POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤ Chapter 39:


📍Rhian POV📍
Nang matapos si TJ sa mga lectures niya agad niya akong nilapitan.
“How’s my baby?” he smiled.
“Ok lang,naenjoy akong kausap si ma’am..” senyas ko dun sa kabilang table ng Pulis
“Nagugutom ka na ba?tara ikukuha kita ng pagkain..”
Masayang naglunch ang mga kasamahan ni TJ,kabilang na kami dun.Panay naman ang asikaso ni TJ sa akin.
Nang malapit ng matapos agad kong napansin iyong matangkad at napakagandang babae na kalalabas lang,iyon yata ang ex ng TJ niya.Kung gaano kaganda sa picture,mas maganda yata sa personal.Nahiya yata ang beauty ko,mas lamang iyong beauty niya compare sa akin.Hindi agad ako nakaimik,tinitigan ko si TJ kung ano ang reaction niya pero ang tigre nakatitig din sa akin.Tiningnan din niya ang mukha ko kung ano ang reaction ko.Kaya ngumiti na lang ako nang lumapit sa table namin ang girl.Napalingon din ang ibang kasamahan nila sa akin,alam nila na may past ang dalawa.
“Hi,you’re Rhian..right?by the way,I’m Shamcey..Friend ni TJ,” pagpakilala niya and she show her hand.
“Yes,I’m Rhian..matagal na kayong magkakilala ni TJ?”
“Oo,noong nasa Training pa kami..classmates din kami noon..”
“Really?buti naman Friend pa rin kayo hanggang ngayon..” I said at ini-emphatize talaga ang...


word na ‘friend’.
”Ah,yes of course..Iyon talaga ang plan ni Lord sa amin,magkaibigan lang..” she smiled,halatang hindi pa nakamove-on kay TJ.Tiningnan ko naman si TJ,sa akin pa rin siya nakatitig.
“Sige,I’ll go ahead..nice meeting you again..” at ngumiti lang kay TJ,
Nang nakaalis na si Shamcey,ang layo pa rin ng isip ko.
“Ano na namang iniisip mo?” tanong ni TJ na kanina pa hindi pagsawaang titigan ang mukha ko.
“Wala.”
“Are you sure?halata yata na meron..sabi nila kapag iyong wala sa babae,meron daw..”
“Wala nga.” ayokong sabihin na Insecure ako kay Shamcey,masyadong down ang sarili ko.
“Pwede bang uuwi na ako?may gagawin pa kasi akong report..” pagdadahilan ko na lang,dahil work from home din naman ako.
“Segurado ka by?” nag-alala niyang tanong,pigilan niya pa sana ako na hindi muna uuwi.
“Please..para matapos ko agad..”
“Ok,gagawa ng report ha,hindi mag-alsa balutan at baka maglayas kana naman..”
“Hindi noh,bakit naman kita iiwan?”
“Alam ko iyang takbo ng utak mo by,basta tawagan mo ako kung may problema..mamaya pa ako makauwi,mag ingat ka..I love you..”
“Sige.”
Nang makauwi ako agad kong tinawagan si Ate,
Gusto kong manghingi ng opinion about sa nararamdaman ko sa sarili ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top