NIGHTMARE TALES 2


NIGHTMARE TALES 2
“Bukid”
🖊️R.V Nightmare
Magandang gabi ako si Nancy at narito ako para ilahad ang aking kuwento.
Ginabi na ako ng uwi galing sa inuman, birthday kasi ng aking kaibigan at ‘yon naaya ako na uminom.
Tiyak na mapapagalitan nanaman ako ni Nanay at Tatay nito pero di bale ang mahalaga masaya ako kanina at isang sermon nalang.
May kalayuan nga pala ang bahay ng tropa ko sa bahay namin. Takot din naman akong dumaan sa kalsada at baka mamaya ay may masamang loob pa.
Kaya napagdesisyunan kong sa bukid nalang dumaan dahil dito naman ang shortcut.
Grabe ang tahimik sa labas, ingay lang ng kuliglig ang tanging maririnig. Sobrang dilim din kung hindi ko pa siguro bitbit ang selpon ko ay hindi kona matatanaw ang daan.
May kalamigan din ang paligid dahil maraming puno rito at malago ang mga damo.
Kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad nang sa ganoon ay mabawasan ang takot ko.
“Kaya mo to Nancy ginusto mo to!”
“Ang takot sandali lang yan pero ang bunganga ng nanay mo hindi parang machine gun,”
Natatawa nalang ako sa tuwing naalala ko ang pagbubunganga ni Nanay sa tuwing uuwi ako ng dis oras ng gabi habang si Tatay ay inaawat na siya dahil sa lakas ng ingay.
Habang naglalakad ay nakarinig ako ng sitsit mula sa aking likuran.
At ng dahil dito ay tuluyan ng gumapang ang takot sa katawan ko. Kahit kabado ay nilingon ko ito.
At sa hindi kalayuan sa bandang puno ay nakakita ako ng isang Babae.
Hindi ko matanaw ang mukha nito dahil sa dilim ng paligid, pansin ko rin na hubo ito at may bitbit na sako.
Laking pagtataka ko kung...


bakit walang saplot ito. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pang lapitan ito upang tulungan.
Dali-dali akong naglakad palapit sa kaniya at unti-unti kong narinig ang kaniyang pag-iyak.
“Tulong,”
mahinang boses mula sa kaniya.
At nang makalapit ako rito ay nakatalikod siya. Pansin ko rin ang tumutulong dugo sa likuran nito. Habang unti-unti siyang humaharap sa akin.
Namilog ang mga mata ko nang makita kong. Pugot ang kaniyang ulo habang dumadaloy ang dugo nito mula sa leeg at bitbit ang isang sako.
“P*t*ng I*a!”
Sa sobrang gulat at takot ay napamura ako. Agad na akong nagmadali sa pagtakbo at kung gaano ako kabilis ay ganoon din siya
At ng dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang malaking bato. Dahilan upang madapa ako.
Sa lakas ng aking pagbagsak ay hindi ko na magawang tumayo. Samantala ang babaeng pugot ay mabagal na naglalakad palapit sa akin.
Namimilipit na may kasamang luha habang iniinda ang sakit ng paa. Pinipilit kong tumayo subalit hindi na talaga kaya
tanging pagtatakip ng mata ang nagawa.
“Lubayan mo na ako please!”
Kita ko sa mga sulok ng daliri ko ang paligid. Wala ng bakas ng babaeng pugot.
Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang sumubok sa pagtayo muli. At sa puntong ‘yon ay unti-unti na ulit akong nakatayo.
At nang magawa ko ng lumingon ay bumungad sa akin ang Babaeng pugot. Naghalo ang gulat at takot na sinamahan pa ng luha.
Napatingin ako sa hawak nitong sako nang makarinig ako ng boses. At pansin ko ang ari nito na nagdurugo.
“Ang masamang loob ay walang pinipili mataong lugar man o liblib at ang takot ay puwede mong takasan subalit sila hindi,”
boses na mula sa sako.
-Wakas-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top