One Nightstand With Mafia Boss Chapter 6:


“Mag iingat kayo Lola Fely”.paalam ni Lazarus kay Lola Fely.
“Oo apo makakaasa ka”.sagot ni Lola Fely.
Bumaling naman si Lola Fely kay Ivanna na nasa likod niya.
“Ikaw naman sana alagaan mo itong si Lazarus”.pagpapaalala nito.
Pakiramdam ni Ivanna may meaning para sa kanya ang alagaan.
“Opo dahil natrabaho ko po iyan”.magalang na sagot niya.
“Ohh sige alis na ako,”.paalam nito at sumakay na sa taxi hanggang mawala na ito.
Naiwan naman ang dalawa kaya bumilis naman ang tibok ni Ivanna lalo na at sila nalang dalawa ang magsasama sa isang bahay.
“Pasok, I want to eat now”. maawtoridad na utos nito sa kanya.
Nakita niya na nauna na ito pumasok at sumunod na rin siya.
Habang hinahanda niya ang ulam na niluto nila ni Lola Fely pansin ni Ivanna na nakatingin ng sakanya si Lazarus sa bawat galaw niya kaya hindi niya maiwasan na kabahan.
“Hindi ka pa ba kakain sir”.tanong niya dito ng matapos niya ihanda at nakatayo nalang siya sa gilid nito.
Tiningnan siya nito ng walang emosyon.
“Join me”.sagot nito kaya walang nagawa si Ivanna kundi sumabay sa hapagkainan.
Pagkatapos nilang kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan nila habang si Lazarus ay nasa library.
Napagdesisiyon niya na pumunta sa library para sa contract nila.
Kumatok muna siya.
“Come in”.utos ng tao sa loob.
Pagbukas niya namangha siya sa ganda ng library dahil puno ito ng mga libro.
Isinarado niya ang pinto napansin rin niya agad si Lazarus sa isang sulok kung saan may table at sofa.
Lumapit si Ivanna dito at nag angat naman ng tingin si Lazarus.
“Sit”.utos nito sa kanya kaya umupo siya sa harapan nito.
May inilabas itong puting folder at ibinigay sa kanya.
Kunot niya tiningnan ang lalaki.
“This is...


contract,”.panimula nito
Binuksan ito ni Ivanna at napakunot siya na mabasa ang ibang trabaho niya.
“Teka ano to?”.tanong niya dito.
Ngumisi naman si Lazarus sa kanya at tiningnan ng madiin.
“You are not only my maid here, you are my slave and mine only”.sagot nito na ikinagulat niya.
Napatayo sya dahil hindi niya inaasahan ang ganito.
“Teka hindi mo ako pagmamay ari Mr. Smith”.hindi niya mapigilan na mabulyaw ang lalaki.
Umiigting panga siya nito tiningnan.
“Tandaan mo Ms. Garcia ninakaw mo ang limang milyon ko at pati narin ang kwintas”.madiing sambit nito sakanya.
“Pero ibinalik ko yung kwintas”. diretsahang sagot niya
“Pero limang milyon binalik mo ba?”.iinsultong tanong nito sakanya kaya napatigil siya.
“Look Ms. Garcia dalawa lang ang pagpipilian mo makukulong ka o be a slave?”.pagpapapili nito sakanya.
Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Ivanna sa tanong ni Lazarus sa kanya. Ayaw niyang makulong pero ayaw niya naman na maging slave ng lalaking ito.
“Wala kang choice Ms. Garcia kundi pirmahan ito”. sambit nito
Saglit na napaisip si Ivanna kung makukulong siya paano na si Hanna ayaw niya na mag alala ang bata. Kaya walang choice kundi pirmahan ang contract.
Nanginginig ang kamay niya habang pinipirmahan ang contract Ng matapos ay nagsalita si Lazarus.
“Makakaalis ka lang kung gugustuhin ko Ms. Garcia because from now you are mine”.may diing bawat salita nito at umalis na.
Naiwan si Ivanna na tulala sa library dahil pakiramdam niya simula na ang kalbaryo niya parang bumabalik ang madilim niyang nakaraan na matagal na niyang kinalimutan.
One Nightstand With Mafia Boss was wrong!.tanging nasambit niya sa isip kasabay ang paglamon ng dilim sa kanya.
A/N: hehehe sorry po kung bitin🤞sumakit po ksi yung kamay ko pero sa susunod po hahabaan ko po😅.






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Next po ang ganda ng story

  2. interesting stories

Leave a Reply


top