MY GIRLFRIEND CHEATING ON ME?


MY GIRLFRIEND CHEATING ON ME?
“Love, kung mag kaka anak tayo ilan gusto mo?” I asked my girlfriend Kyla.
Bigla na lamang itong napatawa sa tanong ko.
“Love, I’m serious. Diba i promised to you na ikaw yung babaeng gusto kong makasama habang buhay.” I said.
“Dalawa, isang babae at isang lalaki.”
Humarap ako sakanya at hinawakan ang mukha nito. “I promise you na hinding hindi kita iiwan, I love you Kyla.”
“I love you too.”
————
“Love, alis nako ha bye.” Nagmamadali itong kinuha ang mga gamit niya.
“But love hindi kapa kum-” hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil tuloyan na itong umalis.
This past few weeks palagi nalang siyang busy. Wala na siyang time sa’kin, palagi nalang siyang ganito ni hindi na nga kami nakakasabay kumain dahil wala na siyang oras sa’kin. Sometimes i feel like she’s cheating on me.
“Love, anjan kana pala.” Dali dali ko itong nilapitan at hinalikan sa leeg.
“Ranz, pwedi bang bukas na muna? Pagod na pagod pa’ko.” She said at hinubad ang kanyang jacket tsaka humiga sa kama.
She’s always like this.
Pero bakit? Bakit parang nawawalan na siya ng gana sa’kin? May bago naba siya? Ayaw niya naba sa’kin?
Ngunit hindi ko nalang pinansin yung mga nararamdaman ko.
Not until i saw her kissing another guy…
At ang masakit pa dun ay ex niya yung kahalikan niya.
———
As i was packing my things nakita ko si Kyla na nakauwi na.
“Kukunin ko lang yung gamit ko, huwag kang mag alala, hindi ko na kayo guguluhin.” I said coldly and continue packing my things.
“S-saan tayo p-pupunta?” Nagugulohang tanong nito.
Wow after what she did ang galing parin mag panggap.
“Kyla, hindi kaba nahihiya sa sarili mo?”
“R-ranz, u-usap naman tayo.” Bigla na lamang itong umiyak at tsaka niyakap ako.
“Bitaw.”
“R-ranz wag naman ganito, parang awa mo na. Y-you can’t leave me Ranz. Walang aalis, ayoko. Hindi ka aalis hindi mo ako iiwan! Pagod kana ba sakin?.”
“Manloloko ka Kyla! Huwang kang umarte kung bakit tayo nagkakaganito. Kyla, kailan pa?...


kailan niyo paako ginag*go? T*ngina Kyla mahal na mahal kita tapos ginaganito mo lang ako!.” I said angrily at itinakwil ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa galit na nararamdaman ko ngayon.
“M-mahal din kita Ranz, Hinding Hindi kita lolokohin.” Napaluhod na lamang ito sa harapan ko.
“Wow Kyla, ang galing mo parin mag panggap. You kissed your ex Kyla! Tapos ano? Nag s*x kayo? Ano masarap ba?.”
Ang sakit isipin na yung babaeng mahal mo ay ginag*go kalang. Pinagsisihan kong minahal ko siya.
“R-ranz, l-let me expla-” hindi niya matapos ang sasabihin niya ng pinutol ko ito.
“Wala kanang dapat ipaliwanag Kyla. I regret loving you, I hope you always remember that.”
Tumalikod na’ko at iniwan siya luhaan dun. Naririnig ko parin na tinatawag niya ako pero hindi ko na ito pinansin.
—————
It’s been 8 years.
Nandito ako sa tabing dagat kung saan madalas namin puntahan ni Kyla.
Akmang aalis na sana ako nang biglang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa’kin.
Nang lumingon ako hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit. Si Kyla– my ex girlfriend.
Biglang bumalik ang galit at pang didiri ko sakanya.
“R-ranz, kamusta kana?”
After sa mga ginawa niya may lakas loob pa talaga siyang kausapin ako.
“Why would i answered that question from a cheater.” I said coldly.
Kitang kita ko ang biglang pag lungkot ng mga mukha nito.
“Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa sorry lamang Ranz.”
“Buti alam mo na hindi mababayaran ang sorry mo sa ginawa mong ka gag*han.” Aalis na sana ako ng bigla itong nag salita.
“Wala kang alam sa nangyari.”
“Ako pa talaga yung walang alam Kyla?! Nakita ko mismo sa dalawang mata ko that you cheated.”
Napatawa na lamang ito ng mapait sa’kin. ” Ranz hindi ako nag loko, yung araw na nakita mo akong kahalikan yung ex ko mali ka ng iniisip. He raped me Ranz, ni rape niya ako. I tried to explain pero ayaw mo akong pakinggan. I didn’t cheat Ranz i was raped.”
By : Janin Panganiban






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top