Rainbow after the rain


Rainbow after the rain.
Genre: Romance/comedy.
Author: KING

Thea? Di ka pa ba uuwi? Malapit na umulan ohh.
Ha? Mamaya pa ko madami pa ko liligpitin dito alam mo na madami akong notebooks na dadalhin pauwi.
Ahh ganun ba? Sige mauuna nako ha baka nandon na si papa sa labas, sige bukas nalng ulit.
Oo ingat. Sabay ngiti ko sakanya bago sya maka alis. Ako nga pala si Althea Ruiz. Grade 9 student ako mas kilala ako bilang Thea yun kasi nakasanayan ng iba na itawag sakin kadalasan kasi ako ang nahuhuli umuwi sa school sa kadahilanang matagal ako mag ligpit ng gamit at minsan doon narin ako gumagawa ng homework lalo na pag kunti lang para pag uwi wala na kong iisipin pa.
Naku bumuhos na naman ang malakas na ulan bat kaya lagi nalng umuulan tuwing uwian na sa hapon? Hirap tuloy sumakay lalo na pag malakas ang ulan. D naman masyadong malayo bahay namin mula sa school sasakay ka lng ng trycicle para maka uwi minsan nga pag d umuulan nag lalakad nalang ako para narin makatipid sa pamasahe 15 pesos din yun.
Pag labas ko ng classroom wala ng tao nasa 2nd floor pa naman ako ng building ng department namin nasa 2nd floor kasi ang room namin. Medjo madilim na ang paligid dahil sa makulimlim ang panahon dahil sa ulan .


/> Nakakatakot naman di pa siguro nag survey si manong guard kasi d pa naka sindi ang ilaw teka anong oras naba? Oo nga pala. Hala yung phone ko naiwan sa classroom, nakababa na sana ako ng 1st floor nung maalala ko na naiwan pala phone ko sa classroom, kaya dali dali kung binalikan yung phone ko ng biglang
…*blaggg*…
Aray ko!
Napaupo ako sa sahig ng may nakabangga pala akong isang lalaki. Pag angat ko ng tingin nakatayo lang sya sa harap ko at walang kibo walang reaksyon ang mukha nya para bang ang cold nya sing lamig ng panahon.
Nako po sorry d ko sinasadya ok ka lang ba? Ha?
Ako pa talaga nag tanong kung ok lang ba sya ehh ako na nga tong nasaktan.
Next time matuto kang tumingin sa paligid.
Sagot nya sa malamig na boses.
Sorry talaga nag mamadali kasi ako.
Tinignan ko mukha nya kilala ko sya sya yung transferee guy sya yung dumating kahapon totoo nga sabi nila ahh ang cute nya, d ko kasi sya napansin kahapon kasi busy ako sa mga reports ko at busy ako sa mga assignments ko.
Teka lng umiiyak ka ba?
Namamaga kasi mata nya halatang galing sya sa pag iyak.
Wala ka na don.
Sagot nya sa malamig na boses at biglang umalis. Di ko nalng sya pinansin at tumakbo nalng ako papuntang classroom para kunin phone ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top