Alas singko na nang hapon at labasan na nang mga estudyante.
Kaya si mon,hinihintay si Thaliyah na lumabas atras abante ang lakad nito.
Habang naghihintay sa gate,dahil di talaga siya mapakali,bakit biglang ganun na lang ang pakitungo ni thaliyah sa kanya.
Gusto niyang tanungin kung may nagawa ba siyang mali.
Pero napansin ni mon,na kumukunti na lang ang estudyante sa loob nang eskwelahan.
Pero bakit di parin lumalabas si Thaliyah.
Nang makita niya ang kaklase ni thaliyah at tinanong ito.
Miss diba kaklase mo si thaliyah,bungad na tanung ni mon.
Andun pa ba sa room niyo si thaliyah?
Wala na maaga umuwi si thaliyah,pagkatapos kumuha nang exam ni thaliyah ay nagpaalam narin sa guro namin kung pwede ba siyang umuwi nang maaga,pinayagan naman siya agad.
Ok,ok thank you mabilis na sabi ni mon.
Ano kayang nangyari kay thaliyah,may ikinagalit ba siya sakin.
Iniiwasan ba niya ko,o may sariling problema.
Ano naman kaya yun,laman nang isip ni mon.
Habang nagmamaneho nang BMW na motorcycle niya.
Nakahiga ako sa kama laman parin nang isip ko si emma.
Kung ano nga bang gagawin ko para makatulong kay pinsan.
Hindi pwedeng maging mabagal ako sa pag iisip kung anong pwedeng gawin,nanganganib ang buhay nang pinsan ko.
Nang makaisip ako nang paraan,tama mag pa print ako nang flyer at ipamimigay ko sa school baka may kunting mag abot nang tulong para kay emma.
Alas singko pa nang umaga dali dali akong bumangon sa narinig ko.
Bilisan mo diyan sira, kailangan puntahan agad natin ang ate mo,boses ni uncle meng na ama ni emma..
Bakit anong nangyari meng,tanung ni mama na andun pala sa sala nagluluto nang almusalin namin.
Mahina daw pulso ni emma te,maluha luhang sabi ni uncle meng.
Nung marinig ko yun dali dali akong nagbihis pra puntahan din si emma sa ospital.
Tumakbo akong bumaba nang hagdan para maabutan ko pa sana sila uncle meng dahil may trycicle ito.
Dahil pag ganitong oras wala pang nadadaan na trycicle sa lugar namin.
Ngunit di ko na naabutan,dahil sa gusto ko makita pinsan ko tinakbo ko nalang ang ospital kahit medyo malayo pa ito.
Diko na alintana yun,basta ang mahalaga makapunta agad ako kay emma.
Pagdating ko nang ospital hingal hingal akong,napahinto dahil may batang lumapit sakin.
Nagtitinda nang sampaguita,rosario at bracelet na may sign of kruz.
Bumili ako nang isang bracelet ibibigay ko kay emma,kahit diko pa alam kung ano na nangyari sa kanya.
Dahil nasa harap lang nang ospital ang simbahan.
Pumasok muna ako nang simbahan at nagdasal sa kalagayan nang pinsan ko.
God pwede po bang wag niyo muna kunin si emma,marami pa kaming mga pangarap.
Gusto ko tuparin ang lahat nang iyon na kasama siya,nakikiusap ako sa inyo...