NO REGRETS


“I said, I like you!”
“Hindi pwedi Karl!”
“Bakit? Bakit Hindi pwedi?”
“Alam mo namang may gusto na akong iba diba!”
Kanina pa kami nagsisigawan at kitang kita ko ang tingin ng mga tao sa paligid.
“Hindi ka nya gusto. Gumising ka nga Trix!”
“Pero Hindi din kita gusto” nanghihinang Sabi ko.
Hindi sya umimik kaya unti unti akong tumingin sa kanya at kitang kita ko ang luha sa mga mata nya..
“Karl, ayaw ko ng ganito. Bestfriend kita. Ayaw kong magpaasa”
“Pero Trix, subukan mo lang. I will prove to you how much I love you. Baka dumating yung araw na ako na ang gustuhin mo”
“Paano kung hindi dumating ang araw na yun? Hindi tayo pweding umasa dun sa thought na baka magustuhan din kita, na baka kapag pinaramdam mo sakin Ang pagmamahal mo ay mahalin na din kita.
Oo nanyayari yun pero hindi sa lahat”
“But...


Trix”..
“Karl, sasayangin mo lang ang oras mo
sakin. Hindi ako yung babaeng para sayo. Hindi ako yung babaeng mag-istay at hindi ako yung babaeng mamahalin ka”
“Bakit hindi ikaw?! Trixie hindi mo hawak ang hinaharap”..
“Oo hindi ko hawak ang hinaharap pero alam ko ang magaganap. Kaya please lang Karl kalimutan mo na yang nararamdaman mo dahil hindi ko yan masasalo”
Tinalikuran ko sya at handa ng umalis, ng umimik sya ulit.
“Yun ba ang gusto mo, ang kalimutan ko ang lahat ha! Hayaan mo, gagawin ko lahat ng sinabi mo”
After 2 years nabalitaan Kong nagpakasal na si Karl. Masaya ako para sa kanya. Naging worth it lahat ng sakit na naramdaman naming dalawa.
Wala akong pinagsisihan sa mga desisyon ko.
Ang desisyong palayain ang taong mahal na mahal ko dahil ayaw kong makulong sya sa taong iiwan din sya sa dulo…
Because I’m dying…
End.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top