NAGKA-BF NANG HND INAASAHAN


Hi😊 hope na mag enjoy sana kayo sa pagbabasa…so ayan my name is angelica but you can call me ‘angel’..
Hnd sa pagmamayabang matino po akong mag aaral ng antipolo..President at always top 1..(kaya ko sinasabi yan kase may nagawa akong di maganda na hnd inaasahan ng lahat) so atyn tingin ng mga teachers and classmates ko matino ako kaya hnd nila inaasahan na magagawa kong maglayas..opo naglayas po ako samin, nakatira po kase ako sa tita/tito ko…oo hnd ako nakatira sa totoo kong magulang kase bata palng ako hnd ko na sila nakita at nakasama, iniwan nila ako sa lola ko at nagpalipatlipat para lng makapag aral hanggang sa mapunta ako dto sa antipolo..dto na ako nag aaral…grade 8 po ako(2018-2019)..malapit na ang bakasyon tapos dun dumating yun time na nagkajowa na ako syempre naging distructive sya sakin..dumating yung time na napapagalitan na ako ng mga teacher at tita ko kase puro cellpone nalng hawak ko kase ldr din kami at bumaba yung ibang grades ko…una palng lagi na kaming nag aaway .yung para bang lagi syang may dalaw(regla) pero lagi ko syang iniintindi at yun na nga dumating na sa point na di ko na kaya kase sira na pag aaral ko ..sinabi dn nya na cool off daw muna kami pero di ako pumayag kaya ang sabi ko mas mabuting BREAK nalng kami kase dun dn naman papunta yun ei..tapos inamin dn naman nya na hnd nya ako minahal at bago pa ako makipagbreak nalaman ko na may anak na pala sya at andami nya ding kasinungalingan sakinn kaya talagang nakipagBREAK na ako kay raven(name nya)…
(ito na yung part na naglayas ako)
Hnd ko na sasabihin kung anong reason ko kung bakit ako naglayas…lumayas ako habang ealng tao sa bahay at mag isa ko lng..hnd pa tapos yung closing party at recognition namin nong lumayas ako…at eto na ako may trabaho nag iipon para sa susunod na pasukan makapag aral parn ako…matinong trabaho naman yung napasukan ko..
tapos kaibigan at kapatid ang turingan namin ni kenneth(pinsan ng ex ko) lagi kaming magkachat pero nay gf na sya at nagcomeback rn kami ng nauna kong ex si jhonel…pag may problem si kenneth lagi nya akong karamay kada magbebreak sila ng gf nya nagsasabi sya ng kung anong nararamdaman nya pero agad dn naman silang nagkakabalikan kaya ang sabi ko para kayong mga bata naging matured naman kayo…tapos kami naman ng jowa ko talagang nagkakalabuan na din kaya talagang break na…as in ayoko na magkajowa at ganun dn si kenneth ipinagpalit sya ng gf nya sa mismong katrabaho pa nya…talagang lagi namin karamay ang isa’t isa pero para sakin walang malisya yun di ko binibigyan ng ibang meaning yung mga kasweetan namin minsan….
At ayun na nga dumating yung time na nagtapat at nagsabi sya ng totoo nyang feelings…mahkavideo call kami nun tapos di nya masabisabi ng lumalabas dapat sa bibig nya kaya nagtype nalng sya na may gusto nga daw sya sakin natagal na bago pa naging kami ng pinsan nya(raven) at alam daw yun ng pinsan nya ehh ako naspeachless sa mga sinabi nya at nagsabi sya ng dalawang choices “oo or hindi” yan lng daw ang pwede kong isagot sa itatanong nya..ito na yung tanong(pwede ba maging tayo)??..at ako naman dahil lagi ko syang pinagtitripan at pilosopo ang sagot ko”or” hnd ko sineseryoso masyado yung usapan tapos pag once na pinatay ko daw yung tawag nya kami na so pinabayaan ko lng..hnd ko pa sinasagot yung tanong nya …sinubukan nyang magbilang ng 1-10 ayun natapos yung pagbibipang nya di ko parn nasasagot yung tanong so it means kami na daw kase di ko sinagot yung tanong nya sa loob ng 10sec. pero umangal ako kase ambilis naman ata nun..kaya ang sabi ko nalng sa kanya ” pag sinabi ko bang ‘hindi’ magstay ka pa rin ba?” at ang sagot nya alaways namanbdaw syang nagstay kahit pinagtatabuyan ko na daw sya pero never ko namn ginawa sa kanya yun at namemersonal na sya sinabi na nya yung tungkol sa family nya at ako...


nalng daw yung taong laging nagpapahalaga sa kanya buti pa daw ako nakikita ko yung halaga nya…dun na dumating yung point na nagseryoso na ako sa usapan namin pero di ko parin talaga masagot sagot yung tanong nya kaya nagfollow up question sya “bakit ba ayaw mong maging tayo??” (tanong ulit nya) ang sagot ko
ako:(“una pinsan mo si raven at pangalawa ex mo yung kaibigan ko”)..opo readers kaibigan ko yung nauna pa nyang ex…
sya:”oh anong nasama dun eh matagal na kaming wala”
ako: kahit na kaibigan ko parin sya.
sya: yun ba yung dahilan kung bkit ayaw mo akong sagutin?? eh wala namang magiging issue dun..
ako: hayss. itulog mo nalng yan
sya: cge na plss😢 try lng naman natin baka magwork..
sya:pag ‘oo’ ang sagot mo tayo na at pag ‘hindi’ tayo parn😊
ako: andaya mo naman😞pero nag oo nalng ako kahit wala akong feeling sa kanya
(ALAM KO NA PO INIISIP NYO READERS…TALO TALO KAMI PERO DI KO RN NAMAN PO GUSTO NA MANGYARE TO)
kenneth: sorry ah..
:ang kulit ko noh?
me: oo sobrang kulit mo
at kung ano ano na napag usapan hanggang nalaman na ng kaibigan ko kase sinabi ko dn sa kanya pero wala syang reaction..
*Dto na nag umpisa ang gulo*
kung ano ano na pinagsasabi ng kaibigan ng kaibigan ko. inagaw ko daw si kenneth sa kaibigan ko. ahas daw ako… lahat kung ano ano na pinagsasabi nila..pero hinayaan ko na muna nong una kase alam ko dn naman ba mali yung ginawa ko..pero hnd parn sila tumitigil eh at hnd ko naman sya inagaw kase natagal na silang wala at wala naman silang karapatan na sabihan ako ng mga salitang di naganada..buti pa kung kaibigan ko yung nagsabi tatanggapin ko pero yung mga nagsasabing ahas,mang aagaw at nilandi ko daw si kenneth..hnd sila belong..lahat ng mga pinagsasabi nila iniscreenshot ko kase hnd na tama yun ei at balak kong ireport yung paninira nilang ginagawa sakin kung di pa sila titigil at lahat sila nakablock na..

At ayun wala na tahimik na pinabayaan ko na sila di ko na rin tinuloy yung pagreport sa paninira nila..at unti unti na ring nagwowork yung relationship namin kahit minsan lng kami magvideo call ni kenneth sa isang araw at tuwing madaling araw pa kinakaya namin sa maniwala man kayo o hnd di ako naghanap ng oras at attention sa iba kahit hnd laging online si kenneth..naiintindihan ko kase yung kalagyan nya ..may trabaho sya ang oras ng out nya 1am tapos deretso sya sa comshop para makausap lng ako..nakasanla daw kase yung tablet nya kaya computer nalng muna…naaawa nga ako sa kanya kase alam kong pagod sya galing sa trabaho tapos hnd pa agad sya magpapahinga eh kase nga gusto pa nya akong makausap kahit dalawang oras lng..at talagang makulit sya kaya pinagbibigyan ko nalng sya..
at ngayun almost 2 weeks palang po kami walang away kase naiintindihan naming dalawa ang kalagayan na anong meron kami at natuto dn naman akong mahalin sya..hnd kase sya mahirap mahalin ei…ito habang ginagawa ko tong story na to ay hinihintay ko syang mag online..
ALAM KO NA IJUJUDGE NYO KAMI PERO BIGYAN NYO NAMAN PO KAMI NG CHANCE..
kilala nanrin pala ako ng family nya hnd man totally na nakita nila ako sa personal pero ok lng naman sa kanila kahit hnd pa kami close masyado ng mana nya pero nakapagvideo call dn naman kami at balak din ni kenneth na magkita kami sa 1st monthsary daw namin at sana hnd lng monthsary ang abutin namin. sana tumagal pa relationship namin …
the end…
THANKS PO SA PAGBABASA NYO KAHIT ALAM KO NA MEDYO NAIINIS KAYO…
BINIGYAN KO LNG NAMAN NAMIN NG CHANCE ANG ISA’T ISA..SALAMAT PO NG MARAMI…by; angel/kenn29






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. My 1st HEATACHE

  2. Hi I like your story. Can I used this
    For my vlog.. babasahin ok lang siya.

Leave a Reply


top