Never Trust Again


Never Trust Again|@Trese
☕︎ Don’t copy my works if you want a peace.
Nandito kami ngayon ng girlfriend ko sa beach.
“Babe may ipapangako ako saiyo.”
Saad niya at humarap sa akin.
“Ano yun?”
Tanong ko.
“Pinapangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko, ikaw lang ang papakasalan ko, ikaw lang ang magiging ama ng magiging anak ko, ikaw lang pipiliin ko, ikaw lang ang papangakuan ko nito.
Saad niya at ngumiti.
Hinalikan ko ang noo niya dahil sa pinangako niya.
*After 1 year*
“You may now kiss your bride.”
Saad ng pari.
Kitang kita ko kung paano halikan ng kaibigan ko ang labi ng ex-girlfriend ko.
Pagkatapos ng araw na pinangakuan ako ng ex ko may nangyari sa kanila sa isang cottage sa beach na yun.
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na bumagsak.
Inis at lungkot ang nadarama ko sa kanilang dalawa.
*FORWARD*
“Bro salamat at nakapunta ka sa kasal namin.”
Saad ng kaibigan ko.
“Siyempre kaibigan kita mula noon, pero di na ngayon.”
Saad ko.
“Sorry, di ko naman yun sinasad-”
“Gago ka, hindi mo pala yun sinadya!”
Mura ko, nagsitinginan sa amin ang mga bisita...


pero hinayaan ko lang yun.
“Bro tama na tinitingnan tayo ng mga bisita.”
Saad niya habang yumuyuko.
“Wag mo kong tawaging bro, di tayo magkapatid at di na tayo magkaibigan. I will never trust you again.”
Saad ko pero himawakan ng ex ko ang braso ko.
“Wag mo naman kaming ipahiya sa harap ng mga bisita ng kasal namin.”
Saad nito.
“Bitawan mo ako.”
Saad ko pero umiling ito kaya tinulak ko siya.
“Akala ko ako ang papakasalan mo huhh? Gago ka rin di mo man lang sinabi sa akin noon na buntis ka at mas pinili mong iwasan ako.”
Sigaw ko.
“I will NEVER TRUST AGAIN in both of you, jerks.”
Saad ko at umalis na.
*Forward*
Di ako umuwi ng bahay dahil pumunta ako dito sa beach na kung saan ang ex ko nangako.
Kinuha ko sa bulsa ko ang singsing at sumigaw bago itapon.
“Gago kayo! Di ko kayo mapapatawad! Mga paasa! Walang hiya!”
Mga sigaw ko bago matapon ang singsing sa tubig.
“Kung sino man ang makapulot ng singsing na tinapon ko matikman niya rin sana ang sitwasyon ko ngayon.”
Nahihirapan kong saad.
~
@Trese






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top