MY POSSESSIVE BROTHER CHAPTER 2


MY POSSESSIVE BROTHER ( SEASON 2 )
CHAPTER 2
YAWN’S P.O.V
Nasa library ako nang mabungaran ang crush ko kasama ang mga friends nito, feel ko gaganda na naman ang araw ko nito.
Nakangiting nilapitan ko sila.
“Hi, girls”, bati ko, agad naman na pumako ang tingin sakin ni megan.
“Yawn? ow my gosh, you’re here. What are u doing here, wala ka bang pasok?”, sunod sunod na tanong nito.
“Relax babe, isa isang tanong lang. By the way, vacant namin ngayon, so pumunta ako sa room nyo but i can’t see you there kaya nagpasya akong pumunta rito dahil i know na bookworm ka and guest? hindi nga ako nagkamali”, natatawang ani ko.
Natawa naman ito.
“Owh, you’re so gentleman”, nakangiting ani nito.
Naupo ako sa upuan na kaharap lang din sa kanya, kinikilig naman na inaasar sya nang mga kasama nya.
“Ahemm, we think kailangan nyo muna nang privacy kaya megz, alis na muna kami hah. Enjoyyyy”, ani ni kate at siniko pa nito si megan.
Pinanlakihan sya nang mata ni megan at humagikhik namang umalis ang dalawa.
“Ahmm, megz i brought you something”, ani ko at kinuha ang maliit na box sa bulsa ko.
“Here, open it”, ani ko.
Nanlaki ang mata nito at di makapaniwala nang mabuksan ang box.
“Ghad! seriously, para sakin to?”, hindi makapaniwalang ani niya.
“Of course. Binili ko yan para sayo dahil alam kong matutuwa ka. Give it to me, ako na ang maglalagay sa leeg mo”, ani ko.
Tumayo ako at kinuha ang kwentas sa kanya.
Nagmall kasi kami nila mom noong nakaraang linggo, sinadya ko talagang bilhin to para kay megan, matagal ko na syang gusto. In fact, nanliligaw na nga ako sa kanya pero sa dalawang bwan ko nang panliligaw hindi nya pa ako sinasagot.
Naiintindihan ko naman sya dahil alam kong pareho pa kaming busy sa pag aaral, and i’m willing to wait.
“Wow, its so beautiful. Thanks yawn”, nagulat pa ako nang yakapin ako nito.
Ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko, hindi ko na naman maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang maghiwalay ang yakap namin.
“Do you like it?”, tanong ko.
“Of course, thank you so much talaga hah, iingatan ko to”, masayang ani nya.
Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Geh! ingatan mo yan tulad nang pag iingat ko sa’yo.
Inihatid ko ito sa classroom nya, tulad nang dati tinutukso na naman kami nang mga kaklase nya.
Feel ko nga eh, parang magjowa na kami kasi lahat nang ginagawa nang magjowa ay ginagawa na namin.
Pero willing naman ako mag antay dahil alam kong darating ang panahon na sasagutin nya rin ako.
Matapos ko syang maihatid ay nagpasya na akong magtungo sa classroom ngunit sa kasamang palad, mukhang makakasalubong ko na naman ang nerd na tinulungan ko kanina.
Nilagpasan lang ako nito ngunit paglagpas nya ay di sinasadyang naapakan nya ang balat nang saging.
“Waaaaaaa”, agad akong lumapit sa kanya at sinalo sya.
Nagtama ang paningin namin, sobrang lapit nang mukha nya sakin, hindi ko alam pero nakukuryente ako sa paglapat nang mga balat namin.
Hindi ko rin maipaliwanag ang sobrang bilis nang tibok nang puso ko, ang bawat tingin nito ay parang hinihigop ang mga mata ko, may kung anong parte rin sa utak ko ang nagsasabing halikan ang mapupula nitong labi.
Agad akong nabalik sa ulirat nang bigla itong tumayo, pinagpag muna nito ang uniporme nya at kinuha ang mga gamit nyang nahulog.
“S- salamat”, ani nya at mabilis na umalis.
Gusto ko syang sundan pero parang napako sa lupa ang mga paa ko.
Anong nangyayari sakin?
“Bro? huy bro”, gulat na tiningnan ko si dark na ngayon ay nasa harapan ko na.
Shit, nakita kaya nila?
Paniguradong tutuksuhin na naman ako nang mga kumag.
“What?”, inis kong tanong.
Kinakabahan ako, sana hindi lang nila nakita.
“Tulala ka, anong nangyari sayo?”, natatawang tanong ni dark.
“H-hah? ah w-wala”, ani ko at iniwas ang paningin ko.
“Tapos ngayon naman nauutal ka, sabihin mo nga sakin, ilang dosage nang drugs ba ang nasinghot mo?”, natatawang tanong nito, nakisabay na ring tumawa si zeus sa kanya.
“Anong drugs ba pinagsasabi mo? tadyakan kita dyan eh” inis kong ani at nagsimula nang maglakad patungong classroom.
Nakakainis naman, bakit ba kasi palagi nalang nagkakasalubong ang landas namin nang babaeng nerd na yun?


/> “Bro, where are you going?”, pahabol na sigaw ni dark.
“Sa classroom”, sigaw ko ngunit hindi sila nilingon.
“Hhahahha, wala na tayong pasok. Remember? hapon na dudez, wala si sir ngayon dahil vacant”, sigaw ni zeus, at sabay silang tumawa ni dark.
Damn! ganito na ba ako kalutang ngayon? anong nangyayari sakin?
Hindi naman ako nagkakaganito dati ah! inis na huminto ako at binalingan nang tingin ang dalawa na ngayon ay tawa nang tawa.
“Sabi na eh, nagdadrugs ka eh”, natatawa pang ani ni zeus.
“Fuck you”, nilagpasan ko na lamang sila at dumiretso sa parking lot para antayin si dad. Nagtext kasi ito na susunduin nya ako.
Breath’s P.O.V
Hello po! hehe, my full name is Breathanny chantel del valle, ang haba noh?
Ewan ko nga sa nanay ko bakit ganyan kahaba ang ginawa nyang pangalan.
By the way, sad to say. Matagal na silang wala, i mean is matagal na silang wala sa world, kasi nasa heaven na sila.
Namatay daw sa breast cancer ang nanay ko at ang tatay ko naman ay nakakulong dahil sa may nagawa itong kasalanan. Bata pa lang ako nang iwan nila ako sa tiyahin ko, si tiyay na ang nag alaga sakin.
Sya na rin ang nagpapaaral kaya ang ginagawa ko ay tinutulungan sya sa karinderya nya tuwing sabado at linggo.
Mabuti na lamang at mabait si tiyay, kung tutuusin close nga kami eh. Hindi nya lang talaga maiwasan ang magbiro minsan at kung hindi ka pa nasanay ay baka mapikon ka sa biro nya o di kaya ay sasama ang loob mo.
“Breathe, aba! maaga na at natutulog ka pa dyan, bumangon ka na at tulungan mo akong magbukas nang karinderya. Aba ang batang ito, kung makahilata akala mo prinsesa”, napatakip na lamang ako sa tenga dahil sa ingay ni tiyay belen.
“Huy breathe, babangon ka o sisirain ko tong pinto nang kwarto mo?”, sigaw na naman nya at halos masira na ang pinto ko dahil sa lakas nang pagkakakatok nito.
“Sirain nyo nalang ho este babangon na ho”, ani ko at mabilis na bumangon at nagtungo sa cr para maligo, mahirap na baka tutuhanin nito ang sinabi nya, mawalan pa’ko nang pinto nang kwarto.
Matapos kong maligo ay tanging bistidang manipis na lamang ang isinuot ko, binlower ko lang sandali ang buhok ko at nilugay lang ito.
Isinuot ko ang salamin ko at agad na bumaba.
Naabutan ko si tiyay na nagseserbe sa mga kostumer, marami rami na rin pala ang mga kumakain ngayon. Alas syete pa nga lang nang umaga.
“Ako na ho dyan tiyay”, ani ko at inagaw sa kanya ang tray na may lamang pagkain.
“Aba, mabuti naman at bumaba ka na. Tatapunan pa sana kita nang tubig dun kung hindi ka pa bumangon”, sermon nito na nakataas ang kilay.
Ganyang ganyan yan si tiyay, akala mo galit yan pero ang totoo nagbibiro lang yan. Mukhang dragon nga lang ang mukha pag nagbiro.
“Tiyay naman, wag naman kayong sumigaw riyan, baka akala nang mga kostumer eh, nang aaway kayo”, ani ko.
Nagsitinginan kasi samin ang mga kumakain nung sumigaw si tiyay.
“Oh eh, bakit? totoo naman ah”, taas ang kilay na ani nito.
“Oo na nga ho, kaya ikalma mo ‘yang puso mo, may likod ka pa”, natatawa kong ani.
Aktong sisikuhin ako nito nang makailag ako.
Napagod ako nang sobra sa araw na yun dahil sobrang dami nang kostumer namin, kaming dalawa lang kasi ni tiyay. Sya ang taga lagay nang pagkain sa plato at ako naman ang taga serbe, bwenas naman at nandyan si aling bebang na taga hugas nang mga plato dahil kung wala, naku kaming dalawa ang mano manong maghuhugas nun.
Baka nga abutin pa kami nang umaga sa dami nang huhugasan, sa twing sasara kami nang kainan ay inaabutan naman ako ni tiyay nang 500, pero kung kukunti lang ang kumakain ay 300 minsan naman ay 200 pero okay lang yun, pinagkakasya ko namang allowance sa loob nang isang linggo ang perang bigay nya sakin.
May naipon na rin akong pera in case of emergency, o sa mga bagay na gusto kong bilhin. Sagot kasi nang school ko ang mang matrikula dahil isa akong schollar.
Matapos kong mag ayos nang kainan ay nagpasya na akong umakyat sa kwarto ko, pagod na pagod na isinalampak ko ang katawan ko sa kama.
Ilang sandali lang ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
— Blythe ✍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top