Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 12


Title: Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author: Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 12
Pagkatapos Kong makapagayos ng aking sarili, umalis na nga kami kasama ng aking mga anak maliban lamang ni baby John at ayaw ipadala nila nanay kesyo masarap daw ang tulog at natapos na daw nya mabihisan at mapadede, nagpapasalamat ako at mabubuti ang kalooban nila at tinanggap nya kami ng buong puso. Nakasakay na kami sa sasakyan at ” Mahal, mamaya iwan muna natin ang mga bata kina ate tutal andoon naman sila Kristine may titingin ” sabi ni Jay sa akin na aking ipinagtaka at natawa sya sa reaksyon ng aking mukha ” punta lang tayo ng Supermarket, bilihan natin ng tsinelas ang mga bata, diba kids ” sabay lingon sa likuran bahagi ng sasakyan ” Yehey bili sinelas ako ” nabubulol pa na sabi ni Serv na ikinatawa namin lahat ” Bili narin tayo ng gatas at biscuit nila ” patuloy na saad nya sa akin at pinaandar na ang makina ng sasakyan
” mabilis lng ba ang byahe? Malapit lang ba ang kina ate? ” tanong ko sa kanya habang nakatanaw sa...


labas, nalibang akong pagmasdan ang lugar, madami ng nagbago tagal ko na nga hindi nakakauwi at akoy nangiti.
Si Jay na kinabig ang manibela pakaliwa ” ilang minuto nalang, mga tatlong kanto at nakina ate na tayo ”
Ilang sandali at ipinarada na nga nya ang sasakyan ” kids be ready andito na tayo kina Mama Nina ninyo, be good ha ” baling nya sa mga bata ” Ikaw kumander, ready kana hahaha ” kindat nya sa akin at natatawang na lamng ako sa kanyang mga gesture para kaming happy big family talaga , parang siya talaga ang tatay ng aking mga anak.
” Tito Jay, gusto po namin ng chocolate sana pwede nyo po ba kami bilihan ” tanong bigla ni Donald at napatingin ako na pinandilatan ng mata ang aking anak
Si Jay na nakita pala niya ang aking ginawa ” Nakaw para yun lng eh, pandidilatan pa ang bata.. Oo bibilihan ko kayo mamaya pag alis namin ok na ba yun? ” masya nyang saad Kay Donald at nagpangiti sa mga labi ng aking mga anak …
Salamat po sa inyo, happy reading 💚💚💚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top