“TAMA NA LETCHE! PURO KA NALANG TRABAHO! NI HINDI MO NAMAN INISIP PAMILYA MO!”
Huminto ako sa paglalakad at tulalang pinagmasdan yung pinto ng maingay naming bahay. Heto na naman sila at nag-aaway.
“MAY MAKAKAIN BA KAYO ARAW-ARAW KUNG HINDI AKO MAGTRATRABAHO HA?!”
Lagi nalang. Lagi nalang ganito. Araw-araw silang nag-aaway na para bang walang kapaguran sa pagsigaw.
“ANONG TRABAHO MO? HA?! YUNG PANGBABAE BA TRABAHO MO? PUTANGINANG TRABAHO YON!”
“ABA PASALAMAT KA MAY MAKAKAIN KAYO ARAW-ARAW NG DAHIL SA’KIN!”
“ISAKSAK MO SA BAGA MO YANG PAGKAING DALA MO! KAININ MO LAHAT YAN!”
Huminga ako ng malalim at pinihit yung pinto. Bumungad agad sakin ang magulong bahay. Basag yung mga ilang plato namin. Sira na yung upuan namin sa hapag. Pati pinto ng kwarto nila mama at papa butas na. Pakalat-kalat yung iba naming gamit sa loob.
Mapait akong ngumiti. Tangina naman oh, mapapaayos na naman ako nito habang nag-aaral.
Malalakas parin ang sigaw nila sa bawat gilid ko. Pero wala na akong ibang narinig kundi ang pagbagsak ng luha ko at ang pagkapunit ng puso ko. Ha.ha.ha.
“OH NANDITO NA PALA YUNG PALAMUNIN AT B*B* MONG ANAK!” sigaw ni papa, nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa’kin.
Tumawa ako, patuloy parin sa pag-iyak. Waw...