Pagbaba namin agad ni emma sa tricycle ay agad ako hinila ni emma,papunta sa kakahuyan sa likod na eskwelahan namin.
Habang naglalakad kami ay kita na namin ang mga estudyante nag umpukan roon.
Titingin sana kami ni emma kung anong nangyari.
Nang bigla akong hinawakan ni mon,sa braso.
Thaliyah wag kang lumapit doon sabi ni mon sakin,habang halatang malungkot ang mga mata nito..
Thaliyahh si Lesley sigaw ni Emma.
Kaya dali dali kong kinuha ang pagkakahawak ni mon sakin para makalapit ako.
Nakita ko nga si Lesley hubo’t hubad na nakahiga at daming pasa ang katawan nito na wala nang buhay..
Sa nakita ko ay napaatras ako at nanghina sa takot kaba at pagtataka.
Dahil napansin ko rin sa kamay ni mon,na maraming gasgas at damit niyang madumi.
Lumapit ako kay mon at tiningnan siya.
Mon,anong nangyari kay Lesley? Maluha luha kung tanong kay mon dahil kinakabahan ako kung ano ang isasagot niya..
Hindi ko alam thaliyah,hindi ko alam.
Agad na sabi sakin ni mon at yumakap sakin nang mahigpit.
Thaliyah naniniwala ka sakin diba,tanung ni mon sakin habang nakatitig sa mga mata ko..
Dahil mas nangingibaw ang pagmamahal ko kay mon,ay binalewala ko ang takot at pagtataka...