MY INNOCENT PREGNANT GIRLFRIEND


⚠️This story contain of vulgar words.
Dahan-dahan ko iminulat ang mata ko tsaka ibinaling kay Samantha.
“Babe… Gusto ko ng mangga.”
Naipikit ko ulit ang mata ko tsaka nagtengang kawali.
“Babe! Potangina babe! Gusto ko ng mangga!” Halos marindi ako dahil sa mga sigaw niya.
Agad akong tumayo tsaka inayos ang sarili.
“Nakikita mo ba yung oras? 5:00 o’clock AM palang tapos paghahanapin mo ako ng mangga? Nababaliw kana ba?!”
Nakita ko ang pag-nguso niya na siyang ikinalambot ng puso ko.
Potang— bakit kasi ang cute niya?

Dumaan ang araw pansin ko ang pagiging mahilig niya sa manggang hilaw na may bagoong. Hindi naman siguro buntis ang Girlfriend ko?
Agad siyang napatayo sa harap ng hapag-kainan tsaka dumiretsyo sa banyo. Rinig ko ang pagsusuka niya.
“B-buntis kaba?” Kabado kong tanong.
Tumango s’ya tsaka hinawakan ang tiyan niya.
“Bu—”
“Magiging ama na ako!” Napatalon ako sa sobrang saya tsaka s’ya niyakap.
“H-hindi babe, bu—”
“Wala ng hindi-hindi, magiging ama na ako!”
Buntis na Girlfriend ko. Akala ko talaga baog ‘to eh. Akala ko menopause na kasi mukhang 65 years old na.

“Babe! Ba’t ang lamok?” Tanong ko.
Tinignan niya ako tsaka s’ya tumayo at pinatay ang ilaw.
“Bakit mo pinatay? Eh lalong dadami yung lamok.”
“Relax babe, hindi ka nila makikita sa dilim. Maitim ka remember?”
Kung...


sino man nagbabasa nito paturo paano mag torture ng babaeng buntis.

“Babe, ang sakit ng tiyan ko!”
Napatayo agad ako sa daing niya tsaka s’ya binuhat.
“Babe! Teka lang. Lalabas na ata!”
“Babe, wala pa tayo sa hospital manganganak ka agad?”
Agad akong napahinto sa paglakad ng biglang isang amoy ang nasagap ng ilong ko. Potek.
“Nakalabas din.” Nakahinga s’ya ng malalim dahil sa kung anong kargada ang inilibas niya.
Minsan talaga sarap manaksak ng buntis.

Kahit mag iisang buwan na ang nakalipas nagtataka pa rin ako bakit hindi lumalaki ang tiyan ng girlfriend ko.
Kaya agad akong pumunta sa botika tsaka bumili ng PT para makasigurado ako.
“Babe!” Pagtawag ko.
Agad s’yang lumabas sa kwarto tsaka ako tinignan.
“Ginagamit itong PT para malaman kung buntis kaba o hindi.”
Tumango s’ya sa tanong ko.
“Eh nakita ko na naman buntis na ako. Tsaka hindi iyan ginamit ko.”
Tinignan ko s’ya.
“Eh ano ginamit mo?
Ngumisi s’ya tsaka inilabas ang hawak niya mula sa kaniyang likod.
“Ito.”
Napasapo noo ako ng makita ang Thermometer na hawak niya.
Potang-
“Paano yan? Potek ka!”
“Pinasok ko sa pudai ko tapos nakita ko mataas temperature, ibig sabihin buntis ako.” Ngumiti s’ya sa harap ko.
Ow please! Paano pumatay ng inusenteng babae?!
By Molly Penrose
Follow me for more stories






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top