“Sana ay hindi ako nagkamali nang piniling ahensya para sa paghahanap sa katotohanan ukol sa tunay kong anak.”panimula ni Mrs. Ledezma at agad siyang binigyan nito ng ilang lista kung saan pupunta ang anak nitong pinaiimbestigahan
Nabasa agad ni Makoy ang unang okasyon na dadalohan ng iniidolo niya. At Hindi niya inaasahan na dito sa kapistahan ng San Juan iyon dadalo. Magiging Judge ito sa isang Singing Contest.
“Gawin mo ang lahat nang makakaya mo para malaman ang lahat Mr. Selvestre. Umaasa akong isang araw ay May ibibigay kang impormasyon tungkol sa kanya.”panunukoy nito sa dalagang alam niya ay nagtatago sa isang mukha na Hindi para rito
“Mahirap man ang trabahong ito para sa akin ay gagawin ko na lang lahat nang makakaya ko para masagot ang mga tanong na gumugulo sa isipan niyo Mam.”nasabi na lamang ni Makoy sa Ginang
Tumayo na ito hudyat na Kailangan na nitong umalis. Inayos nito ang shade na suot nito upang Hindi ito makilala na ina ng isang Shanaira Ledezma. Wala rin itong mga bodyguard na nag-aalalay dito dahil lihim ang kanilang pagkikita ng Ginang.
NAng mawala na sa paningin niya ang Ginang ay seryoso niyang pinagkatitigan ang maamong mukha ng iniidolo niyang si Shanaira..dalawang litrato ang Maigi niyang pinagkatitigan. Una...