PUSONG SINUNGALING


” PUSONG SINUNGALING “πŸ’”πŸ’πŸ˜š
-Sa lahat po ng sumusubaybay sa love story nila Rolly at Rea, marami pong salamat, sa lahat po ng kinilig at kikiligin pa, ito na po ang moment na iniintay natin…
Narito na po ang KABANATA 8
sa pagpapatuloy…
Habang si Rea ay kalong kalong ni Rolly, marahan niyang hinalikan ang dalaga, hindi na nakapalag pa itong si Rea.
Habang hinahalikan niya si Rea, naalala niya ang sinabi ng kaibigan niya na si Brian “Paano kung siya na ang tinitibok ng puso mo pero ayaw ng isip mo.”
Matapos ng marahang halik na iyon ay biglang nabanggit ni Rolly ang mga katagang…
“Mahal na kita Rea…
Alam mo yun pakiramdam na parang sasabog ang dibdib ko kapag di ko pa sinabi ito sayo… hindi ko alam, ayokong sabihin sa iyo ito pero ito ang dinidikta ng puso ko.”
Hindi makapagsalita si Rea sa mga narinig niya mula kay Rolly, siya ay nagmistulang pipi, natigilan siya sa mga narinig niya.
Mula sa pagkakakalong ay ibinaba siya ni Rolly sa isang upuan hinawakan niya ang mukha ng dalaga at hinaplos haplos, hahalikan sana niyang muli ang dalaga ng biglang may kumatok.
” Sir, excuse po may naghahanap po sa inyo si Mr.Catacutan po…may pag- uusapan daw po kayo…” wika ng isang empleyadong lalaki na matanda sa kanya ang edad.
” Ah…sige po wait lang po bubuksan ko ang pinto, sige po lalabas na po ako… Rea bumalik ka na muna sa office nyo, kakausapin ko lang si Mr. Catacutan.” nakangiting wika ni Rolly kay Rea.
Pag labas ni Rea sa office ni Rolly ay pinagpawisan siya ng malapot, dahan dahan siyang lumakad para bumalik na sa kanyang puwesto.
Nang mga oras na iyon natulala siya sa isang tabi at di mapakali, hindi niya alam na pinagmamasdan pala siya ng dalawang empleyadong babae na nag-uusap pa kanina bago pa siya pumasok sa office ni Rolly.
” Sabi sayo may milagrong nangyayari diyan sa office ni Sir.” wika ng isang babaeng empleyado.
“Oo nga! tingnan mo si Rea pawis na pawis at tulala, Ano kaya nangyari sa kanilang dalawa.” wika naman ng isa pang empleyado.
Lumipas ang maghapong iyon parang nasa langit ang pakiramdam ni Rea, tila tinatangay siya ng hangin papunta sa mga ulap, sa isipan ni Rea ay naglalaro ang tanong na “Totoo nga kaya ang sinabi sa akin ni Sir. Rolly na Mahal niya ko?”
Hanggang sa bahay nila ay di makapaniwala si Rea… nakangiti lang siya at masaya hanggang mapansin ng bunso niyang kapatid ang kanyang mga ngiti.
” Ate, anong nangyayari sa iyo? kanina ka pa nakangiti diyan?”
” Bunso, masaya lang si Ate, ok lang ako, huwag ka mag- alala…” sabay halik at niyapos ni Rea ang kapatid niya.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Lumipas ang mga araw, ang bawat araw ni Rea ay palaging masaya dahil sa bawat araw na dumaraan ay may natatanggap siyang regalo madalas flowers and chocolates na madadatnan niya sa mesa niya sa tuwing siya ay pumapasok sa trabaho… kalakip ng mga regalong iyon ang maliit na card na may nakasulat na “Mahal kita...


Rea, nagmamahal Rolly.”
Hindi Lingid sa kaalaman ng karamihang nagtatrabaho doon ang ginagawang panliligaw ni Rolly kay Rea… mangilan ngilan lang ang di nakakaalam na nililigawan na ni Rolly si Rea.
Pinilit ni Rolly na kalimutan si Rosana at binigyan niya ang puso niya ng pagkakataon na magmahal muli at ang napili nito ay si Rea.
Naikukuwento ni Rea sa Nanay at mga kapatid niya ang ginagawang panliligaw sa kanya ni Rolly at hindi nila nagustuhan ang pamamaraan nito ng panliligaw kaya nagkaisa sila na dapat ay sa bahay ito dapat pumupunta para manligaw.
Kaya isang araw sinabi ni Rea ang ganito kay Rolly.
” Rolly, pinapupunta ka ng Nanay ko at mga kapatid ko gusto ka raw nilang makilala kaya sa bahay ka namin pupunta para ituloy yun panliligaw sa akin.”
” Kailangan pa ba yun? Uso pa ba yun?” nakasimangot na mukha ni Rolly habang nagtatanong.
” Oo, Kailangan yun para makilala ka nila ng lubusan at makilala mo rin sila, sige ka.., pag di mo ginawa yun, di kita sasagutin.” Paliwanag at nakangiting biro ni Rea kay Rolly.
” S-sige na nga… ok!
Promise…!
Para sa iyo gagawin ko lahat kasi mahal kita.” Nakangiti ng si Rolly habang nagsasalita.
Pumupunta si Rolly sa mga araw na walang pasok ang kompanya, para tuparin ang pangako niya kay Rea…Sa pagpunta ni Rolly sa bahay nila Rea ay isa isang nagpakilala ang mga kapatid nito at sinabi ang mga bagay na dapat gawin ni Rolly sa panliligaw.
” Unang gagawin mo ay magsisibak ka ng kahoy.” wika ng isang kapatid ni Rea.
” Pangalawa, mag- iigib ka ng tubig” wika ng pangalawang kapatid ni Rea.
“Pangatlo, lagi mo akong bibigyan ng merienda… kasi lagi akong gutom.” wika ng Bunso nilang kapatid.
” Ano? hindi naman kasama sa ipapagawa natin sa kanya yun sinasabi mo bunso… hehehe…ikaw talaga.” wika ng natatawang si Rea na niyapos ang bunso niyang kapatid.
Ginawa nga ni Rolly ang mga bagay na iyon at mukang napagod siya kaya ipinagluto siya ng masarap na pagkain ng Nanay ni Rea…
Hanggang sa biglang may tumawag sa Cellphone ni Rolly na boses ng isang babae, agad tumayo si Rolly sa gitna ng kanilang masayang kainan…
” Excuse lang po sasagutin ko lang po ito.” wika ni Rolly na pumunta muna sa labas ng bahay.
” Rolly, Miss na kita…” wika ng isang babaeng tumawag sa kanya sa telepono.
” Sino ka? Tanong ni Rolly.”
” Ang dali mo naman makalimot Rolly, si Rosana ito.” Pakilala ng babaeng kausap niya…
Binabaan niya ito ng telepono at hindi na rin niya kinausap dahil hindi nya alam. kung ano ang isasagot niya… batid ni Rolly na maaring ibinigay ni Brian ang number niya kay Rosana.
Matapos ay bumalik na uli si Rolly sa loob ng bahay nila Rea at doon naramdaman ni Rolly ang saya na ipinagdamot sa kanya noon pa man dahil puno ng galit, poot ang puso niya dahil sa pagpapabaya ng kanyang mga Magulang sa kanya.
β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘
Magkakaroon bang muli ng kaugnayan si Rosana sa buhay ni Rolly? Paano na si Rea na umaasa sa pag- ibig ni Rolly?
Mamamangka nga ba sa dalawang ilog itong si Rolly?
ABANGANβ™‘β™‘β™‘\\\






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top