NINAKAW NA SANDALI COntinuation again… Chapter 3


Mga halakhak…boses babae na nagmamakaawa..hinulog na babae sa isang bangin..dumadaing dahil sa sakit..
Halos kaposin nang hininga si Bella nang mapabangon siya dahil sa masamang panaginip na iyon. Nasapo niya ang noo at butil-butil na pawis ang namuo. Pinahid niya agad iyon nang kanyang kumot.
Tiktilaok!
Iyon agad ang narinig ni Bella sa labas ng kubo. Naisip na niyang bumangon dito dahil umaga na Pala. Nabaling ang tingin niya sa kanyang Nanay Rosa na himbing pa rin sa Pagtulog. Naisip niyang ayosin ang kumot na lumilis sa Paanan nito. Pero nabigla siya nang Madama niya na mainit iyon.
“Nay Rosa.”
“Uumm..”ungol nito na animo May masakit dito
“Sandali lamang po at maghahanap ako ng gamot sa botilya niyo.”tarantang si Bella rito at agad nga niyang pinakialaman ang botilya na kung saan nakalagay ang mga gamot Pero mukhang nadismaya siya nang makitang Wala ni isang tableta na laman nito
Mabilis siyang nag-isip kung paano ba makakabili ng gamot sa tindahan. Gayong Wala siyang pera ni Piso sa kanyang pitaka.
“Bella..magpakulo ka ng luya. Iyon na lamang ang iinomin ko.”
“Opo Nay Rosa.”
Agad na dumiretso si Bella sa kanilang Kusina at natatarantang...


kumuha agad siya ng luya sa lalagyan nito. At hinanda na rin niya ang kalderong May lamang tubig at Saka nagsiga sa kanilang taluhong. DAHIL sa tuyo ang mga kahoy ay madali iyong nadakotan ng apoy. Maya-Maya ay kumulo na rin ang niluluto niya.
Mabilis niyang isinalin ang pinakuluang luya sa isang tasa at agad niya iyon dinala Kay Nanay Rosa upang ipainom.
“Nay Rosa heto na po ang luyang pinakuluan.”
“SAlamat..”
Agad iyon na iniinom ng matanda. NGunit para Kay Bella Kailangan niyang dalhin ito sa Ospital para pasuriin. NGunit paano niya magagawa iyon eh kahit Piso ay Wala siya. ALAm niyang kapos din si Nay Rosa dahil naibili na nito ng bigas ang natitirang pera nito.
“Saan Kaya ako makakakuha ng pera?”sambit niya sa sarili ngunit agad na sumagi sa isipan niya ang tungkol sa Singing Contest ng Lugar nila
Parang na kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin nga ito. Wala naman sigurong mawawala oras na maibahagi niya ang kanyang talento sa maraming Tao. Alang-alang sa pangangailangan ay sasali siya sa patimpalak. May panahon pa naman siguro para makapag-ensayo siya. At ang paboritong kanta ni Shanaira Ledezma ang kakantahin niya…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po

Leave a Reply


top