NINAKAW NA SANDALI COntinuation of Chapter 2


“Ako na po father ang magdadala nito sa loob.”presenta ni Bella sa kanyang dala
Akmang papasok na siya sa loob ng simbahan ng maagaw pansin niya ang motorsiklong patungo sa gawi nila ni Father Rey. Huminto iyon bigla sa Harapan nila. At Malayang hinubad nito ang helmet na suot nito.
“Father good morning po.” Magiliw namang bati nito Kay Father
Bumaling din nito ang tingin sa kanya. PAano kasi muli na naman sila nitong nagkitang dalawa.
“Makoy ikaw nga ba?”masiglang sambit ni Father Rey sa Lalake
Kung Ganon ay kilala rin ito ni Father Rey.
“Sino pa bang gwapong Makoy na kilala niyo Father. “Ani nito at agad ngang bumaba sa Motorsiklo nito
“Aba at Hindi kita nakilala diyan sa attire mo. Lalo kang tumikas.”
“SAlamat father. ”
“Bakit ka nga Pala napagawi rito?”
Parang naitsapwera si Bella sa usapan ng dalawa kaya naisip na lamang niya na Mauna na sa loob.
“DAHIL po rito Father.”si Makoy na agad May kinuhang sobre sa kanyang Bulsa”Donation ko po para sa simbahan.”
“Naku naman hijo. Talagang Hindi mo nakakalimutan ang patron na si San Juan. May ibinigay na ang Lolo Kantor mo rito sa simbahan noong isang araw.”
“Iba naman ho ang Kay Lolo Kantor. Yan naman po ay...


para sa akin..”
“MAraming salamat hijo. Pagpalain ka sana nang maykapal. At lagi ka sanang gagabayan sa Klase ng trabahong ipinasok mo.”
“Lagi naman po Father.”si Makoy na napapakamot dito sa kanyang batok
“Halika sa loob at marami pa tayong dapat na pagkwentohan. Isang taon ka kayang nawala rito sa San Juan at mamaya rin ay magkakaroon ng misa.”yaya ni Father Rey sa binatang si Makoy
Hindi naman iyon natanggihan ni Makoy Kaya sumabay na siya Kay Father sa loob ng simbahan. At sa muli ay nakita na naman niya ang babaeng humahawig sa iniidolo niyang si Shanaira. Parang na kung anong haka-haka ang biglang Pumasok sa isipan niya.
“Father Sino po ba ang babaeng iyon?”paniniguro niya sa pangalan nito
“Siya ba. Yan si Bella apo ni Rosa.”sagot ni Father sa kanya”Ngayon mo lang yan nakita rito dahil Wala ka rito ng isang taon sa San Juan. Bagohang quire ko yan dito sa simbahan.”
“Talaga ho. Pero mukhang mahirap kaibiganin ang babaeng yan dahil mukhang suplada.”
Biglang natawa si Father sa sinabi niya na tila di ito naniniwala sa kanya.
“Hindi yan suplada Makoy. Napakabait na bata yan. Halos nga May pagkakapareho kayo ng ugali niyan..palakapwa.”
“Pasensya Father mukhang naging judgemental ako.”
“Halika at ipapakilala kita sa kanya.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top