Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 14


My toes my kness my shoulder my head 🎶 kanta nila Jay at ng mga bata habang sakay kami ng sasakyan papauwi ng bahay, enjoy na enjoy sa pagkanta ang aking mga anak lalo na si Serv na pumapalakpak pa habang kumakanta. Alas 10 na ng gabi at alam Kong pagod na pagod sila, wala ng problema kasi mga busog na sila, maliligo nlng pag uwi at matutulog na. Maya Maya tumigil n kami sa harapan ng kanilang bahay ” Kids andito na tayo , magdahan dahan ok at mejo madilim na Jan sa pathway,Ate , pasuyo kunin mo si Rambo at paki lagay sa kwarto, si mama mo nlng magdadala ng mga gamit ” baling nya sa aking panganay ” Opo Tito wait lang po ” at dahan dahan kinuha ni Julia si baby sa aking mga bisig at naglakad papasok ng bahay kasunod ang kanyang mga kapatid
” Mahal , salamat ha … Sa pagtanggap sa akin at sa aking mga anak ” bago pa man makapglakad si Jay ay hinawakan ko na sya sa kanyang bisig ” Sana hindi ka kumupas ng...


pagmamahal sa akin ” saad ko pa sa kanya.
Mataman nya akong pinakatitigan at ” Walang magbabago kahit anong mangyari magiging parehas parin ang pagmamahal ko sayo katulad ng sa una kita minahal ” ngumiti sya sa akin at binitiwan ang mga dalahin nya at lumapit pa ng sobra sa aking kinaroroonan ” Maganda ka , may laban ka mamaya sa loob ng kwarto ” sabay dampi ng halik sa aking leeg ” Ang bango mo, kapanggigil ka ” sabay kindat sa akin na aking ikinangiti sabay kurot sa kanyang tagiliran ” Halika na Mr. Mahilig ” at kami ay sabay ng lumakad papasok ng bahay.
Pagkatapos ng ilang sandali , nakaligo nat handa na sa pag tulog ang mga bata ,inihatid sila ni Jay sa kanilang magiging solid pagkatapos ay binalikan ako sa aming silid ” Hindi ba uuwi sila nanay mahal ” tanong ko sa kanya habang binibihisan si baby ng diaper at pang tulog ” Hindi Mahal bukas pa sila babalik dito kaya solong solo kita kahit sumigaw kapa mamaya pag ginagawa natin yon ” sabay kindat nya sa akin !






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top