MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 8


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️
.
CHAPTER 8
.
Hindi alam ni Katelyne kung paano niya haharapin si Alvin, dahil sa nangyari sa kanila ng binata nang nagdaang gabi, halos magtatanghalian nang nagising si Kate dahil sa hindi makatulog sa kakaisip ng mga naganap sa kanila ni Alvin. Lalong lumalim ang paghanga ni katelyne sa binata dahil sa hindi nagawa ni Alvin na kuhanin ang kanyang pagkababae, lalo lang nahulog ang kalooban niya sa binata, at hanggang sa bumangon na ang dalaga sa kama at, nakakaramdam na siya ng hapdi ng sikmura, nagtungo muna siya sa banyo upang maghilamos at magmumog, tulad ng dati wala na naman siyang mga gamit dahil sa naiwan sa bahay na tinutuluyan nila ni Liezel..at hanggang sa lumabas na siya ng kwarto at kahit hindi niya alam kung paano niya kakaharapin si Alvin ay kailangan pa din niyang makipag-usap dito na parang walang nangyari sa pagitan nila..paglabas niya ng pinto ay tanaw na ni Kate si Alvin papaakyat sa taas at mukhang kararating din ito galing kung saan ay hindi niya alam, pero nakita niyang may mga bitbit na paper bag ito, pagkakita pa lang ng dalaga sa binata, ay hindi na malaman ni Kate ang gagawin, lalo na at nakatingin ito sa kanya at nakangiti, tumatalon ang puso ng dalaga sa saya dahil nasilayan na niya ang lalaking kagabi lang ay, magkahinang ang kanilang mga labi.
,
Alvin : hi,(bati niya)..nakatulog ka din ba?
Kate : oo.(nakayukong niyang sabi)
.
Hindi makatingin ng diretso si katelyne kay Alvin, dahil nahihiya siyang makita ni Alvin na nag-ba-blush siya dahil sa mga pagkakangiti nito sa kanya.
,
Alvin : para sayo oh…(sabay abot sa mga paper bag)
Kate : ano yan?
Alvin : mga damit mo!
Kate : mga damit ko? (Inabot ang mga paper bag)
Alvin : oo pinag-shopping kita ng damit para may pampalit ka..
Kate : kadami naman nito, kukuhanin ko nalang sana yong mga damit ko dun sa bahay na tinuluyan nami—-
Alvin : hindi mo na kukuhanin yun, at hindi ka na babalik dun.(putol agad sa sinabi ni Kate)
.
Madiin ang salita ni Alvin na wari ay may galit ito sa tono.
.
Kate : O-okay!!(mabilis niyang sagot)
Alvin : sige, magpalit ka na ng damit at nagpahanda na ako ng lunch natin.
.
Naging mahinahon muli si Alvin.
.
Kate : sige..
.
At bumalik na pumasok si Katelyne sa kwarto, upang magpalit tiningnan niya ang mga laman ng paper bag madaming pares ng damit ang naroon, at meron din uling mga undies na binili si Alvin para kay Katelyne, pinamulahan ng mukha ang dalaga, nakaramdam na naman ng hiya ang dalaga dahil sa mga underwear na pinamili ng binata sa kanya, at ibinukod na nga ni Kate ang mga isusuot niya at pumasok muli siya sa banyo para maligo, nagmadali siyang naligo dahil ayaw niyang paghintayin si Alvin ng matagal, at hanggang sa nakadulog na ang dalawa sa hapagkainan, may nakita si Katelyne na ibang mukha doon. Pero ipinakilala naman ni Alvin ang matandang babae na katiwala roon sa bahay bakasyunan ng binata..at hanggang sa nagsimula na silang kumain, walang imikan ang dalawa habang kumakain, naging mailap ang mga mata ni Katelyne kay Alvin at samantalang si Alvin naman ay pasulyap-sulyap sa maamong mukha ng dalaga, at hindi maiwasang mapasulyap si Alvin sa mga mapupulang labi ng dalaga, na kagabi lang ay sakop niya ang mga labing iyon, na kay lambot at kay sarap na halikan..hindi na naalis sa isip ni Alvin ang mga nangyari sa kanila ni Kate, nakatimo na sa utak niya ang tamis ng mga halik ng dalaga sa kanya, nanghihinayang nga lang si Alvin dahil ang alam ni Alvin ay hindi naman halik ng pagmamahal ang ipinagkaloob sa kanya ng dalaga kundi kabayaran sa mga naitulong niya sa dalaga, mas gusto niya sana kung ang dahilan ng mga halik na iyon ay pag-ibig, di hamak daw sigurong mas matamis at mas masaya sa pakiramdam..at hindi nagtagal ay binasag ni Alvin ang katahimikan sa pagitan nila ni Kate..
.
Alvin : Kate!!
Kate : bakit?
Alvin : Gusto kong ayusin mo ang mga kakailangan mo sa pag-eenrol ng college at mag-aaral ka!
Kate : ha?
Alvin : gusto kong ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo!
Kate : pero wala akong kakayahang pag-aralin ang sarili ko, siguro magtatrabaho nalang muna ako!
Alvin : hindi ka magtatrabaho kate. Ang sabi ko mag-aaral ka..(ma-awtoridad na sabi ni Alvin.)
.
Hindi na nakatanggi si Katelyne kay Alvin na pag-aaralin siya nito.
.
Alvin : sayang naman kasi kong hindi mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo, sayang naman ang pagiging Validictorian mo!
Kate : H-ha paano mong nalaman na Validictorian ako.
Alvin : nagpunta kasi ako sa lugar ninyo pinagtanong kita, nagbabaka-sakali ako na baka makita kita roon.
.
Gulat si Kate sa sinabi ng binata, at may saya sa kanyang puso dahil sa panahon na wala siya ay hinanap pala siya ni Alvin.
.
Kate : N-nag-punta ka sa lugar namin?
Alvin : oo, hinanap kasi kita, kaya nagbakasakali akong makikita kita doon..
Kate : hinanap mo ako? Bakit?
Alvin : nag-aalala kasi ako sayo eh..hindi ko ksi mapapatawad yong sarili ko kung may masamang mangyayare sayo..
Kate : H-ha bakit naman?
.
Natigilan si Alvin hindi niya alam ang isasagot sa tanong ni kate.
.
Alvin : kasi, syempre parang kapamilya na kita, parang kapatid ganun!!
.
Naging malungkot ang kalooban ni Kate dahil ang gusto niya sanang marinig ay dahil mahal na siya nito..
.
Kate : ah, salamat Alvin sa pag-aalala mo ah, utang ko talaga ang buhay ko sayo, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay ka niya sakin.
.
Natigilan si Kate sa kanyang sinabi kaya inulit niya ang kanyang sinabi.
.
Kate : ah ang ibig kong sabihin ibinigay ka niya sakin upang iligtas ako sa kapahamakang nangyayari sa buhay ko. napakabuti mo alvin.
Alvin : wala yun, at may ipapakiusap sana ako, wag ka ng aalis ha, kapag aalis ka magpapaalam ka sakin, para samahan kita sa pupuntahan mo.
.
Masayang masaya si Katelyne sa sinabi ni Alvin, at hanggang sa bumalik na sila Alvin at Kate sa bahay ng binata, tinawagan na lang ni Kate ang celpon number ni Liezel at ibinilin niya ang mga gamit, at sinabi din ni Katelyne na ibigay na lang niya ang kanyang pera sa Kaibigan ng nanay niya na si Edna na nanay naman ni Liezel, at abot abot naman ang pasalamat ni Liezel sa kanya, at pinakiusapan niya si Liezel na huwag nang magtagal pa sa ganoong trabaho..at nangako naman si Liezel sa kanya, na kapag naka-ipon-ipon na ng pera si Liezel ay aalis na din doon at uuwi nalang sa kanila, at samantala naman laking tuwa ni Abby ng makita si Katelyne na kasama ng amo.
.
Abby : Katelyne!!!!!!!!!, (sinugod ng yakap)
Kate : Abby, kumusta na?
Abby : eto mabuti, naku buti naman at bumalik ka na..alam mo bang sobrang nag-alala si sir sa iyo,(napatingin siya sa amo)
.
Pinanlakihan naman siya ng mata ng amo dahil sa dulas ng dila niya..nangiwi naman si Abby dahil narealise niya na masyado naman na siyang madaldal, napakamot siya sa ulo dahil patay siya sa amo dahil sa kadaldalan niya.
.
Abby : namiss kita kate, huwag ka ng aalis ha, pumasok ka na lang katulong dito kay sir Alvin..para lagi tayong magkasama..
Alvin : Hindi siya magkakatulong Abby, mag-aaral siya.
Abby : talaga sir..mabuti pala kung ganun kate.(baling niya kay Kate)
Kate : oo Abby, pag-aaralin daw ako ni Alvin.
Alvin : Oh ikaw Abby baka gusto mo nang mag-aral?
Abby : ay sir naman, kung ginusto ko noon pa sir nong sinabi niong pag-aaralin nio ako, ngayon pa ba kaya eh ang tanda ko na po, para maging High school..
.
Natatawa nalang si Alvin kay Abby, dahil parang nakababatang kapatid na niya ito, anak iyon ng naging yaya niya, nagkasakit lang ang nanay ni Abby hanggang sa namatay, at si Abby na din ang pumalit sa nanay nito.
.
Alvin : ikaw talaga Abby, ano bang nakakahiya roon sa edad mo eh bata ka pa naman, pwede pa naman..
Abby : wala akong hilig sa pag-aaral sir.
Alvin : o sige na, hindi na kita pipilitin, nakaluto ka na ba ng dinner natin?
Abby : opo sir.
Alvin : ayan ka na naman Abby sa opo sir, nagmumukha akong puser sayo eh,,
Abby ; hayaan mo na ako sir at yun na ang nakasanayan ko..
Alvin : hay, ikaw talaga ma’am!!(sabay tawa)
.
Napapakamot ng ulo si Abby, si Kate naman ay natatawa na lang sa mag-amo.
.
Alvin : siya nga pala Abby ipagluto mo kami ng mapupulutan ng mga kaibigan ko, pupunta daw sila dito mamaya.
Abby : opo sir, kakain na po ba kayo ng hapunan?
Alvin : oo, kumain na tayo, at naguton ako sa byahe.
Abby : o sige po sir at ipaghahain ko na po kayo..
Alvin : ah Kate sa guestroom ka uli magkukwarto ha..
Kate : okay, salamat Alvin.
.
Ngiti lang ang tugon ni Alvin, at ang mga ngiting iyon ay ang tumutunaw kay Katelyne,
.
Abby : wow, kakaiba ang mga ngiti ni Sir Alvin, at hanep sa pamumula mo kate.
.
At noon ay natauhan si Kate, naging obvious ang kilig niya, at kitang kita iyon ni abby, samantala naman umakyat muna si Alvin sa kwarto niya upang makapagpalit ng damit, at samantalang si Katelyne naman ay, tinulungan si Abby sa kusina, naghain na sila ng dinner ni Alvin, at habang hindi pa bumababa si Alvin ay pinagtulungan nila ang paghihiwa ng baboy dahil gagawa si Abby ng pulutan ng mga kaibigan ni Alvin..habang abala sina Kate at Abby sa paghihiwa ng baboy ay nagkukwento si Abby.
.
Abby : Alam mo ba, nalungkot si Sir Alvin ng malaman na umalis ka dito.
Kate : talaga!
Abby : oo, kaya nga agad siyang nagpunta sa lugar nio at ipinagtanong tanong ka doon, nalungkot siya ng hindi ka niya nakita. Buti na lang at nakita ka na niya uli ngayon.
Kate : alam mo abby sa ikalawang pagkakataon iniligtas na naman ako ni Alvin. Mabuti na lang at napadaan si Alvin na kung saan ay hinahabol ako ng rapist..
Abby : ano napagtangkaan ka nanaman ng masama!
Kate : oo Abby, ewan ko nga ba, mabuti na nga lang at nandiyan si Alvin palagi na nag-liligtas sakin.,hiyang hiya nga ako kay Alvin, dahil sa kanya hindi natuloy ang kasal nila ng girlfriend niya, nalagay tuloy siya sa kahihiyan.
Abby : hindi ah, si Erica ang naglagay sa kanya sa kahihiyan, bruhang babae na yun! Mabuti na nga yun at hindi natuloy yong kasal nila, kung sakaling natuloy ay hindi ako mapipigilan ni sir Alvin aalis na ako dito, kaya buti na lang at nagkatagpo kayo ni sir..Alam mo ba baka kaya hindi sila natuloy na magpakasal ay baka hindi talaga sila para sa isat isa, baka may ibabg nakalaan na babae para kay sir Alvin, baka ikaw yun Kate!! Kasi bagay kayo ni sir(kinikilig na sabi)
.
Nangiti si katelyne sa sinabi ni Abby, at pinamulahan ng mukha, kinilig din si Kate sa isiping sana nga ay magkaganoon nga, dahil si Alvin ay ang kanyang Knight in shining Armour, nariyan si...


Alvin sa tuwing nalalagay siya sa alanganin, at sa may di kalayuan ay nakikinig si Alvin sa usapan ng dalawang babae, natuwa si Alvin sa narinig niyang sinabi ni Abby, at gustong malaman ni Alvin ang magiging reaksiyon ni Katelyne.
.
Kate : naku abby, hindi naman siguro, at hindi pwedeng mangyari yun.
.
Nalungkot si Alvin ng marinig niya ang sagot ni kate kay Abby.
.
Abby : at bakit hindi?
.
at nagulat si Alvin sa kanyang pinagkukublihan at nag-ring ang phone niya, at ganun din ang dalawang babae na nag-uusap, nahinto na ang paguusap nila dahil alam na nilang naroon na sa baba si Alvin..sinagot ni Alvin ang phone niya at si Marlon ang tumatawag sa kanya. At nang matapos ang paguusap ng magkaibigan sa celpon ay, inaya na niyang kumain ang dalawang babae.
.
Alvin : kumain na tayo, at mamaya lang ay nandito na yong tatlo kong kaibigan.
Abby : opo sir.
.
At dumulog na si Alvin sa lamesa, nagtataka si Alvin bakit iisang plato lang ang naroon, at para sa kanya lang.
.
Alvin : bakit, plato ko lang ang nandito?
Abby : eh kasi sir sa akin na lang daw sasabay kumarin si Kate.
Alvin : sabay sabay na lang tayo, para may kasama akong kumain.
Kate : sige abby sumabay na tayong kumain kay Alvin..
Abby : ay naku, ayaw ko ngang kasabay si Sir hindi ako mabubusog, gusto ko kasi nakakamay ako kapag kumakain…sige na kate sabayan mo na si sir Alvin at ipagpapatuloy ko yong hinihiwa ko dun..at saka busog pa kasi ako eh, kaka-merienda ko lang nong dumating kayo..
Alvin : halika na kate sabay na tayong kumain, hayaan mo na si Abby at ganyan talaga yan, pagsinabi niyang ayaw, ayaw niya talaga.(nakangiti niyang sabi)
.
At sa pagkakangiti ni Alvin kay kate ay natataranta ang puso ng dalaga, bumibilis ang tibok nito. Tumayo si Alvin sa pagkakaupo at pinaghila niya ng bangko si Kate para makaupo..hindi pa makatingin ng diretso si Kate kay Alvin, dahil sa nangyare sa kanila ng binata..at hanggang sa nakatapos na silang kumain, hindi na tinawag ni Alvin si Abby para ligpitin ang mga pinagkainan dahil nagprisinta na si Kate ang magligpit noon, at tinulungan naman siya ni Alvin.
.
Kate : ako na ang magliligpit huwag ka ng tumulong.
Alvin : hindi okay lang, wala naman akong gagawin eh.
.
At namangha pa si Abby ng makita niyang nagliligpit ng pinagkainan ang amo..nangingiti ito at tumitingin sa dalawa, at samantalang si Kate naman, ay hindi malaman ang ginagawa dahil natataranta siya dahil nagkakasagian pa sila ng kamay ng binata,..at nang idadala na nila sa dirty kitchen ang mga plato upang hugasan ay nagkunwari si Abby na hindi niya alam na nakatapos na silang kumain.
.
Abby : ay tapos na po pala kayo sir kumain.
Alvin : opo ma’am..
Abby : o sige hugasan mo na yang pinagkainan Alvin, siguruhin mo lang na walang sebo yan, kundi ipapaulit ko sayo yan ha Alvin!!…joke lang po sir…(biro niya sa amo)
Alvin : opo ma’am abby.
Abby : sir joke lang naman sir, sige po ako na po ang bahala diyan, pahinga na po kayo sir alvin, at isama nio na po si Kate.
Kate : Abby ako na ang mag-huhugas..
Alvin : oo abby kami na, tulungan na kitang maghugas Kate..
Kate : huwag na, ako na lang madudumihan ka..
Alvin : hindi, okay lang..
Kate : marunong ka bang mag-hugas ng plato?
Alvin : oo naman, anong akala mo sakin hindi?
Abby : oh sige bahala kayo diyan(bulong niya)
.
Si Alvin ang nanguna sa paghubugas ng plato, kinuha ang sponge at pinatakan ng madaming dishwashing liquid. at saka piniga piga sa mga plato na may tubig hanggang sa halos bula na sa lababo dahil sa dami ng inilagay na dishwashing liquid, umaapaw ang mga bula sa mga plato, halos di na makita ang mga plato sa lababo dahil sa puro bula sa kagagawan ni Alvin.
.
Kate : ayan, sabi mo marunong kang maghugas ng plato ayan umaapaw na yong bula, madami ka kasing nilagay na liquid..
Alvin : okay lang yan, masarap mag-urong kapag madaming bula..(nagsimula ng maghugas ng plato)
.
Kate : grabe ka naman, naglalaro ka naman eh..
.
Nagtatawanan ang dalawang babae dahil nilalaro ni Alvin ang mga bula.
.
Kate : hoy Alvin huwag kang maglaro, para ka namang bata eh.
Alvin : sarap kayang maglaro.
.
Kumuha ng bula si Alvin at ipinahid sa mukha ni Kate..
.
Kate : ah ganun ha..
.
Kumuha din si Kate ng bula at inilagay din niya sa mukha ni Alvin, nagpahiran na ito ng bula, samantalang si Abby naman ay halos mamatay sa kakatawa, at hanggang sa nagpabula pa si Alvin at nilagyan din si Abby..
.
Abby : sir naman bakit pati naman ako nasali diyan.
Alvin : oo ah, alangan naman na ikaw lang ang wala at kami lang ang meron..
Abby : ah ganun ba sir.
.
Tumayo si abby at kukuha ng bula, dalawang kamay ni abby ang bula, para ipahid sa dalawa, at dahil gustong iwasan ng dalawa si Abby ay nagmadali silang tumakbo para layuan si Abby, at sa pagmamadali ng dalawa ay nadulas si Alvin dahil sa madulas ang sahig, at hanggang sa nadamay si Kate, kaya ngayon ay magkadagan sila na bumagsak sa sahig, nasa ibabaw ni Alvin si Katelyne at nanlaki ang mga mata ni Katelyne dahil nakadampi ang mga labi niya sa labi ng binata, hindi siya nakakilos agad dahil parang huminto ang mundo ng dalawa, si abby naman ay kilig na kilig sa amo at kay Kate, tuwang tuwa si Abby sa ayos ni Alvin at kate, nagulat na lang sila ng biglang may magdoorbell, noon lang nakakilos ang dalawa..
.
Abby : tuloy nio lang yan at ako na titingin sa nag doorbell.
.
Mabilis na kumilos ang dalawa, hiyang hiya si Kate ng mga oras na yun dahil naramdaman na naman niya ang mga labi ni Alvin, at ganun din si Alvin, bumilis ang tibok ng puso ng binata, at pinagpatuloy niya ang paghubugas ng plato. At hanggang sa Hindi nagtagal ay dumating na ang mga kaibigan ni Alvin, ipinagbukas ni Abby ng gate ang mga kaibagan ng amo..pagkapasok ng mga kaibigan ni Alvin sa bahay, ay tuloy tuloy ito sa kusina kung nasaan si Alvin..at namangha sila at nag-huhugas ng plato ang kaibigan nilang si Alvin..
.
Marlon : pare Alvin, kelan ka pa naging dishwasher?
Garry : wow pare, di namin alam na marunong ka sa gawaing bahay.
Brando : oo nga..
.
Nahiya naman si Katelyne sa mga kaibigan ni Alvin..naaalala pa ni Kate nang una niyang makita ang mga iyon, ang nasa isip ni kate ay mababang uri ang tingin sa kanya ng mga kaibigan ng binata.
.
Marlon : pare ipakilala mo naman kami sa kanya..(ang tinutukoy ay si Kate)
Alvin : ah kate ang mga kaibigan ko sina Marlon ang Astig samin, si Garry ang playboy sa aming magkakabarkada, at si Brando ang Maangas sa amin..
Garry : pare Alvin naman, sinisiraan mo naman ako kay kate..
Marlon : kate alam mo ang goodboy naman sa amin ay si Alvin..
Alvin : salamat pare marlon!
Brando : Kate, pasensiya ka na pala sa amin noon ha, hindi kasi namin alam eh, kung alam lang namin noon na hindi ka pala ganun di sana noon palang ay kinontra na namin si Jessie na bayaran ka sa baklang si Maria..
Garry : oo nga, at buti na lang at si Alvin ang nakatagpo sayo..
Brando : oo nga, kasi talagang mabait si Alvin, hindi siya katulad namin..
Kate : wala yun, sobra nga akong nagpapasalamat kay Alvin..
Marlon : ay wala akong masasabi jan sa kaibigan naming iyan, sobrang bait.
Garry : at hindi mapagsamanatala yan, katulad namin..
Alvin : kayo naman mga pare dina-down nio naman yobg mga sarili nio, mababait din naman kayo ah…
Marlon : si Garry lang ang mapagsamantala sa aming magkakaibigan..
Garry : walang hiya naman pare oh, walang ganyanan.huwag kang maniwala sa kanila kate..
.
Nagtatawanan ang magkakaibigan, at lalo na si Alvin, kasama na naman niya ang mga makukulit niyang mga kaibigan, at hanggang sa nagkayayaan ang magkakaibigan sa pool ni Alvin, at ibinilin ni alvin kay Abby na doon idala ang mga pulutan nila sa may swimming pool nila at doon sila mag-iinuman ng mga kaibigan niya..nagtungo na nga ang magkakaibigan roon,..at si Abby ay abala na sa paggayak ng mga pulutan ng magkakaibigan, katulong niya si Kate, nagprisinta si Kate na siya na ang magluluto ng mga iyon, dahil natuto naman si Kate ng pagluluto sa nanay niya, umi-ekstra kasi yong nanay niya sa pagkukusinera, tumutulong si kate sa pagluluto kapag wala siyang pasok, at ganun din sa paglalabada ng nanay niya tinutulungan niya ang nanay niya kapag walang pasok, kaya sanay siya sa mga gawaing bahay, pati pamamalantsa alam niya din… Samantala naman ang magkakaibigan ay habang hinihintay nila ang pulutan ay nagsipagtalbugan muna sila sa swiming pool. Si Alvin naman ay wala siyang balak maligo dahil napagod siya sa byahe at baka sumama lang ang pakiramdam niya kaya pinanunood niya lang ang mga kaibigan..at hanggang sa dinala na nila Kate at Abby ang mga inumin at pulutan ng mga magkakaibigan, tuwang tuwa naman si Abby na magtungo roon dahil crush niya si Brando..at inilapag na nila kate at abby sa may malaking cottage ang mga dala dala nila, si Abby naman ay abot ang tingin sa binatang si Brando na naliligo sa may pool.
.
Alvin : Abby, yong mga mata mo ha, magkaguliti ka kakatingin mo kay Brando..
Abby : ikaw naman sir, huwag kang maingay!!
Alvin : aba, mukhang masarap yong niluto mo abby ah, at ang bango naman nito..(pulutan ang tinutukoy nito)
Abby : ah sir si Kate ang nagluto niyan.
Alvin : ganun ba!
Abby : opo sir.
Alvin : salamat kate ah.
Kate : wala yun, sige pasok na kami sa loob..
Alvin : sige, salamat uli ha!
Abby : mamaya na tayo pumasok, masarap ditong tumambay.
Alvin : pumasok na kayo Abby, at magpahinga ka na, at baka napagod kang magtrabaho..
Abby : baka kasi sir may iuutos ka pa eh..
Alvin : wala na sige na, ako nalang ang bahala dito, pahinga na kayo..
Abby : ay sayang naman!!
.
At pumasok na nga ang dalawang dalaga, gusto pa sanang tumambay ni Abby roon ngunit pinapasok na sila ni Alvin.,at nagtuloy na nga si Abby sa kanyang kwarto at ganun din si Kate nagpunta na din siya sa guest room..at samantalang ang magkakaibigan ay inumpisahan ng mag-inuman.
.
Marlon : aba, marunong ng magluto si Abby ah, tama na ang lasa ng niluto niya, hindi maalat at hindi matabang, tamang tama lang..
Alvin : si kate daw ang nagluto niyan sabi ni Abby..
Marlon : ganun ba?
Garry : oo nga masarap nga. At saka crispy siya ha..
Brando : oo nga ang sarap ng pagkakatimpla sa pork sisig na ito…
Alvin : mga pare bakit wala si Jessie, katagal na niyang di nagpaparamdam..
.
Nagkatinginan ang tatlo, hindi nila alam kung sasabihin ba nila yong nalaman nila tungkol kay Jessie…
.
Ano kaya ang tungkol kay Jessie..
Itutuloy..






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Next po

  2. next Po?

  3. Next po

Leave a Reply


top