Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 5


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Kabanata 5
Mabilis lumipas ang araw , masaya ang naging takbo ng aming relasyon kahit na nga malayo ang agwat namin . Minsan nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan pero inaayos naman namin kaagad , kapag alam na nyang gipit na ako sa panggastos sa bahay nagpapadala sya sa akin kahit na pakonti konti para lang maiagdon sa pangangailngan ng mga bats . Nakakausap ko na din ang mga kapatid nya tru fon or VideoCall , pati ang kanyang Nanay masaya para sa amin dalawa
Minsan sinabi ng nanay nya sa akin ” Wag kang mangamba sa amin ng Tatay mo at wala nman magiging problema , kung nahihiya ka at naiilang mag sarili kayo ng luto , at sa inyo na yung malaking kwarto . Yung mga bata , walang problema sa amin ang mahalaga magkasundo kayo ni Jay , matanda na ako anak gusto ko bago ako mawala meron ng makakasama si Jay ” mahabng litanya ng...


kanya ina sa akin , magkahalong ligaya at alinlangan ang aking nadarama kasi baka masyado lang ang expectations namin dalawa pero maligaya kasi yung acceptance na dapat sana sa pamilya ni Jojo ko nararamdaman ng buo pero sa pamilya pa ng isang lalake na kahit minsan eh hindi ko pa makasama . Ramdam ko ang pagmamahal nya walang duda kahit na hindi kami magkasama pinipilit naman nya punan ang bawat minuto para sa aming dalawa . Wala sa kanya ang problema o magiging problema alam ko sa umpisa pa lang na sa akin magmumula ang hindi namin pagkakaunawaan pero paano aayon sa akin ang hinaharap kung ako mismo sa sarili ko naguguluhan kung paano ko tatapusin ang nauna at paano ko uumpisahan ang naghihintay .Dalangin ko nalang na sana gabayan nya ako sa mga desisyon ko sa buhay para sa aking mga anak …
Pasensya na po , goodnight na po muna sa inyong lahat … Till my next Chapter ๐Ÿ’š God bless us all ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top