PAULIT-ULIT KANG PIPILIIN AT HIHILINGIN
BY: Sophia Bianca
PHOTO NOT MINE
CTTO.
“Si Miko ‘yung gustong manligaw sa’yo? Nako ‘wag!”
“Baka katulad din ‘yun ng kaniyang ama, babaero.”
“Baka saktan ka lang nun sis.”
“Pariwala ‘yun!”
“Ang dami niyang tattoo! Parang adik!”
“Puro inom lang ‘yun. Wala kang mapapala don!”
“Magiging sakit lang ‘yun sa ulo!”
“Tambay lang ‘yun d’yan!”
Ang mga salitang ‘yan ang mga pulit-ulit kong naririnig sa mga tao. Ang init ng tingin nila kay Miko. Ang dami nilang panghuhusga.
“Liligawan kita.” Bungad sa akin ni Miko pagkalabas ko pa lang sa gate ng school. Hinintay talaga niya ako makalabas.
Nung marinig ko nga iyon mula kay Miko, agad akong napangiti. Determinadong-determido siya sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Ramdam ko ang pagkaseryoso niya at paninindigan niya.
Nakatungo si Miko at kinakabahang nasa harap ko. Nahihiya siya tumingin sa akin.
Magulo ang buhok niya at halata sa kanya ang pagkabalisa.
Wala akong nakikitang mali sa kaniya. Alam kong hindi siya ‘yung Miko na tinutukoy ng mga taong mapanghusga.
“Aasahan ko ‘yan,” sagot ko sabay ngiti sa kaniya.
Doon ko nakita ang isang ngiti niya na parang siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.
Pinagbigyan ko si Miko na ligawan ako. Hindi ako nagpaapekto sa mga sinasabi ng iba. Sa halip na iwasan si Miko ay mas lalo ko siyang nilapitan.
Hindi ko pinaringgan ang mga sinasabi ng tao na puro negatibo. Alam kong iba si Miko sa iniisip nila. Ni hindi ko pa nga talaga lubos na kilala si Miko eh kaya bakit ko naman agad siya huhusgahan? Kaya iyon, hinayaan ko siya na patunayan ang nararamdaman niya.
“Alam kong ang dami mong naririnig mula sa ibang tao tungkol sa akin. Salamat Krizza ha, kase naniniwala ka sa’kin. Salamat kase hindi mo ako mahusgahan. “
Hindi mo maipagkakaila na gwapo siya lalo na kung mag-aayos sa sarili. Napapabayaan na din kase niya ang sarili. Hindi ko naman siya mahusgahan kase alam kong mabigat ang problemang dinadala niya.
“Alam kong mabuti kang tao, Miko.”
“Wala eh, galing ako sa isang broken family kaya ang iniisip ng ibang tao ganun ding klaseng pamilya ang maibibigay ko. Pero ang totoo hindi naman talaga kase alam ko ‘yung feel na may broken family. Ang daming panghuhusga ng ibang tao kahit hindi naman talaga nila ang pinagdadaanan ko.”
Ramdam ko ang lungjkot sa bawat salita niya. Doon ko na-realize na ang isang taong katulad niya ay worth it na manatili sa tabi niya.
Nagsimula akong maging madaldal sa kaniya. Gusto ko na maging close kami. Gusto kong makinig sa mga problema niya. Gusto ko tulungan siya na maayos ang sarili niya.
“Gusto kong malaman ‘yung dream mo.”
Ngumiti siya.
“Gusto ko maging Engineer. Kahit naman ganito ako, may pangarap din ako sa buhay.”
“Kaya mo ‘yun, may tiawala ako sa’yo.”
I always motivate him.
“Tell me anong bumabagabag sa isip mo? Kwento ka naman.”
“Naikwento mo na gusto mo mag-aral. Go lang! Alam kaya mo ‘yun! May tiwala ako sa kakayahan mo!”
“Kausapin mo ng maayos sina Tita at Tito. Tandaan mo, mga magulang mo pa rin sila kahit sila ang dahilan ng pagluha mo.”
“Magaling ka kaya!”
“Tutulungan kita!”
I become his best friend.
“Ganda ng mga tattoo mo no?”
Lumingion siya sa akin at biglang nagbago ang reaksyon niya. Kung kanina ay nakangiti ito, naging matamlay bigla siya sabay taklob sa tattoo niyang nakukit sa bandang braso niya.
“Hindi ka ba nandidiri sa akin dahil may mga tattoo ako?” tanong niya na nahihiya.
“Hindi. Bakit naman ako mandidiri ng dahil lang sa tattoo? Ang ganda kaya,” ngiti ko.
Ang totoo niyan, naging emosyonal ako nung makita ko ang isa niyang tattoo na parang isang pamilya ang nakaukit don. Ganun talaga kahalaga sa kaniya kahalaga ang isang buong pamilya. Alam kong nagpatattoo siya ng ganun para man lang maramdaman niya na may isang buong pamilya siya.
“Sa susunod, pangalan mo naman ang ipapalagay ko sa braso ko. Naniniwala kase ako na ikaw ‘yung anghel na bigay sa akin. Isa kang regalo na hindi mapapantayan ng kahit ano, Krizza.”
Nagniningning ang mga niya habang nakatingin sa akin. Halos malusaw ako sa mga titig niya.
Sa loob ng panliligaw niya, mas nakillala ko siya. Kinukwento niya sa akin ang tungkol sa kaniya. Don ko din nalaman na nambabae ang Papa niya at iniwan naman siya ng kaniyang ina. ‘yun pala talaga ang dahilan kung bakit siya naging ganito. Pero sa lahat ng nalaman ko, wala akong nakikitang mali. Hindi talaga siya maling tao. Mali ang iniisip ng iba.
Wala akong naging problema sa kaniya. Alam kong seryoso siya at ginagawa niya ang lahat para magbago para sa sarili niya.
After 6 months na panliligaw niya, sinagot ko siya kahit ang dami pa ring sinasabi ng ibang tao.
“Hinding hindi kita kayang lokohin. Ikaw na nga lang ang kayang manatili tapos magloloko pa ako? Para naman akong tanga kung gagawin ko pa iyon. Salamat ng paulit ulit.”
“Deserve mong mahalin sa gitna ng mga panghuhusga ng iba sa’yo. Deserve mong mahalin kahit gaano pa kasakit ‘yung nakaraan mo. Hindi ako susuko sa’yo. Hinding-hindi.”
Hindi ganun kagusto nina Mama at Papa si Miko pero hindi iyon naging dahilan para tigialn ko si Miko.
I know na hindi ako nagkamali sa taong pinili ko kahit ang dami naming pagpipilian.
“How lucky I’am kase sa dinami-daming lalaking na better kesa sa akin, ako pa rin ‘yung pinili mo.”
He’s to sweet. Napaka thoughtful niyang tao. Halos lahat ng nararamdaman niya, pinapahayag niya. Feel ko tuloy lagging may butterflies sa tiyan ko.
“Kase nga deserve mong piliin sa napakaraming pagpipilian. Tandaan mo na isa ka sa mga tamang desisyon na nagawa ko sa buhay ko,” sagot ko sabay yakap sa kaniya.
“Tandaan mo din na ikaw ‘yung taong naging isang malaking regalo sa buhay ko. You’re my angel. Salamat sa pagsagip sa durog na ako.”
“Mahal kita.”
“Mas mahal kita,” sagot niya.
Binago niya ang sarili niya para sa sarili niya. Sabi ko kung magbabago lang siya dahil sa akin, sabi ko huwag. Kase ang totoo naman, kahit ano pa siya, tanggap ko siya.
“Umiyak ka lang,” yakap ko kay Miko.
Hindi ako napagod sa kaniya. Hindi ako nagsawa na maging panyo niya sa bawat luha niya.
I love him.
Miko is too protective.
“Bakit ang tahimik mo ata?” tanong ko. Kanina pa kase siyang walang imik kahit sa klase kanina.
”Nakakainis ka kase,” wika niya.
Nagulat ako sa sagot niya. Nagtatampo siya ng hindi ko alam kung bakit.
“Ha? Bakit? Anong ginawa kong masama?”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na inaway ka pala ng girlfriend ni Rio?” seryososng-seryoso niyang boses. I find him cute lalo na kapag ganito ang reaksyon niya. Parang kayang-kaya niya makipagbugbugan para lang sa akin.
“Paano mo nalaman ‘yun?” tanong ko pa sabay lapit sa kaniya.
“Edi kinuwento pa sa akin nung pinsan ko. “
“Hindi ko na nasabi sa’yo kase baka kung ano pa gawin mo. Ewan ko dun, nagselos daw sa akin eh kahit ni hindi naman kami nag uusap ni Rio,” kwento ko sa kaniya. Nilapit niya ang muka ko sa kaniya at tumitig ng diretso sa akin.
“Nakausap ko na ‘yung girlfriend ni Rio. Sabi ko,...