PUSONG SINUNGALING KABANATA 7


👉PART 2✌
Hindi lang iyon ang unang pagkakataon na nagkita ang Mag- Ama, nasundan pa ito ng maraming beses…hanggang naging close sila sa isa’t isa, nagkapalagayan ng loob.
Madalas silang lumabas minsan nagkakayayaan silang dalawa na kumain sa iba’t ibang Restaurant para doon magbreakfast, minsan maglunch at magdinner.
Walang kaalam alam si Rea na nagkakasama na pala ang mag-ama, wala rin kaalam alam si Rollyson na ang taong madalas na niyang nakakausap at nakakasama sa ngayon ay ang kanyang tunay na Ama.
” Anak, hindi ka na naman namin nakasamang nagdinner ngayon ng Daddy Edward mo.”wika ni Rea.
” Ma, hindi ko pala nasabi sa iyo na madalas kong nakakasama sa Dinner, minsan sa breakfast at lunch si Sir. Rolly, yun katukayo ko ng pangalan at takenote Ma, kamukhang kamukha ko siya, siya yun sinabi ko sayo na nakita ko sa restaurant, ang gaan gaan ng loob ko sa kanya hindi ko nga maipaliwanag kung bakit.” banggit ni Rollyson sa kanyang Ina.
Gulat na gulat si Rea sa mga narinig niya.
” Rollyson, huwag ka ng makikipagkita sa kanya, pakiusap ko sayo kasi baka maging masamang impluwensiya pa siya sa iyo.”pakiusap ni Rea kay Rollyson.
” Ma, mabait naman si Sir. Rolly saka super kwela siyang kasama, lalo na pag pinag-uusapan namin ang mga babae sa buhay niya.”wika ng nakangiting si Rollyson.
” Mga babae sa buhay niya?.” Tanong ng nanglalaking mata ni Rea.
” Pero… Ma, sabi niya may isang babaeng nag-iisa at nagmamay-ari lang ng puso niya na di raw niya kailanman nalilimutan… tinatanong ko siya kung nagkikita pa ba sila nito, sabi niya nagkita raw uli sila at hindi na raw siya papayag na mawala pa ito sa kanya, ang suwerte naman ng babaeng yun Ma, Sino kaya ang Babaeng yun?.” kwento ni Rolly sa kanyang Ina.
” Talaga sinabi niya yun sa iyo?.”Tanong ng nakangiting si Rea.
” Oo…Ma.., kung makikilala mo lamang siya malalaman mo na mabait siya.” wika uli ni Rolly.
” Gusto mo Ma, Bukas na bukas din ipapakilala ko kayo ni Daddy Edward sa kanya para makilala nyo rin siya.”pahabol na wika ni Rollyson.
” Ah…hindi na Anak, next time na lang medyo marami kasi tayong trabaho ng Daddy mo sa Company natin saka nextweek may malaking event na kailangan present tayo dun kasi lahat ng mga negosyante ay kailangan dumalo roon kaya magiging abala talaga tayo anak.” pag-iwas na wika ni Rea.
Sabi nga pilit mang itago lalabas at lalabas parin ang katotohanan…
Isang malaking pagtitipon ang gaganapin ngayon, magkikita ang mga pinakamayayaman, mga taong may kinalaman sa ibat’ ibang negosyo present parin si Rolly doon...


sa kabila ng pagbagsak ng Company niya dahil inimbitahan parin siya ng mga dating kasamahan niya sa negosyo.
Siyempre hindi mawawala sila Mr. Catacutan, Rosana at ang pamilya nito at sina Edward at Rea kasama na si Rollyson.
Bonggang bongga ang damit ni Rosana, suot nito ang mga mamahaling alahas at siyempre ayaw niyang pumayag na wala siyang partner, iniwan niya ang kanyang pamilya mula sa puwesto nito kaya ng makita niya si Rolly doon, agad siyang yumupyop kay Rolly at inakay niya ito sa isang table para doon sila pumuwesto.
Magpapatalo ba naman ang ating bida na si Rea, suot rin nito ang pinakamagandang damit niya at mga alahas…
Mula sa kalayuang puwesto ay inaabot ng tanaw ni Rolly ang maganda at sexing sexy na si Rea.
Titig na titig si Rolly kay Rea.
” Ang laki na talaga ng pinagbago ni Rea, napakaganda niya.” Bulong ni Rolly sa sarili niya.
” Hoy…, Rolly saan ka ba nakatingin?.” Pagpansin ni Rosana kay Rolly.
Sinundan ng tingin ni Rosana ang mga mata ni Rolly na nakatanaw kay Rea, agad lumapit si Rosana sa puwesto nila Rea.
” Wow, ang ganda ng damit mo Rea.” wika ni Rosana na sobrang nakataas pa ang kilay nito.
Tumingin lang si Rea sa kanya at hindi siya masyadong pinansin nito.
” Hoy Rea, kinakausap kita, bakit di mo ko sinasagot diyan? may kasama ka pang matandang hukluban…hahaha.” malakas na tawa ni Rosana at nang- aasar pa kay Rea.
Tatayo na sana si Rea ng awatin siya ni Edward at Rollyson na huwag ng patulan si Rosana.
Pero sadyang mapang-asar si Rosana, umikot ikot pa siya sa puwesto nila Rea.
” Ang galing naman Rea, Siya pala ang bunga ng magagandang damit at alahas mo, kawawang matanda, hinuhuthutan ng sobra ni Rea, tapos present pa ang Rolly Junior..”
pumapalapalakpak na si Rosana habang nagsasalita.
Hindi na nakatiis si Rea, agad siyang tumayo at dahang dahang lumapit kay Rosana, inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ni Rosana.
” Bastos ka Rosana, huwag kang gumawa ng eskandalo rito, mahiya ka naman.” Bulong ni Rea kay Rosana.
Lumingon lingon si Rosana sa paligid niya, nakita niya na maraming tao ang tila nakatingin sa kanya, sinenyasan siya ng Mommy at Daddy niya na bumalik na sa puwesto nito kaya bumalik na siya.
Samantala ng mga oras na iyon gusto rin sana ni Rolly na umawat para patahimikin ang mapang-asar na si Rosana pero pinigilan niya ang kanyang sarili, mga ilan sandali pa, nakita siya ni Rollyson at hinila siya nito papunta kina Rea at Edward.
” Dad, Ma, siya si Sir. Rolly….”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top