Pulubing Pag-ibig


Ep.6

“Yaya, please? Can I talk to Mara?” pakiusap muli ni Mon.

“Mon, nagpapahinga na ang alaga ko.
Please Mon, give her space. Sobrang bait niya at hindi niya deserve ang mga ganitong problema.” pakiusap ni yaya kay Mon.

“I’m sorry yaya, I’m really sorry for all the pain I’ve caused to her. Hindi ko sinasadya.” naiiyak na pagkakasabi ni Mon.

Dahil sa hindi niya nakausap si Mara malungkot na bumalik si Mon sa room kung saan nandun si Debbie.

Ilang sandali lang napasugod ang mommy ni Debbie na si Mrs.Carmen nang malaman na itinakbo sa hospital ang anak.

“Nurse, Mrs.Debbie Soler anong room?” nagmamadali na tanong ni Mrs.Carmen

‘Room 304 po ma’am”

Agad na pinuntahan ni Mrs.Carmen ang room na nabanggit at nang di sa kalayuan ay namataan nya si Mon na nakaupo sa tapat ng room ni Debbie.

“Anong ginagawa mo dito?” nilapitan si Mon sabay sinampal ito.

“I’m sorry tita.” malungkot na pagkakasabi ni Mon.

“I’m sorry? Ilang gabi at araw kang hinintay ng anak ko ni hi o hello wala kaming narinig mula sa iyo? Wala kang kamalay-malay na nakikipaglaban na kay kamatayan ang mag-ina mo? Tas sasabihin mo I’m sorry?”
galit na galit na sabi ng Mrs.Carmen

“Sorry po, hindi ko alam.” muling malumanay na pagkakasabi ni Mon.

“Hindi mo alam kase wala kang pakialam! Ni hindi ka nga tumawag kung kumusta na ang anak ko? Ako ang humawak ng celphone niya dahil kailangan nga walang stress.” pagtataray ni Mrs.Carmen kay Mon.

Habang nag-uusap sina Mon at Mrs.Carmen biglang lumabas si Dra. Loria.

“Good evening doktora, kumusta na anak ko?”
pag aalala na tanong ni Mrs.Carmen

“She’s okay, everything is doing fine and the baby is healthy. Baka napagod lang siya but she needs more time to rest and please, wala muna sanang stress dahil makakasama sa kanya.” sagot ni Dra.Loria

Agad naman na lumingon si Mrs.Carmen kay Mon at tinitigan ito ng masama.

“Narinig mo?” pataray na pagkakasabi kay Mon.

Tahimik lang na tumango si Mon kay Mrs.Carmen.

“Kapag may nangyari pang ganito kay Debbie hindi kita mapapatawad.” pagbabanta na bitaw ni Mrs.Carmen kay Mon.

Hanggang sa pumasok na silang dalawa sa loob ng kwarto ay nakamasid si Debbie habang papalapit sina Mon at Mrs.Carmen.

“Baby, what happened? Are you alright?
I told you stay at home and don’t go anywhere.”
pag-aalala na sabi ni Mrs.Carmen

“Mom, I’m okay and the baby is strong. Mana ata sa lola.” nakangiti na sabi ni Debbie sa ina

Hanggang nabaling ang tingin niya kay Mon na nakatayo sa gilid at pinanonood lang sila mag-usap mag-ina, hanggang sa itinaas nya ang kamay niya na akmang inaabot ang kamay ni Mon.

“Hon, come here” maamong sabi ni Debbie

Umatras naman na nakasimangot si Mrs.Carmen at nagpaalam na lalabas muna.

“Okay, mukhang hindi mo naman ako kailangan at dahil diyan ay lalabas muna ako.” patampo na sabi ng ina

“Mom, please?” pakiusap ni Debbie sa ina

“Okay.” sagot ni Mrs.Carmen habang papalabas ng room ni Debbie.

Lumapit si Mon at naupo sa tabi ni Debbie.

“Are you sure you’re okay?” malumanay na tanong ni Mon

“Yes hon I’m okay. Our baby is naughty. Mana ata sayo.” sabi ni Debbie

“Akala ko ba kay tita mana.” pagbibiro na sabi ni Mon

“Haha, ikaw ang daddy malamang mas mana sayo.” nakangiting sabi ni Debbie habang hawak ang kamay ni Mon

“I’m sorry.” naluluha na pagkakasabi ni Mon

“Ang dami mo ng sorry hon, it’s okay. The most important thing now is you’re here beside us.” paliwanag ni Debbie

“Sorry for being rude and thank you for taking care of our child.” maamong pagkakasabi ni Mon habang hinihipo ang ulo ni Debbie at hinalikan nya ito sa noo.

Habang nakatitig si Mon kay Debbie at hinihimas neto ang buhok ay tumulo ang mga luha ni Debbie.

“I miss you so much, you’re back Mon. I miss how the way you treat me and taking care of me. All of those things I really miss so much.” umiiyak na sabi ni Debbie.

“Dont cry please, makakasama yan sayo. Hindi na ako lalayo at aalagaan ko kayo.” masinsinan na pagkakasabi ni Mon

“I love you Mon.” nakatitig na sabi ni Debbie kay Mon.

Biglang napaisip si Mon sa isasagot nya kay Debbie kung mag “I love you” rin ba siya dito? Naguguluhan parin siya dahil sumasagi sa isip niya si Mara kaya ginawa nalang niya ay hinalikan si Debbie sa noo.

“Hon, I love you.” umiiyak na sabi ni Debbie habang hawak hawak ng mahigpit ang dalawang kamay ni Mon.

Nakatitig si Mon kay Debbie at hinalikan nya ito sa labi.

“Aalagaan ko kayo at hindi ako aalis sa tabi niyo.” at inakap na ni Mon si Debbie.

“Hon, wheres ‘Mara? Diba kasama natin siya kanina?” Tanong ni Debbie.

Natigilan si Mon.

“Umuwi naba sya? i wanna say thank you to her pwede ko hingin ang number nya sayo?” Muling tanong ni Debbie.

“Nagpalit na siya ng number. I try to contact her kanina pero cannot be reach.” paliwanag ni Mon.

“Ah, sayang naman hindi man lang ako nakapagpasalamat” buntong hininga na pagkakasabi ni Debbie.

Dahil sa tipid ang mga sagot ni Mon naisipan muna ni Debbie pauwiin si Mon.

“Hon, umuwi ka muna take a nap and shower para makapagpahinga ka rin. Nandito naman si Mommy, don’t worry we will be fine basta balik ka lang agad ha?” Paglalambing na pagkakasabi ni Debbie

Muling hinalikan ni Mon si Debbie at hinipo ang tiyan ni Debbie.

“Baby, daddy will be back later please. Behave and don’t give your mom a hard time,okay?”
Bulong ni Mon sa tiyan ni Debbie

Nakangiti si Debbie habang pinagmamasdan si Mon na kinakausap ang anak.

“Hon, I will be back a soon as I can. I will get some clothes para dito na ako matutulog at mabantayan kita, okay?” Malumanay na pagkakasabi ni Mon

“Okay, I love you.” malambing na pagkakasabi ni Debbie

Habang nagmamaneho si Mon naisipan niyang sumaglit sa bahay ni Mara, tumambay siya dito ng isang oras sa lugar na hindi makikita ni Mara. Ilang saglit lang namataan niya na lumabas si Mara upang mag jogging.

Habang tumatakbo si Mara nasa kabilang kalye naman si Mon at dahan dahan niyang sinusundan ito at ilang saglit lang biglang huminto sa pagtakbo si Mara at bigla itong napaupo. Sumigaw ito ng malakas na tila umiiyak.

“Ang sakit-sakit!” Sigaw na umiiyak na si Mara

Nakamasid lang si Mon na tumutulo narin ang mga luha.

“Sobrang sakit hindi ko na kaya!” Sigaw na muli ni Mara habang umiiyak

Babain na sana ni Mon si Mara nang bigla nyang nakita na tumatakbo na papalapit si yaya Oring.

“Mara! Mara! Ano ka ba namang bata ka!” alalang-alala na sigaw ni yaya Oring.

At agad nyang niyakap ang nakaupo na umiiyak na si Mara.

“Yaya, sasabog na ako hindi ko ata kaya.” humahagulgol na pagkakasabi ni Mara

“Sa umpisa lang yan anak, malalagpasan mo rin yan.” pagpapakalma sa alaga habang hinihimas ang ulo neto.

Patuloy ang pag-iyak ni Mara habang yakap ni yaya Oring hanggang sa hindi namalayan ni Mon na napansin na siya ni yaya Oring na nakamasid kay Mara.

“Hindi siya ang lalake na para sayo, dumating syia ng biglaan mabilis lang hihilom yan anak hindi pa ganun kalalim yan, hindi siya ang lalaki na babagay sayo, sinaktan ka lang niya” pagkakasabi ni yaya na tila pinaririnig kay Mon

At biglang harurot ng sasakyan ni Mon na di naman napansin ni Mara.

“Tama ka yaya hindi ako ang lalake na para kay Mara. Sinaktan ko lang siya.” pagkakasabi ni Mon habang matulin na nagmamaneho

Dumating sa resto si Mon at dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. Naka tatlong bote si Mon at tuluyan na itong nakatulog na hindi na nakalipat sa kanyang kwarto.
Lumipas ang isang oras ginising si Mon ng lamig at giniginaw ito. Hinipo niya ang sarili at umaapoy na pala sya ng lagnat. Agad nyang kinuha ang cellphone niya upang humingi ng saklolo. Balak niyang tawagan si Dave pero numero ni Mara ang napindot nya.

“Hello pre, saglitin mo ako sa resto nilalamig ako. Hindi ko kayang bumangon para lumipat sa kwarto at umiikot ang paningin ko.” hinang hina na pagkakasabi ni Mon na di niya namalayan na si Mara pala ang kausap.

Habang nakikinig si Mara biglang nabitawan ni Mon ang cellphone at muli itong gininaw na rinig na rinig ni Mara ang pag garalgal ng hinga nito dahil sa lamig. Hindi nakatiis si Mara at akma niyang kukunin ang susi ng sasakyan at pupuntahan si Mon.

“San ka pupunta?” tanong ni Don.Carlos

“Dad please. Kahit ngayon lang.” naluluha na pakiusap ni Mara

“Hindi ka aalis.” matapang na sagot ni Don.Carlos

“Dad?!” paawang pagkakasabi na lumuluha na si Mara

“Yaya, ipasok mo sa kwarto alaga mo!” galit na sabi ni Don.Carlos

“Dad! Kailangan ako ni Mon kahit ngayon lang.” tuluyang umiyak na pagkakasabi ni Mara

“Lalo ka lang masasaktan! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Mara makinig ka!” pagtitimpi na galit na galit na si Don.Carlos

“Nasa Resto si Mon Dad, meron siyang lagnat.” hagulgol na muli at pagpapakaawa ni Mara

“Tatawagan ko ang tatay niya para puntahan siya. Pumasok ka na sa kwarto.” pakiusap ng ama kay Mara

Inakay ni Yaya Oring si Mara papasok sa loob ng kwarto.

“Mara, wag kana mag-alala kay Mon. Mapupuntahan naman siya agad dun kaya matulog ka na.” paliwanag ni yaya oring sa alaga

“Baka may masama na mangyari kay Mon yaya” Iyak na muli ni Mara

“Pssstt.. malakas si Mon walang masamang mangyayari dun, sige na mahiga ka na.” muling paliwanag at pagpapakalma ni Yaya Oring.

At sumunod na nga si Mara sa yaya.
Lumipas ang magdamag nagising si Mon na nasa kwarto na siya at paglabas niya nakita niya ang kaibigan na si Dave na tulog na tulog. Agad nagkape si Mon at naisipan tawagan si Debbie.

“Hello hon, kumusta kayo ni baby? Kakagising ko lang hindi ko na namalayan ang oras” malumay na pakikipag usap ni Mon

“Okay lang kami hon, nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ni Debbie

“Oo naman. Dito ako sa resto kasama ko si Dave.” sagot ni Mon

“Anong oras ka pupunta dito? Miss ka na ni baby.” paglalambing ni Debbie

“Ubusin ko lang kape ko hon at pupunta na ako diyan.” sagot na muli ni Mon

Habang nagkakape inaayos na rin ni Mon ang mga damit na dadalhin sa ospital. At ilang sandali lang nagising narin si Dave.

“Oh, pre kumusta ka na?” pagtatanong ni Dave na akmang hihipuin si Mon

“Okay na ako pre, salamat at binantayan mo ako.”
Pangiti na pagkakasabi ni Mon

Ilang oras lang ay nakarating na si Mon sa hospital at kitang-kita naman ang saya sa mga mata ni Debbie.Sinalubong siya ng halik ni Mon pati ang tiyan niya ay tinadtad din niya ito ng halik.

“Sumama pakiramdam ko kaya di agad ako nakabalik. Mabuti nalang natawagan ko agad si Dave.”
Pagpapaliwanag ni Mon

“Okay ka na ba ngayon?” Tanong ni Debbie

“Okay na ako hon, wag ka na mag-alala.” sagot ni Mon

Ilang araw din nagtagal si Mon sa pagbabantay hanggang sa pinayagan na silang makauwi ng bahay.

“Ma, kina Mon ako tutuloy” sabi ni Debbie sa ina

Nabigla ng bahagya si Mon dahil sa wala naman silang napag-usapan.

“Ayoko, hindi ka maalagaan dun.” pagtututol ni Mrs.Carmen

“Ma, gusto namin ng anak ko si Mon makasama.”pagpupumilit ni Debbie

Napansin ni Mon na pilit kinukumbinsi ni Debbie ang ina kaya’t sinugunduhan na nya ito.

“Tita, ako na po bahala kay Debbie at sa baby namin, huwag po kayong mag-alala aalagaan ko po sila.” pakiusap ni Mon kay Mrs.Carmen

“O sige, basta anak alagaan mo rin ang sarili mo kapag may problema tawagan mo agad ako ha?” Malumanay na pagpapayag ni Mrs.Carmen

Inayos lahat ni Mon ang mga gamit ni Debbie at tumawag siya sa kanila upang ipaalam na kasama niya si Debbie pauwi ng bahay.
At nakarating na nga sila sa bahay.

“Good morning po tito.” pagbati ni Debbie sa ama ni Mon.

“Kumusta ka na? Nagpahanda ako ng makakain at pinaayos ko narin ang kwarto ninyo” sagot ng ama ni Mon

Nang makakain na sila Mon agad tinungo nila ang kwarto na inilaan sa kanila.

“Matagal kong pinangarap na maging isa na ako sa pamilya niyo Mon” sabik na pagkakasabi ni Debbie na agad niyakap si Mon

Tinitigan ni Mon si Debbie habang nakaakap sa kanya ito.

“Nandito ka na at ang anak natin. Magkasama na tayo bilang pamilya.” nakatitig na tingin niya kay Debbie

Hinalikan ni Debbie si Mon at hindi naman ito tinutulan ni Mon.

“Magpahinga ka muna at may aasikasuhin lang ako.” pagpapaalam ni Mon

“Iiwan mo ako agad dito?” Pagtataka na tanong ni Debbie

“Hon, matagal akong wala sa resto may mga pipirmahan lang ako then babalik agad ako”
Paliwanag na muli ni Mon

“Ask Dave to bring all the papers.” muling hirit ni Debbie upang hindi umalis si Mon

“Okay, okay I will stay.”

“Hon, kararating lang natin hindi ko pa sila mga kakilala tas iiwanan mo ako dito?” Paglalambing ni Debbie

Hinawakan ni Mon sa balikat si Debbie at pinaupo ito sa kama.

“Hindi na nga...


po ako aalis. Mag change ka na at magpahinga, okay po ba?” Nakatitig na pagkakasabi ni Mon at bigla siyang tumayo

Hinawakan ni Debbie ang kamay ni Mon at nakatingala siya dito habang siya ay nakaupo.

“Hon, kailan mo ako papakasalan? Yung plano natin noon, plano mo pa rin ba ngayon?” Malungkot na pagkakatanong ni Debbie

Natigilan si Mon sa mga tanong ni Debbie at agad syang naawa dito at tumabi kay Debbie habang hinawi ang mukha nito at hinalikang muli nya ito sa noo.

“Opo, plano ko parin yun” malumanay na pagkakasabi kay Debbie

“Paano si Mara?” Pagtatanong na muli ni Debbie

Pumikit si Mon na parang nagtitimpi na wag magalit dahil sa binanggit ni Debbie ang pangalan ni Mara.

“Hon, kapag tayong dalawa ang nag-uusap wag mo nang banggitin ang pangalan niya, please?” nagtitimpi na pakiusap ni Mon

Agad tumayo si Mon na akmang palabas at sumigaw si Debbie.

“Mahal mo parin siya! Mas mahal mo parin siya kaysa sa amin ng anak mo Mon! Nararamdaman ko!” umiiyak na pagkakasabi ni Debbie

Natigilan si Mon sa aksyon ni Debbie at dahil sa bawal ma stress si Debbie pinipigilan parin niya ang kanyang sarili.

“Hon, nasa sayo na nga ako diba? Kayo ang pinili ko. Ano pa bang gusto mong gawin ko?”
malumanay na pagkakasabi habang nakatitig kay Debbie.

“Akin ka naman talaga eh,sa umpisa palang akin ka na.” at tuluyan ng umiyak si Debbie

Dahil sa ayaw ni Mon may masamang mangyari kay Debbie at sa baby inakap nya ito ng mahigpit.

“Ikaw ang pinili ko at ang ibig sabihin nun ay kayo ang mas mahal ko. Kung gusto mo, i-set ko agad ang wedding natin ha, para mapatunayan ko na sayo.” pabulong na sabi ni Mon kay Debbie

“Mahal mo ba ako kahit wala si baby, Mon?”
mahinang pagtatanong ni Debbie

“Oo naman, kaya nga tayo naka 3 years diba?” panunuyo ni Mon habang pinupunasan ang mga luha ni Debbie

“Sige na, magpahinga ka na muna at mag-uusap lang kami ni Daddy” pagpapaalam ni Mon kay Debbie

“Hindi ka aalis ha?” Pagkakasabi ni Debbie

Tumango lang si Mon na nakangiti kay Debbie.
Habang papalabas ng kwarto ay unti-unting nararamdaman ni Mon ang kirot ng dibdib at di nya namalayan na lumuluha na pala sya.
Di lingid ni Mon na nakamasid ang ama niya sa kanya at pinanonood siya habang pinipigilan nya ang kanyang emosyon.
Naupo sa hardin si Mon at tila nag-iisip na agad naman dumungaw si Debbie at natanaw kay Mon.

“I’m sorry Mon, hindi kita kayang pakawalan. Ikamamatay ko iyon.” umiiyak na pagkakasabi ni Debbie habang nakamasid kay Mon sa ibaba.

Lumipas ang mga oras umakyat na si Mon kay Debbie na may dalang merienda.

“Hon, here’s your merienda” magiliw na pagkakasabi ni Mon

“Ang sweet mo naman hon” masayang pagkakasabi ni Debbie

“Bakit kase ayaw mo pa sa labas kumain para makilala mo rin silang lahat at mapalagay ka na sa kanila” pagkukumbinsi na tanong ni Mon

“Sorry hon, nahihiya pa ako.” sagot ni Debbie

“Pero mamayang dinner hindi pwede to. Kailangan lahat sabay-sabay kakain okay?’ Paliwanag na nakangiti niya kay Debbie

Lumipas ang mga oras tinawag na ng maid si Debbie upang maghapunan.

“Ma’am, ma’am, ready na po ang dinner labas na daw po kayo sabi ni sir”

Dumungaw ng bahagya sa pintuan si Debbie

“Nasaan si Mon?” Pabulong na tanong ni Debbie sa Maid

“Si sir po tinawagan ni sir Dave urgent daw po kaya tumakbo po agad papunta ng resto.”

“Ah, nahihiya kase ako.” pabulong na muli ni Debbie sa maid

“Naku ma’am, ayaw po ni sir pinaghihintay ang pagkain kaya lumabas na po kayo.” sagot ng maid

Agad naman na lumabas si Debbie. Nagkatinginan sila ng ama ni Mon at iniyuko ni Debbie ang kanyang ulo bilang paggalang.

“Maupo ka na at kumain. Bawal nalilipasan ng gutom ang apo ko.” seryosong pagkakasabi ng ama ni Mon

Dahil sa dalawa lamang silang kumakain nabalot ng katahimikan kaya nagsalitang muli ang ama ni Mon.

“Napag-usapan na pala namin ni Mon ang kasal niyo. Hindi natin magagawang engrande ito dahil sa ibang babae ang nabalita na papakasalan niya at baka ikagulat ng iba. Sana naiintindihan mo” seryosong muli na pagkakasabi nya kay Debbie

“Okay lang po tito naiintindihan ko po”

Lingid sa kaalaman ng lahat hindi si Dave ang tumawag kay Mon kaya bigla itong umalis kundi si yaya Oring. Umalis ng bahay si Mara ng walang paalam at nag-aalala ang lahat kaya’t naisipan ni yaya Oring na si Mon ang tawagan.

“Hinanap na namin siya kung saan. Wala rin sa mga friends niya. Alam ko na hindi tama na tawagan kita pero baka kase alam mo kung saan mo makikita si Mara” naiiyak na nag-aalala na si yaya Oring

“Okay po yaya kumalma ka, hahanapin ko si Mara.” nag-aalala ring pagkakasabi ni Mon

Tatlong oras nag-iikot si Mon sa paghahanap kay Mara at inabot narin siya ng dilim hanggang sa naisipan nito na umikot sa park na malapit sa resto kung saan natambay si Mara nung nagpapanggap pa lang siyang pulubi. Hindi naman nabigo si Mon may nakita siyang babae na naka-upo sa ilalim ng puno na kahit madilim alam niyang si Mara ito.
Hindi agad lumapit si Mon pinagmamasdan muna nya si Mara itsurang pulubing muli ang nakikita ni Mon at napapailing na lamang sya

“Mara, hindi mo kailangan gawin sa sarili mo yan.” bulong ni Mon habang pinagmamasdan si Mara sa di kalayuan.

Mas lalong dinungisan ni Mara ang sarili kumpara noong una.
Habang pinagmamasdan ni Mon si Mara nakita nya itong sumasayaw at agad syang bumaba na nag-aalala sa kinikilos ng dalaga.

Dahan-dahan syang lumapit dito

“Mara, Mara” mahinang tawag ni Mon

Lumingon si Mara at muli itong sumayaw at umiikot na waring sumasabay sa hangin.
Hinablot niya si Mara papalapit sa kanya at tinitigan nya ito.

“Mara? Mara!” Nakatitig na alalang-ala sa kinikilos ng dalaga

Tumigil si Mara sa pagsayaw at tumitig kay Mon.

“Sino ka?” Mahinang pagtatanong ni Mara

“Wag kang magbiro ng ganito Mara.” naluluha na pagkakasabi ni Mon

Pumiglas si Mara at bumitaw sa pagkakahawak ni Mon.

“Bad guy ka siguro no? Isusumbong kita sa pulis!” sagot ni Mara kay Mon

Tumakbo si Mara papalayo kay Mon at agad naman siyang hinabol ni Mon. Dahil sa madilim hindi na nalaman ni Mon kung saan sumuksok si Mara. Nagtago si Mara sa gilid ng isang tangke at naupo siya sa sulok nito at humagulgol siya ng iyak habang takip-takip ang bibig nya. Hindi batid ni Mara na habang nakaupo siya at umiiyak nakatayo na sa likuran niya si Mon at nang napansin niya na may tao sa likuran niya tumingala ito. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Mon at kitang-kita nito ang pagtulo ng mga luha ni Mara habang takip-takip neto ang mga bibig niya. Awang-awa ang binata sa dalaga kaya’t agad niya itong itinayo at niyakap.

“I’m really sorry Mara.” umiiyak narin na pagkakasabi ni Mon

Patuloy parin sa pag-iyak si Mara habang akap-akap siya ni Mon. Walang salitang binibitawan si Mara kahit paulit-ulit na nag so-sorry sa kanya si Mon.

“Iuuwi na kita nag-aalala na sila sayo.” pakiusap ni Mon

Pumiglas na muli si Mara ng akmang hahawakan sya ni Mon papunta sa sasakyan

“Ayokong umuwi! Ayoko sa inyong lahat!” Humagulgol na muling pagkakasabi ni Mara

Hinawakan ni Mon ang mukha ni Mara at tinitigan nya ito.

“Hindi mo kailangan sirain ang sarili mo ng dahil sa akin, Mara. Hindi ang tulad ko.” muling pagpapakalma ni Mon kay Mara

Napaupong muli si Mara sa damuhan at nanahimik. Agad naman siyang tinabihan ni Mon pinagmasdan ni Mon ang itsura ni Mara na punong-puno ang katawan nito ng uling at sira-sirang damit. Napansin din nito na nakayapak kaya hinubad niya ang sapatos para isuot ni Mara na agad naman niyang tinutulan.

“Wag mo isusuot yan baka hindi kita bitawan.” naluluhang sambit ni Mara habang nakatingala at pinagmamasdan ang mga bituin.

Natigilan si Mon sa sinabi ni Mara at nilingon niya ito habang nakatingala ang dalaga at pinagmasdan ni Mon hugis ng mukha ni Mara habang tumutulo mga luha nito. Hinawi ni Mon ang mga luha na sunod-sunod na umaagos sa pisngi ni Mara. At humarap siya dito at hinalikan niya ang pisngi ni Mara. Nang hindi kumibo ang dalaga hinalikan na rin niya ito sa labi.
Walang nagawa si Mara dahil sa sabik din niya kay Mon na maakap ito at mahalikan.

Lumalim ang gabi at tumayo na si Mara sa pagkakaupo. Inabot ang kamay niya kay Mon na tila nakikipagkasundo.

“Salamat at hinahanap mo ako, salamat sa oras na binigay mo ngayon sakin” nakangiting pagkakasabi ni Mara

Nakatitig at nabigla si Mon sa sinabi ni Mara.

“Alagaan mo si Debbie at ang anak ninyo, pipilitin kong kayanin na wala ka na sa buhay ko pero ipangako mo na mamahalin mo pa rin si Debbie” naluluha na pakikipagsundo ni Mara

“Mara” pagtataka na sambit ni Mon.

“Okay na ako Mon, desidido na akong mag move on at tanggapin. Tapos na tayo. Wala ng ako at ikaw, enough na.” naluluhang muli na pagkakasabi ni Mara

Nakatitig si Mon na tila ayaw rin tanggapin ang mga sinasabi ni Mara.

“Umuwi ka na at baka nag-aalala na si Debbie. Magpapasundo na ako kay yaya Oring.” malumanay na sambit ni Mara

“Ihahatid na kita” sagot ni Mon

“No, umuwi ka na” pagtanggi ni Mara

Malungkot na pinakikinggan ni Mon ang lahat ng sinasabi ni Mara.

“Tatawagan ko si yaya para sigurado akong uuwi ka.” garalgal na pagkakasabi ni Mon na pinipigil ang maiyak

Nang matawagan si yaya Oring agad na pinaaalis na ni Mara si Mon.

“Hindi ako aalis hangga’t wala si yaya dito” pagmamatigas ni Mon.

At agad naman na dumating sasakyan na sakay si yaya Oring at binuksan ni yaya ang bintana upang palapitin na si Mara.
Habang papalapit si Mara sa sasakyan nakasunod naman si Mon sa kanya.

“Sige na, umuwi ka na. Ingat ka pauwi” sambit ni Mara

Habang tangkang papasok na si Mara sa loob ng sasakyan hinatak siya palabas ni Mon at inakap sya ito ng mahigpit.

“Alagaan mo ang sarili mo, hindi ito ang ending na pinangarap ko para sa atin. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko” umiiyak na pabulong na sabi ni Mon kay Mara

At agad naman itong narinig ni Yaya Oring at bumaba upang ihiwalay ang alaga kay Mon. Habang sinasabi ni Mon ang mga salitang iyon muling tumulo ang mga luha ni Mara.

“Mon, tama na! Pareho niyo lang pinahihirapan ang mga sarili niyo!” galit na pagkakasabi ni Yaya Oring

At binitawan na nga ni Mon si Mara at pumasok na ito sa sasakyan at agad naman ring pinaandar ng driver nila Mara.
Ilang minuto ang lumipas at malalim na rin ang gabi tumatawag si Debbie sa phone ni Mon.

“Hon, saan ka na ba?” Tanong ni Debbie

“Uuwi na ako maya-maya kont. Dito lang ako malapit sa Resto nag-aaya lang si Dave ng inuman. Konting shots lang uuwi rin ako agad” sagot niya kay Debbie

Lingid sa kaalaman ni Mon na nakausap na ni Debbie si Dave at napag-alamanan neto na hindi niya tinawagan si Mon.

Umuwi si Mon ng lasing at sinalubong siya ni Debbie.

“Ano ba hon, nagpakalasing ka ng husto” pag aalala ni Debbie

Agad nya tinawag ang maid nila Mon upang tulungan sya neto.

Habang nakahiga na si Mon na lasing na lasing, pinupunasan nya ito at bigla itong nagsalita.

“Mara, Mara.” sambit ni Mon habang natulo ang mga luha nito

Walang magawa si Debbie kundi makinig na lamang sa mga lumalabas sa bibig ni Mon

“Mara, mahal na mahal kita hindi ko alam kung anong gagawin ko maalis ka lang sa puso’t isip ko ng hindi ako nahihirapan ng ganito” lumuluha na muling sambit ni Mon habang nakapikit

Dahil sa narinig tuluyang napaiyak si Debbie habang wala parin tigil sa pagpunas kay Mon.

“I’m sorry Mon, nahihirapan ka ng dahil sa amin.” umiiyak na sambit ni Debbie.

Dahil sa tuloy-tuloy na pagtawag ni Mon sa pangalan ni Mara hindi na kinaya ni Debbie at agad tinawagan ang ina upang magpasundo ito.

Kinaumagahan nagising si Mon na wala si Debbie sa tabi nya.

“Manang! Manang!” Sigaw ni Mon

“Bakit po sir?” Sagot ni Manang

“Nasaan si Debbie?” Tanong ni Mon

“Ay sir, nagpasundo po kagabi sa mommy niya kasi hindi raw po siya makatulog dito” sagot ni manang

“Anong oras umalis?” Tanong na muli ni Mon

“Madaling araw na sir, pagkauwi niyo po nagpaalam na po sa daddy niyo na uuwi muna” sagot ni manang

Agad tinawagan ni Mon si Debbie.

“Hon, bakit ka umuwi dyan?” mahinahon na pagtatanong ni Mon

“Dito muna kami hon, kailangan mo munang mag-isip. Bibigyan kita ng dalawang linggo at kapag hindi mo kami sinundo ay ibig sabihin hindi kami ang kailangan mo at siya ang mas pinili mo.” malungkot na pagkakasabi ni Mon

“May nagawa ba akong mali? ” tanong ni Mon

“Ikaw lang ang nakakaalam nyan Mon” muling sagot ni Debbie

Binaba na ni Debbie ang phone at di batid kay Mon na may tampo ito sa kanya.






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Brigette Margarette

    next june 2,2021

Leave a Reply


top