NINAKAW NA SANDALI Continuation of Chapter 7


Gulat ang rumistro sa mukha ng mga tao nang makita nila ang isang ARABELLA MENDEZ.
Umapaw ang bulongan ng mga manonood. Sapat para Hindi iyon makawala sa pansinin ni Nicole.
“Kamukha niya ang idol natin..yon nga Lang mas hamak na maganda ang idol natin Kaysa babaeng yan. Ang pangit niya dahil sa May pilat siya..ang lakas ng loob na sumali sa contest.”
Malinaw ang narinig ni Nicole sa mga Tao ngunit mas lalong nagtindigan ang mga balahibo niya nang magsimula na ang tugtugin na aawitin ng babae.
Nilingon niya si Jiro at Hindi nga siya nagkamali nang tahimik itong napatitig at nakinig sa awit ng babae.
PUNo nang emosyon ang bawat liriko na inaawit ni Bella. Ang kantang”PAG-IBIG KO’Y PANSININ”na revive ng isang Shanaira Ledezma ang kanyang inaawit.
NARITO ANG AWIT KO
ANG HIMIG NITONG PUSO
NAGLALARAWAN NG PAGSINTA
NAGBIBIGAY NG SIGLA AT SAYA
LANGIT KA AT LUPA AKO
HANGGANG TANAW NA LANG BA TAYO
MAHAL KITA..MAHALMO BA AkO
HANGGANG PANGARAP NA LANG BA ITO
KAYA KONG GAWIN NGUNIT DI KAYANG SABIHIN..
ANG PAG-IBIG KO SANAY MAPANSIN..
Mula sa kinatatayuan ay lihim na napangiti si Makoy sa magandang boses...


na naririnig niya. Walang halong pagdududa..May posibilidad na si Bella ang tila totoong Shanaira Ledezma.
Mula naman sa kinauupuan at kinaroroonan ni Nicole..Halos gusto na niyang kalbohin at sugurin ang babaeng contestant na kumakanta sa Harapan nila. Para sa kanya ay Wala itong karapatan para kantahin ang kantang alam niyang nirerequest ni Jiro sa kanya.
“Kakaiba siya. Kuha niya ang bawat liriko ng kanta mo babe. Para siyang ikaw.”si Jiro na nasambit ito
At alam niyang napahanga ang fiancee niya na ito sa babaeng kumakanta.
NAng matapos na ni Bella ang kanyang awit ay hindi niya inaasahan na maraming manonood ang naagaw pansin niya. Nagpalakpakan ang mga iyon sa kanya na siyang ikinangiti niya.
“Wow!it’s amazing and beautiful voice!”Saad din ng Emcee sa contest na ito”Halatang idolo niya si Shanaira Ledezma at mukhang nagkakahawig din siya sa dalagang mang-aawit.”
NAng makababa si Bella sa entablado ay masayang-masaya siya dahil sa wakas ay nailabas na rin niya ang kanyang talento.
“Bella ang galing mo.”salubong agad sa kanya ni Chacha rito
“SAlamat Chacha. Ikaw din naman ha. Magaling kumanta.”puri niya rin sa kaibigan
Lingid sa kaalaman ni Bella ay May mga matang Waring nagtatanong at tila gulat din nang makita siya.
“Paano siya nabuhay? Hindi ito maaari..”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top