PROMISE IS PROMISE


PROMISE IS PROMISE
My name is Rhian meron akong boy best friend. Kahit noong elementary days siya na talaga yung palagi kong kasama.
Ang sarap sa pakiramdam nang may boy best friend kasi kapag may problema ka may matatakbuhan ka. Kapag nalulungkot ka, may lalaking magpapatahan at hahawi sa luha mo.
Makalipas ang limang taon nagtapat siya sakin nang nararamdaman niya.
“ Rhian, puwede ba na ikaw nalang yung maging girlfriend ko? ” Pagtatapat niya sakin.
Hindi ko gustong masaktan ang bestfriend ko pero mas hindi ko gusto na magsinungaling sa kanya dahil may iba na ‘kong mahal.
Akala ko magagalit siya aalis siya pero sa halip na gawin niya yun ay naintinuhan niya ko. Pero alam niyo yung masakit don? yun na pala yung araw na huli ko siyang makikita.
One week after pinuntahan ko siya sa kanila para magdrama at humingi ng payo. Kumatok ako at pagkabukas niya nang pinto ay agad ko siyang niyakap habang umiiyak.
“ Rhian bakit?” Senserong tanong...


niya
“ May taning na ang buhay ng boyfriend ko. Kung hindi magawa ang agarang operasyon sa puso niya maaari niya itong ikamatay” Hinawa niya ang luha ko.
“ Hindi ko kayang mawala siya sakin mahal na mahal ko siya ”
Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap at sinabing
“ Rhian naalala mo yung pangako ko? Taha na hindi siya mawawala sayo. Hindi ko kayang makita kang umiiyak. ” Wika niya habang pinapatahan ako.
Yun ang huli naming pag-uusap. Makalipas ang dalawang linggo malungkot akong dumalaw sa boyfriend ko nagulat ako dahil hindi nagkatotoo ang binigay na taning ng doctor sobrang saya ko sa mga oras na yon kaya agad ko siyang niyakap.
“ Babe thank you kasi lumaban ka sa sakit mo. ” Nakanguting wika ko.
Malungkot na tumingin sakin at boyfriend ko na para bang may masamang nangyari.
“ Rhian wag kang magpasalamat sakin, magpasalamat ka sa boy best friend mo ibinigay niya yung puso niya sakin para hindi kana daw umiyak.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top