My sweet surrender Chapter 1


My sweet surrender
Chapter 1
“Go on now go, walk out the door. Just turn around now, ‘couse you’re not welcome anymore… ”
“Naku, Margaret, maghunusdili ka, anak. Huwag kang kumanta sa harap ng kalan. ”
Nilingon ni Margaret ang sumaway sa knya na c manang thess. Matagal na nila itong cook sa restaurant. Ibinaba nya sa kawaling pinaglulutuan nya ng kalderetang baka ang sandok na kanina ay ikinukumpas-kumpas Pa nya habang kumakanta.
Tumaas ang isang kilay nya. Ipinagbabawal na rin ba ng tita Lolita nya na kumanta kapag nsa kusina?
Sobrang estrikta ang madrasta nya. Kahit sya mismo ay hndi nito pinapayagan na hndi magsuot ng net sa buhok kpag nsa restaurant. Kunsabagay, para din naman sa kalinisan at kaayusan ng restaurant iyon.
Pero ang pagkanta? Ano ang konek?
“Bakit na naman, manang? “Nakakunot – noong tanong nya.
Alam nyang hndi kagandahan ang boses nya pero nakagawian na nyang pantanggal ng inip ang pagkanta, lalo na kpag hinihintay nya na kumulo ang sinasaing nya o kaya ay nagpapalambot sya ng karne. Ngunit ngaun, pakanta-kanta sya ung kahit paano ay aliwin ang sarili.
Sa kasamaang-palad kasi, nawalan sya ng trabaho. Huling araw na ng pasok nya noong biyernes. Binili ng isang mas malaking kompanya ang pinapasukan nyang food and beverage company. OK na sana ang sahod nya roon bilang administrative assistant, pero sa kasamaang palad, isa sya sa mga minalas na hndi na- retain. But just like the song, she will definitely survive. Pasasaan ba at makakahanap uli sya ng trbho. Pero sa ngaun, habang tambay sya, kailangan muna nyang tumulong sa restaurant nila na pinamamahalaan ni tita Lolita.
“Makkapag asawa ka ng matanda, “ani manang thess.
Lumabi sya. “Sus, pamahiin na naman, “aniya. Paano sya makakapag aswa ng matanda, Wala naman syang boyfriend na matanda? Besides, sa edad...


nyang beinte-singko ay hndi Pa sya nagkaka boyfriend. Masyado kc estrikto noon ang daddy nya kaya hndi nya pinapansin ang mga lalaking nagpapalipad hangin sa knya. Ng mamatay ang daddy nya tatlong taon na ang nakakaraan, hndi na rin nya napagtuunan ng pansin ang pakikipag relasyon dahil napakalaking responsibilidad ang naiatang sa mga balikat nya. Lahat ng oras at atensyon nya ay ibinuhos nya sa paghahanapbuhay.
Sa pagkaalala sa ama, parang my dumagan sa dibdib nya. Napakarami nitong naiwang utang dahil nalulong ito sa sabong. Halos lahat ng sweldo nya ay napunta sa pagbabayad ng interes nga mga utang nito. Araw-araw ay my pumumuntang tao sa kanilang restaurant para maningil. Doon din tumatambay ang mga pinagkakautangan ng kanyang ama na halos lahat ay mga sabungero din gaya nito.
Gustuhin man nyang isumpa ang sabong dhil iyon ang dahilan kung bakit nagkandaletse-letse ang buhay nila, hndi nya magawa. Ang restaurant kc sa loob ng sabungan ang tanging pinagkakakitaan nila. Di-hamak na mas malaki ang kita roon kaysa kung magtatayo sila ng maliit na restaurant sa isang mall. Triple Pa ang halaga ng mga pagkain nila roon kompara sa isang karaniwang kainan. At dahil my Derby raw ngaun, pihadong malaki na naman ang kikitain nila.
Nang mahango nya ang niluluto, sumilip sya sa kainan upang tingnan kung marami ng kostumer. Mangilan-ngilan Pa lng ang mga nakaupo sa mesa. Namataan nya ang tita Lolita nya na my kausap na my edad na lalaki. Hindi nya naririnig ang pinag- uusapan ng mga ito ngunit tila nakikiusap ang tita Lolita nya rito.
Napabuntong-hininga sya. Cgurado sya, isa ang matandang lalaking iyon sa mga pinagkakautangan ng daddy nya. At malamang na ginigipit na nito ang tita Lolita nya kaya ganoon na lng kung makiusap ang madrasta nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top