Perhaps it’s you Chapter 4


Ilang linggong iniyakan ni Jenny ang nangyari sa kanya.. Hindi siya makapaniwala na sa isang saglit at nakuha siya ni Samuel.. “kapal talaga ng mukha niya pakatapos ng ginawa niya sa akin ay ganun na lamang yon… Siguro pinagtatawan niya ako hanggang ngayon dahil bumigay ako sa kanya nong gabing yon..” ahh anu ka ba kasi Jenny ang tang*-tang*** mo!! “” kastigo niya sa sarili.kung pwde nga lang na maglaho na lamang siya ginawa na niya para tapos na. Tama din nman si Samuel may kasalanan din siya. Kahit lasing siya ng mga sandaling iyon ay aware siya sa kung anung nangyayari noon. Naging mapusok din siya. At Hindi niya iyon nalabanan
Kaya ngayong wala na siyang ibang magagawa kundi mag patuloy at magpanggap na wala lang iyon. At walang dapat na makakaalam nun.
Hapon na pauwi siya galing trabaho. Nadaanan siya ni Samuel sa Kanyang pinapasukang drugstore naghihintay ng masasakyan.
“Halika sumabay ka na sa akin!” walang imosyong sambit ng lalaki.
“ayaw ko,”
“ayaw mo pa rin bakit? Ntatakot ka ba?”
“Oo nakaktakot ang mga katulad mo!”
“Bakit anu pa bang ikinakatakot mo? Sa tingin ko wala na mang dapat pang ikatakot sa akin. Wala ng mawawala sayo dahil nakuha ko na!” Pilyo pang banggit nito.
“shi* talaga ang kumag na to! Kinakalimutan ko na nga pinapa alaala pa!” sambit ng dalaga sa isipan.
“ah basta ayaw Kong sumabay sayo! At Hindi mo maiisahan kahit kailan.” mataray nitong sambit.
“Ah e, kung ayaw mo edi ‘wag.. Aalis na ako..
Sambit ng lalaki na may pangisi-ngisi pa.
Nag init talaga ang ulo niya sa lalaking yon. Nangigil siya kapag naalala niya ang nangyari kung pwde nga pang kalimutan iyon ng ganung kadali lamang kaso unang beses niya yon eh kaya mahirap kalimutan. At Hindi niya yata talaga makakalimutan yon.
Isang araw na maulan ay Nadaanan siya ng mag-aSawang Maylene at Rodney.
“Jenny halika sakay na” alok ni Maylene.
“okay sige..” sambit ng dalaga sabay pasok sa loob ng kotse.
“slamat na lamang at Nadaanan nyo ako. Kanina pa nga ako naghihintay ng masasakyan kaso laging mga puno.”
“Oo nga Jenny. May pinuntahan kasi kami kaya npadaan kami dito. Wika ng kaibigan sabay lingon sa katabi ni Jenny ng mapansin ang isang bagay na nakalimutan nila.
” Loves halika balik tayo nakalimutan ko natin ang
Envelop ko.
“bukas na lamang yon loves” sagot ni Rodney
Hindi loves kailangan ko yon ngayon halika muna. “okay.. Bakit mo kasi binitbit pa doon Hindi ko na lamang Iniwan sa kotse.
” nalimutan ko nga loves eh! “.. Jen saglit lang ha may dadaanan lamang tayo.
” okay sige nakikisakay lang ako.. “. Kaya okay lang!”
Inikot ng lalaki ang sasakyan at nag patuloy ito sa pagmamaniho.. Ilang sandali pa ay huminto ito sa isang malaking bahay.
“Loves nag text si kuya Nasa loob din daw ang binili niyang bagong laruan kay Yohan. Halika bumaba ka baka Hindi ko mabit bit yon naiwan mo malaki yon daw yong laruan eh!”
“okay . Halika Jenny baba muna tayo!
Samabay na bumaba ang dalaga sa mag-asawa.
Pagdating sa loob ay nagulat siya Maganda ang bahay at parang walang tao. Ang linis ang aliwalas. At may glass wall ito kaya maliwanag kahit patay ang ilaw. Kompleto ito sa mga mamahaling at modernong mga kasangkapan.
” ang ganda naman. Kaninong bahay ito bahay ito Maylene? May pag hanggang sambit ng dalaga.
” Kay kuya Samuel to! ”
K-kay Samuel to?Hindi makapaniwalang tanong ng babae.
” Oo bakit? Ayan o mga frame niya.. Mga trophy.. Sabay turo sa isang istanteng bobog puno ng ibat ibat trophy.
” wow dami niyang awards ah! Saan na naman yan galing awards na yan? Sa pangababae? Nakaismid na tanong ng dalaga.
Natawa si Maylene sa tinuran ng kaibigan.
” Ayan basahin mo! Libangan niya.
Inilapit ng dalaga ang mukha sa trophy at binasa ito. “anu to? Ultimate Breeder Champion Award?!
Batangas Champion Breeder award 2020.
” Sabongero pala yong mayabang kumag na yon! Kaya pala babaero dahil kapag nanalo iba naman ang sinasabong niya. Wika niya na may kasamang pagak na tawa.
“Oo may farm kasi si kuya. Marami syang manok. Kaya palaging nanalo.. Tulad noong isang linggo nanalo na naman kaya malaki ang regalo kay Yohan..”Hindi biro ang pinapanalonan nun! Kaya tingnan mo ang daming award. Dumadayo pa yan kung saan. Tong bahay na to galing to...


sa mga premyong napanalunan niya.
” Ah talaga? Sabi daw kapag galing sa sugal ang pinampundar ng gamit doon din yon maubos!
” Ewan ko lang.. Matagal na yan si kuyang sabongero . Parang libangan niya yon dati pero ngayon ay Umaasenso na siya. May malaking farm yan si kuya sa kabilang bayan.
Dati nga maliit lang yon dyan sa bakuran niya nakita, ngayon ewan ko lang Kong ilang ektarya na ang manukan niya doon. Siguro Kong empleyado lang yon si kuya Hindi yon Magkakaroon ng ganito ka ganda at kalaking
Bahay.
“ay ganun? Pagsabungin mo na lamang din si Rodney!
” Ay ayaw ko! Hindi yan marunong. TSaka baka mamaya iba na sasabongin yan kagaya ni kuya Sam Diba loves?.. Sambit nito sa asawa na Hindi siya pinansin. Nakatingin lamang ito sa cellphone..” Kung sino sino na lang ang kalaban pakatapos sa manok, sa chix naman.. Hahaha haha! Pambihira si kuya. Siguro kalyohin na yon!sa dami ng mga chix niya. Haha ha Natatwang pilyang sambit ni Maylene..
” Ah hahaha. Kinakalyo ba yon parang Hindi naman! Sambit ng dalaga.
” Pano mo nalaman an Hindi? Bakit nakita mo ba? Biro ng kaibigan sa dalaga.
“Huh?.. Malay ko Diba palad lang naman ang kinakalyo! Saka paa.
“huh!! Okay akala ko kasi nakita mo na yong kanya” . Hahaha!
Kinabahan si Jenny akala niya mabubuking na siya. Muntikan na dun..
“Tara na! Hindi pa ba tayo aalis?” Sambit niya dito nag-alaala siya baka maabotan pa siya ng lalaki sa bahay nito..
“Maya maya saglit lang ang lakas ng ulan patilahin muna natin kunti. Mabuti pa mag kape muna tayo dito. Sambit ni Rodney.
“Okay loves.. Halika Jenny sa kusina tayo. Pumunta ang dalawa sa kusina.
“Wala ba siyang kasama wala bang kasama dito sa Samuel? Pagkunway wika ng dalaga kay Maylene. Habang pinapanood itong magtimpla ng kape.
“Wala. Ang alam ko mag isa lamang siya dito.
Nag meryenda sila doon at ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto.. Si Samuel dumating.may Kasamang babae
” Kuya! Nakialam kmi dito sa kusina mo! Sambit ni Rodney.
“Okay sige lang kayo dyan.. Pala guys ito si Jessa girlfriend ko. Honey, si Rodney kapatid ko. Asawa niya si Maylene at ito Jenny kaibigan nila.”
“Hi nice to meet you all.. Nakangiting sambit ng babae. At isa isa sila nitong kinamayan..
Parang nayuping lata ang naramdaman ni Jenny ng mga sandaling iyon ng mkaipagkamay na sa kanya ng babae.
Nahirapan siyang makahinga ng mga sandaling .
Alam naman niya na babaero talaga ang lalaki pero bakit ganon? Wala nman silang ipinangako sa isat isa pero parang nagptoprotesta ang dibdib niya. Lalo na ng lumapit sa kanya ang babae.. Parang pinipiga ang puso niya ng mga sandaling iyon.. Naiinis siya sa sarili.. Kung bakit nakaradam siya ng ganong sakit. Na tila may pinaglalaban pero wala naman.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at nagkunwaring Hindi siya apektado sa nakita Niya. Pagkawala tinalikuran niya ang mga ito at itinuon ang atensyon sa labas ng bahay. Hindi niya kayang makipagharapan sa mga ito lalo na kay Samuel na kumuha sa iniangat ingatan niyang dangal.
“Ah kuya mabuti pa aalis na kami, mukhang nakakaistorbo pa kami sainyo. Mukhang may Derby ka na naman huh!
Ah!!.. Hehehe!! Napahilamos na alaganging tumawa ang lalaki dahil sa presensya ng dalwang babae sa bahay niya.
“Sige.. Kuya Salamat sa regalo at balato ha?
“Walang anuman tol sige kayo!
Nakahinga ng maluwag si magpa alam na si Rodney sa kapatid.nagunguna siyang lumabas sa pintuan. Wala siyang pakialam kahit umuulan sabay pumasok sa sasakyan.. Ni Hindi na niyang nagawang mkipag usap kina Maylene at Rodney..
Pag dating ng babaan papunta sa kanilang bahay. Doon tumulo ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan.. “kainis ka talaga Jenny.! Para saan ba ang iyak na yan? Para doon pa rin ba isang nalakkadiring gabi na yon? Tumigil ka nga parang kang bal*w! Wala namang gusto sayo ang abno*mal na yon umiiyak ka pa dyan..! Kastigo niya sa sarili..
Hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay. Deretso siya sa kanyang higaan.
Nag taka ang kanyang inasal niya.
“Jenny may sakit ka ba?”
” Wala po nay pagod lang po ako at gusto ko pong mag pahinga ng maaga.”
“O sige na anak kapag na gutom ka pumunta ka na lamang ng kusina at may pangkain pa doon ha? Opo inay.” .






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. more

Leave a Reply


top