My husband cheater


Kabanata 28

Walang alam si mateo na ang kuya dave niya ang boyfriend ng asawa nitong si zara.
Mula ng makita niya ang asawa. Ginusto nitong puntahan sa kanila upang suyuin ulit. Iba ang utos ng kanyang puso. Nang muli niyang makita ang asawa. Kung dati ay gusto na niyang makipaghiwalay. Ngayon kabaliktaran na. Kaso kabaliktaran naman kay zara. Dahil mula ng makilala at naging boyfriend ang kanyang boss. Nahulog na at napahamal na siya dito. Dahil sa kakaibang dulot ni dave sa kanya. Sa piling nito pinadama niya ang tunay na pag ibig at pagmamahal at pag aaruga, na kahit kailan man ay hindi niya naranasan sa piling ng kanyang asawa.

Minabuti nilang itago kay mateo muna ang kanilang relasyon. Dahil sa pag iwas sa isang matinding eskandalo sa kanilang pamilya.

Sa tuwing pumapasok sa opisina si zara, sa harap ng maraming tao. Hindi masyadong magkalapit ang dalawa. Lalo na kapag nandyan si mateo.

Iginalang naman nina tricia at ethan ang gusto ng dalawa. Dahil sang ayon sila sa gustong mangyari ng dalawa.

Madalas napapansin si elane na tila malamig na ang pakikitungo ni mateo sa kanya. Kaya minsan nagtataka na si elane…

“Hi’ nagluto ako ng paborito mo’ ‘halikana! Ready na ang dinner natin?” Malambing na sabi ni elane sa kanya.
“Sana hindi kana lang nag abala pang magluto.” Malamig na tugon nito.
“Sabihin mo nga sa’akin’ may mali ba akung nagawa?” Singhal nito habang nakapamewang sa harap ng lalaki.

“Wala?” Singhal din niya.
“Halos isang linggo kanang ganyan sa’akin.” Sabi pa nito
“Uuwi na ako.’ Mag usap nalang tayo bukas.” At agad siyang tumayo at tinalikuran ang babae
Habang unti unti naman nalaglag ang kanyang mga luha. Di niya maintindihan kung bakit sobrang lamig na ng pakikitungo nito sa kanya.

Pag alis ni mateo sa kanyang condo. Lahat ng kanyang niluto ay pinagtatapon niya.
“Aahhhhh!!! I hate this ?” Pati mga plato nabasag sa kanyang ginawa habang mag isang nagsisigaw.

“Zara!!!” Tawag naman ni tita lucia sa pamangkin habang nag wawalis ito sa kanilang maliit na bakuran, at nagdidilig pa ito ng mga halaman.

“Tita!!!” Sagot naman niya.
“May bisita ka!” Diko alam kung sino iyan, ikaw ang hinahanap.” Ani ng ginang.
“Zara!” Agad naman tawag sa kanya ni mateo.
“Anung ginagawa mo dito.” Taas kilay niyang sabi, habang kakatapos lang nitong maligo at bumagay ang kanyang suot na bistida na hanggang tuod ang haba. Kung dati ay sobrang taba nito at may bilbil pa. Ngayon ay isa ng napakagandang pilipina….

At hindi niya maiwasan na hindi siya titigan ng asawa. Mula ulo hanggang paa.

“Zara, please mag usap tayo ulit.” Pagsusumamo nito.
Binuksan ni tita ang gate nila para bigyan ng...


daan si mateo.

“Mag usap kayo!? Huwag dito sa may gate. Nakakahiya sa mga kapitbahay.” Sabi pa ni tita

Pagkatapos magtimpla ni tita ng juice, agad din ito bumalik sa labas dahil dipa siya tapos sa kanyang ginawa.

Naka ilang segundo din sila tahimik. Habang nakatitig sa kanya si mateo.

“Gusto ka pala makausap ni inay.” Unang sabi ni mateo sa kanya.
“Hayaan mo at tatawagan ko siya.” Mahinahong sagot naman niya.

Kabanata 29

“Anu pa ang pag uusapan natin mateo.’ May lakad pa ako.” Pagdadahilan niya
“I’m sorry!” Biglang sabi niya dito na ikinagulat naman niya
“Anu? Aniya
“Nagkamali ako,dahil niluko kita.” Ani mateo
“Sa tingin mo ganon lang kadali ang lahat.?” Matigas na sabi niya sa lalaki.
“Mateo, niluko mo ako at ang pinakamasakit sa kaibigan ko pa?” Umiiyak na niyang sabi.

“Handa akung makipag hiwalay sa kanya. Please ayusin natin kung anung mayroon tayo?” Giit pa niya sa babae.

Subalit labis na nasaktan si zara para makipag ayos pa sa asawa.

“Alam mo bang sobrang hirap, na ang asawa mo ay ipinagpalit ka niya sa iyong kaibigan.”Iyak na niyang sabi sa asawa.

“Kaya nga ako humihingi sayo ng tawad! Magsimula tayong muli please zara.” At agad hinawakan sa kamay ang asawa at lumuhod pa ito sa kanyang harapan para lang maka hingi ng kapatawaran.

“Umalis kana mateo, kailangan na natin ayusin ang ating pag hihiwalay para malaya kana.” Tuloy tuloy niyang sabi kay mateo
“Hindi ako papayag na maghiwalay tayo zara.” Sagot nito

Biglang tumayo si zara at pina alis si mateo. Subalit bago umalis si mateo sinabi niyang kahit anung mangyari, di niya pakakawalan ang asawa.

Halos di makapaniwala si elane sa kanyang nakita, dahil lihim niyang sinundan si mateo, at nakita niya si zara sa labas ng pinto.

“Kaya pala’?” Sabi ng kanyang isip ng mapagtanto nitong si zara ang kausap ng katipan.

“Hindi ako makapaniwala na ibang iba na siya kaysa sa dati. Kaya pala ang lamig na ng pakikitungo sa’kin ni mateo?”
Sabi pa niya sa isip nito.

At nang makita niyang paalis na ang bagong sasakyan ni mateo na bigay sa kanya ni ethan. Ay dali dali din pinasundan ni elane sa driver ng taxi ang sasakyan ng katipan.

Bigla naman tumawag si zara kay dave, para ibalita dito na ayaw na ng asawa nitong makipag hiwalay.

Hanggang maari ay ayaw nilang malaman ni mateo ang tungkol sa kanilang relasyon, lalo na ngayon ayaw nang makipag hiwalay ng lalaki.

Si ethan ang nasa gitna ng dalawang magkapatid. Minsan napapansin din niyang tila mainit ang dugo sa kanya ni dave. Subalit palagi niya itong ini-ignore. Madalas hindi sila sabay kumakain, dahil nauuna si dave. Kaya si ethan nalang ang kanyang palaging nakakasalamuha……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top