NANG DAHIL SA MALL CHAPTER 7


NANG DAHIL SA MALL”
+CHAPTER 7+
–tinext ko naman agad si ashley para sabihing andito nako sa labas ng bahay nila–
.
.
“ashley?” text ko sa kanya.
“bakit?” tanong naman nito sakin.
“labas ka, andito nako” saad ko sa kanya.
“ahhh ganun ba, teka lang, hintayin moko” saad naman nito sakin.
“sige sige” saad ko sa kanya.
maya-maya ay lumabas na nga sya.
“hi” saad ko sa kanya.
“tara pasok ka” saad nito sakin.
“sige” saad ko sa kanya.
nang makapasok na kami ay agad naman nya kong pina-upo.
“ano pala ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“wala, nag-lilinis lang ako ng bahay parang andumi na kasi tsaka maalikabok” saad nito sakin.
“ahh ganun ba? dun ba tapos mo ng linisin yung banda dun?” tanong ko sa kanya.
“hindi pa, bakit?” tanong nito sakin。
“tulungan na kita para mabilis kang matapos dyan, pinag-papawisan kana ehh” saad ko sa kanya.
“o sige, ikaw bahala” saad nito sakin.
.
.
–sabay na kaming naglilinis ngayon at nagkakabiruan pa, nang matapos na kami ay sasabihin ko na yung gusto kong malaman sa kanya–
.
.
“kakapagod no?” saad ko sa kanya.
“oo nga ehh hahaha” saad nito sakin.
“may tanong pala ko sayo ashley, ok lang ba?” saad ko sa kanya.
“oo naman, bakit? ano ba yun?” saad nito sakin.
“nagka-boyfriend kana ba? or may crush kana ngayon?” tanong ko sa kanya.
“hmmm, boyfriend? wala pa, di pa ko nagkakaron nun” saad nito sakin.
nagulat ako kasi sa ganda nya at sexy ay wala pa pala...


syang nagiging jowa, teka, may nakalimutan ako.
“ehh crush? meron?” tanong ko ulit sa kanya.
“hmm, oum, pero di ko alam kung crush din ba ko ng taong yun” saad naman nito sakin.
bigla akong natulala, ang akala ko may pag-asa ako sa kanya, ngunit may gusto na pala syang iba.
“hoy?” saad nito sakin na nagingi dahilan para mahinto ako sa pag-iisip.
“ayy sorry, may iniisip lang ako” pag da-dahilan ko sa kanya.
“ahh ganun ba?” saad nito sakin.
“sino pala yung lalaking crush mo?” tanong ko ulit sa kanya.
“hmmm, bawal kong sabihin kung sino ehh di pa kasi ako sigurado kung gusto nya rin ba ko” saad nito sakin.
“ahh ok” maikling saad ko sa kanya na tumango nalang sya.
“sige ashley, uwi na pala ko” pag pa-paalam ko sa kanya.
“huh? ang bilis naman yata?” saad nito sakin.
“may mga gagawin pa kasi ako ehh” pag da-dahilan ko sa kanya.
“ahh ganun ba? sige” saad nito sakin at tumayo na kami at inihatid nya ko sa gate nila.
“ba-bye” saad ko sa kanya.
“ba-bye, ingat” saad naman nito sakin.
.
.
–justine–
sino kaya yung crush nya na yun? ako kaya? o ibang tao? kaso anlabo naman na ako yun kasi kailan lang kami nagka-kilala (sa isip nito)
.
.
–ashley–
muntik nya ng malaman na crush ko sya, sabihin ko na kaya? o hintayin ko na sya muna ang umamin sakin? kaao di ko alam kung crush nya din ako, ganun din kaya sya sakin? (sa isip nito)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top