ni Red ng may pagmamahal at hinalikan sa noo.
” Happy one month love. Hangga’t suot mo ito mararamdaman mo ang wakas na pag-ibig ko sayo.
“Love!, sambit niya at hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya dahil sa sobrang saya. Niyakap niya ng mahigpit si Red.” Thank you love, at mahal na mahal din kita. Niyakap siya ni Red ng pabalik at hinalik-halikan ang kanyang buhok.
Kumawala si Red sa pagkakayakap dito, at hinalikan siya sa labi na agad niyang tinugon.”Huwag mo iyang iwala ha, at saka gusto ko lagi mo iyang suot. Alam mo bang isang buwan kong pinag-ipunan iyan. At isang buwan din akong walang baon,” nakangiting wika niya
“So, kasalanan ko pa ngayon,” nakanguso kong turan sa kanya. Na siya namang ikinatawa nito.”Tawa ka diyan kunin mo ito sa leeg ko at ibabalik ko sayo.”
Pinitik niya ang ilong ko “Aray!, reklamo ko pero lalo lang itong tumawa.
” Kahit kaylan talaga pikon ka, binibiro lang kita. Ang cute mo kapag naiinis ka.” Sabay pisil sa magkabila kong pisngi.
Niyakap niya ako dahil alam na niya na naiinis na ako.” Sana lagi tayong ganito love. I love you,” madamdamin niyang wika.
“I love you too love,” maluha luha kong wika.
“Love, sorry wala akong gift sayo, nakalimutan ko kasi eh.” Wika ko habang nakaupo kami sa upuang kahoy na nasa ilalim ng mangga at nakahilig ang aking ulo sa balikat niya.
“Okay lang love ang importante tayong dalawa.” inangat niya ang baba ko sabay halik sa labi ko.
HALOS hindi makagalaw so Nicole sa kinakatayoan ng makita niya na may kahalikan na iba si Red. At ang masakit pa ay ang kanyang kaibigan.
“Red!, umiiyak na sambit niya sa pangalan ng lalaki niyang mahal.
Lumingon ito banda sa kanya at walang emosyonal na tumingin sa kanya habang hawak ang kamay ng kanyang kaibigan.
Nakayuko naman ang kaibigan niya, hindi nakatingin sa kanya.
” Red bakit? Umiiyak niyang tanong dito. Pero walang sagot siyang nakuha kay Red. Nakatitig lamang ito sa kanya.
” Hindi mo ba nakikita Nicole hindi na kita mahal at kahit kailan hindi kita minahal. Ginamit lang kita para mapalapit ako kay Denise. At nagpagamit ka na… Hindi na naituloy ni Red ang nais na sabihin dahil dumapo na sa kanyang mukha ang palad ni Nicole.
“Ang sama mo!, ang sama mo.” pinagsusuntok na wika ni Nicole si Red.
Nanatili naman si Red na nakatingin lamang sa kanya. Hinahayaan niya si Nicole na pagsusuntokin siya. Dahil alam niya na nasaktan niya ito. Pero ito lamang ang tanging paraan para iwanan siya ni Nicole.
Ayaw niya na masira sa pakiusap sa kanya ng Don. Kaya kahit masakit, sinunod niya ang pakiusap nito.
Halos madurog ang kanyang puso dahil sa sakit na dinulot niya kay Nicole. Gusto niya itong yakapin at sabihin ang totoo pero hindi niya magawa.
“Minahal kita Red, nagtiwala sa pagmamahal mo pero ginamit mo lang ako. Sana maging masaya kayo ni Denise.” umiiyak parin na wika ni Nicole kay Red. Tinaponan muna niya ng masamang tingin ang kanyang kaibigan na ngayon ay nakayuko at umiiyak din.
“Akala ko kaibigan kita iyon pala ahas ka.” galit niyang saad kay Denise. At saka siya umalis sa harapan ng dalawa.
Napakuyom naman ang kamay ni Red at tuluyan nang lumabas ang luha na pinipigilan niya kanina.
“Isipin mo na lang Red na para sa kanya ang lahat ng ito kaya ginawa mo ito. Tapos na ba ang pag papanggap ko? Wika ni Denise sa kanya, sabay hawak sa kanyang kamay.
Tanging pagtango lamang ang sinagot ni Red kay Denise.
” Patawarin mo ako Nicole, pero ito lamang ang tanging paraan para layoan mo ako.” malungkot na sambit niya sa kanyang isipan. Sabay punas sa kanyang mga luha.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top