Promises


Hi. Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Nobita not my real name. Im 14 years old at nagkaroon ako nang boyfriend at siya ay si Adrian. Matagal na kaming magkakilala since elementary. Pagtungtong namin nang highschool dun na siya nagsimulang manligaw at sinagot ko naman siya agad. Mabait siya at lalong lalo mapagmahal siyang boyfriend. Naaawa ako sa kanya dahil hindi niya alam na pinaglalaruan ko lang siya. Pero yung time na halos binuhos niya na lahat nang makakaya niya para lang mapasaya ako at maipakita niya sa akin na talagang mahal niya ako at seryoso sa relasyon. Nahulog ang loob ko sa kanya pero nakipaghiwalay parin ako dahil naaawa ako sa tuwing umiiyak siya dahil ayaw niyang lagi kaming nag-aaway. Dun ko nasabi sa sarili ko na hindi siya ang klase sa taong kailangan kong paglaruan. Alam kong masasaktan siya dahil nakipaghiwalay ako nang walang dahilan. Pero nagsisisi talaga ako bakit nagawa ko siyang paglaruan.
(1 year ago)
Nanligaw na naman sa akin si Adrian dahil nga sa nagawa ko sa kanya...


ginawa ko ang lahat para masuklian lahat nang pagmamahal na ibinigay niya nung time na pinaglalaruan ko lang siya 2 months lang kami dahil habang tumatagal yung relasyon namin parang nag iba na ang pagtrato niya sakin. Yung time na gustong gusto kong suklian lahat nang ginawa niya para sakin. Pero parang nawala na ang nararamdaman niya para sakin. Halos hindi na siya tumatawag o tumetext man lang. Hindi rin magawang mag iwan nang mensahe sa Facebook. Nakipaghiwalay ako sa kanya at hindi ko pinakinggan lahat nang mga paliwanag niya. (Fast forward) After 1 month nakipagbalikan siya at nangakong ibubuhos niya lahat nang oras para sakin. Naniwala naman ko at hindi ko akalaing hanggang pangako lang pala siya. Masakit para sakin na yung taong minahal ko nang sobra ay nagbago na dahil lang sa isang babaeng matagal niya nang gusto at ginawa niya lahat nang makakaya niya para mapasagot siya. Tanggap ko na hindi niya na talaga ako mahal. Pipilitin kong kalimutan siya. Pero hanggang ngayon nasa puso’t isip ko parin siya






Share On Whatsapp

"11" Comments
  1. Sayang nmn gnda at nkkpag hinayng

  2. Sayang..πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

  3. Ang ganda ng story mo kaso nakakaiyakπŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘

  4. “sayang naman

  5. parang parehas tau ng Kwento

  6. Nakakalongkot namn

  7. Lungkot😭

  8. @ng lungkot naman*

Leave a Reply


top