Personal Maid


𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹: Binibining Rhea_ Write’s✍️
𝑮𝑬𝑵𝑹𝑬: Teen-fiction, Romance, Slight Tragic
𝑃𝐿𝐴𝐺𝐼𝐴𝑅𝐼𝑆𝑀 𝐼𝑆 𝐴 𝐶𝑅𝐼𝑀𝐸!
~𝑃𝑅𝑂𝐿𝑂𝐺𝑈𝐸~
“Hoy, Ano ba! Bitawan mo nga ako!” Kanina pa ako sumisigaw sa lalaking kasama ko.
Nagpupumiglas ako na baka sakaling bitawan niya ang kamay ko. Di ‘ko alam kung saan niya ako dadalhin. Kinakabahan na rin ako.
“Just shut up your f*cking mouth” Galit niyang sabi habang hila-hila niya pa rin ako.
Tumahimik na lang ako. Dinala niya ako sa madilim na lugar at walang katao-katao. Malalim na kasi ang gabi kaya kunti nalang ang dumadaan dito. Hinatak niya ako papunta sa abandonadong building.
“Ano bang kailangan mo MR. SEAN REY GALVEZ?” Inis kong sabi at diniinan ang salitang ‘MR. SEAN REY GALVEZ’.
“Why did he kiss you?” Deritso niyang sabi na may halong galit.
Nanlilisik ang mga mata niya at saakin lang nakatingin.
“Ano namang pakealam mo kung hinalikan niya ako?” Pagdepensa ko naman.
Napahilamos siya sa mukha. “F*ck Aya! Bestfriend ko yun! Sa mismong bestfriend ko pa talaga?!” Sigaw niya na halos masira na ang eardrums ko.
“Hindi ka pwedeng magkagusto sakanya.” Dagdag pa niya na ikinainis ko.
“At bakit naman?” Naiirita kong tanong.
“Wala ng maraming tanong, sumunod ka nalang.” Napairap naman ako.
“Bakit naman kita susundin aber?” Panunukso ko sakanya. Halata namang naiinis na siya.
“Ano ba Aya! Sumunod ka nalang kasi. Boss mo’ko kaya dapat kung anong gusto ko susundin mo, okey?!” Medyo pasigaw niyang sabi.
Pero nagmatigas pa rin ako. Paano ko naman lalayuan ang bestfriend niya, halos pagsabihan na kami ng iba na magkapatid kami dahil...


sa sobrang close naming dalawa. Hinalikan niya ako sa pisnge pero smack lang.
Wala namang masama dun diba? Napaka over acting naman kasi ng tukmol na’to, sarap ibalibag.
“Ayoko.” Pagmamatigas ko.
“Ayaw mo?” Unti-unti siyang lumapit sa’kin, napaatras naman ako hanggang sa wala na akong ma atrasan, naramdaman ko nalang na nakasandal na pala ako sa pader. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko bali kinorner niya ‘ko.
“Ayaw mo talaga?” Husky niyang sabi at mas lalo pang lumapit sa’kin.
Ilang inches lang ang layo naming dalawa, kulang nalang maghalikan kami.
Ayokong may makakuha ng first kiss ko no, virgin pa ‘tong lips ko. At hindi ako papayag na makuha ito ni tukmol, never. Sa tamang lalaki ko lang ‘to ibibigay hindi sakanya.
“Oo na, hindi na ako lalapit sakanya.” Pagsuko ko.
“Good dog.” Sabi niya sabay tapik sa ulo ko. Ampp.
Akala niya lang yun, syempre hindi ako susunod sakanya ano siya gold? Kahit kailan hindi niya makokontrol ang buhay ko.
“Susunod ka naman pala eh, pinahirapan mo pa ako.” Ani niya sabay lapit ng bibig niya sa tenga ko.
“Your mine, only mine.” Bulong niya at umalis.
Naiwan akong tulala. Hindi mai proseso ng utak ko sa sinabi niya. Pinagsawalang bahala ko nalang yun at umalis ng building.
……
A/N: Hello guys, I hope you will support me in my upcoming story. Medyo may pagkahawig ito sa story ng chinese drama na ‘Meteor Garden’ pero iniba ko lang ang takbo ng storya. This is my first story, so please support me. Thanks.





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top