Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 13


Title: Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author: Miss J
Kabanata 13
Mabait si Ate Nina actually winelcome nya kami ng mga bata at totoo nga na ipinagluto nya kami ng espesyal na kalamay. Nakakatuwa at overwhelmed sobra kahit ang kanyang mga anak na andon , kahit ang mga bata hindi nila isinawalang bahala.
” Ate pwede bang ibilin muna namin ang mga bata saglit?” si Jay habang karga si Serv ” Bibili lang kami ng konti para sana sa bahay at sa mga bata ”
” Sige ibilin nyo muna meron naman jan mapaglilibangan, habang wala kayo magluluto ako para sa hapunan, dito na kayo kumain ipapasundo ko nlng ang mga nanay ” detalye ni Ate kay Jay
” Oh sya paano aalis na kami… Serv baba ka muna at aalis na muna kami ni Mama ” baling nya kay Serv na tumakbo na papunta sa knyang mga kapatid
Ako na kinuha na ang bag ” Ate, Kuya, si Serv ha, saglit lang kmi ni tito nyo balik kami agad ”
“Opo Mama , tito ang chocolate po namin ”...


saad pa nila
Tumango nlng kami bilang sagot sa kanila ” Tara na Mahal at hapon na, maglalakad tayo ah para maexsercise ka ” nakangiting saad nya sa akin at hawak kamay kaming lumabas ng trangkahan ng bahay nila Ate Nina.
Naglalakad na kami papuntang supermarket wala akong kibo, hindi rin ako nakibo sa kanya ” Baka nman mapanisan ka ng laway jan ah mahal ” si Jay na kinuha ang aking kamay at inabrisiete nya sa knyang bisig
” Malayo pa ba tayo? buti nalang masarap maglakad kasi pahapon na ” ako na nakatingin sa kanya habang patuloy kami sa pagbaybay sa kalsada
” Malapit na 10 minutes andon na tayo ” si Jay ulit
Tumahimik nlng ako at tumingin tingin nalang sa bawat madaanan namin ” Ngapala pwede bang magsimba tayo sa darating na linggo ” biglang naisatinig nya sa akin na ikinalingon ko ” Oo naman sige mabuti at ng makasimba tayo at pagkatapos magluluto ng espesyal na pananghalian ”
At ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakad patungo sa aming pupuntahan!
Marami pong salamat 😊😊😊






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top